Chapter 5

481 10 2
                                    

Drake.

Flashback...

Nagpaalam ko kay Daddy na pupunta ako ng park kung saan kami una nagkakilala ni Tiffany. Nagbabakasakali kasi ako na baka makita ko si Tiffany sa park at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siya sa park, nakikipaglaro sa ibang bata.

“Uy! Drake kanina ka pa namin hinihintay sabi ni Tiffany ng mapansin niya ako.

Minsan nagseselos ako sa ibang batang kalaro niya dahil gusto ko lang saakin siya makipaglaro. Pero friendly siya kaya naman marami siya kaibigan.

Baguhan pa lang siya dito sa Korea pero marami na siya agad kaibigan samantalang ako matagal na dito pero wala akong kaibigan kundi siya lang.

Lumapit ako sa pwesto ni Tiffany at nakisali sa laro nila. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito.

Everyday kami nagkikita at naglalaro ni Tiffany sa park until one may pupunta kami nila mommy at daddy sa kaibigan nila. At hindi ko inaasahan na anak pala siya ng kaibigan ng daddy at mommy ko.

Dahil anak siya ng kaibigan ng mommy at daddy ko minsan iniiwan ako nila mommy at daddy sa bahay nila Tiffany kapag may pupuntahan sila.

Magkasama kaming namamasyal ni Tiffany sa park habang nakabike. Nakaangkas siya saakin dahil hindi siya marunog magbike.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now