Chapter 6

465 8 1
                                    

Drake.

Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya naisipan ko muna bumaba at umiinom ng tubig dahil nauuhaw na rin ako kanina pa.

Pagdating ko sa baba agad ako dumeretso sa kusina at pumunta kung saan nakapwesto ‘yung refrigerator. Kumuha ako ng tubig sa loob ng ref at nilagyan ko ang basong hawak ko.

Habang nag iinom ako narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay. Pagkatapos kung umiinom pumunta ako sa may sala para salubungin ‘yung bagong pasok.

“Anong ginagawa mo dito?” taas kilay na tanong saakin ni Tiffany ng makita niya ako.

Mukhang gulat na gulat siya ng makita niya ako.

“Dapat ako magtanong ‘yan sayo. Anong ginagawa mo dito?” bagbalik ko ng tanong sa kanya.

Ang totoo alam kung dito siya nakatira. Nakiusap ako kay tita Tanya kung maaari akong tumuloy dito sa bahay nila pansamantala.

Gusto ko kasi makasama si Tiffany sa iisang bahay. Dahil malapit naman ako kay tita Tanya pumayag siya na tumira ako dito.

“Kapal mo naman! Ako pa talaga?” tinuro niya ang sarili niya “Hindi mo ba alam na dito ako nakatira!” pagpapatuloy niya habang humahakbang palapit saakin.

Bakit parang galit siya saakin. Kanina lang ang bait bait niya saakin. Baka naman napilitan lang siyang magbait baitan saakin dahil sa trabaho. Galit talaga yata siya saakin.

Paano naman hindi siya saakin magalit? Lagi ko siya sinusungitan.

“Small World! Ibig sabihin makakasama kita sa iisang bahay” tumawa ako ng mahina.

“Paano nangyari ‘yun?” tanong niya saakin.

“Anak nakauwi kana pala” sabay kami lumingon sa likod at nakita namin si tita Tanya na palapit.

“Mama! Bisita mo ba ang isang ‘to” tanong niya sa mama niya ng makalapit ito at tinuro pa ako.

“Oo anak! Isasama ako ng tito Dave mo pabalik ng Korea at hindi ko alam kung kailan kami makakauwi kaya humingi ako ng pabor kay Drake para samahan ka dito dahil wala kang kasama” mahabang paliwanag ni tita Tanya kay Tiffany.

“Kilala mo pala ang lalaking ‘to” tanong niya kay tita at tumingin naman siya saakin.

“Oo! Siya ‘yung anak ng tito Dave mo” sagot naman ni tita.

“Pwede naman sa bahay na lang nila lola ako tumuloy hanggang sa makabalik po kayo” suggests niya.

“Wala magbabantay sa bahay” hindi pumayag si tita sa gusto niya.

“Okay lang po tita na ako na lang ang magbabantay sa bahay niyo” pagsisingit ko dahil kanina ko pa talaga gusto magsalita.

“Oh ganon naman pala mama” sabi ni Tiffany.

“Bakit ang tigas ng ulo mong bata ka” nagulat ako ng hablutin ni tita ‘yung buhok niya.

“Mama naman nasasaktan po ako! Bahala po kayo hindi ko sainyo sasabihin ‘yung maganda mabalita” dahil sa sinabi ni Tiffany agad na binitawan ng mama niya ang buhok niya.

Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko si Tiffany na masaya!

“Anak ano naman ‘yung balita mo?” tanong ni tita.

“Pagkatapos mo ako masambunutan” nakapout na sabi ni Tiffany.

Out of place ako sa mag inang ito!

“Sasambunutan pa kita kapag hindi sinabi ang ang balita---” hindi na tapos ‘yubg sasabihin ni tita dahil tinaas ni Tiffany ang kamay niya para ipakita ang suot na sing sing “Anak huwag mo---” hindi naman ulit na tapos ang dapat na itatanong ni tita dahil bigla nagsalita si Tiffany.

“Mama ikakasal na ako” parang may dumurug sa puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Tiffany.

Ang ngiti saaking labi habang pinagmamasdan silang dalawa ni tita ay napalitan ng lungkot dahil sa narinig ko.

Huli na talaga ako dahil ikakasal na siya sa iba!

Tiffany.

Niyakap ako ni mama ng mahigpit ng matapos kung sabihin sa kanya na ikakasal na ako.

“Paano ‘yan anak mukha hindi na kita makakasama” mukhang umiiyak si mama dahil sa tono ng boses niya.

“Excuse me tita punta na po ako sa taas, inaantok na kasi ako” pagsingit ni Drake pero hindi pa man nakakapagsalita si mama umakyat na siya papunta ng kwarto niya.

“Mama naman! Alam mo naman na kahit kasal na kami ni Carlos hindi pa rin kita kakalimutan” hinarap ko si mama saakin.

“Kung saan masaya ang anak ko masaya na rin ako” niyakap ulit ako ni mama.

***

Nagising ako dahil sa pagkatok ng pinto ko. Tatlong beses na kumakatok sa pinto ang tao sa labas ng kwarto ko. Nanainis nga ako kasi gusto ko pa matulog.

Ay buhay! Kung kailangan gusto ko matulog pa saka naman may mag iistorbo pero kapag gusto ko magising ng maaga walang nag iistorbo. Kaloka talaga!

Pumunta ako sa pinto para bagbuksan ‘yunv tao sa labas ng kwarto ko na kanina pa katok ng katok. Pagbukas ko si Manang Margie ang bumungad saakin.

“Ma'am breakfast is ready” sabi ni Manang Margie bago bumalik sa iba iba.

Grabe siya oh! Yun lang pala kailangan pa talaga mang istorbo ng tulog. Ay Manang!

Nag toothbrush muna ako at naghilamos bago bumaba. At pagdating ko sa baba naabutan ko lang si Drake wala si mama.

“Buti naman bumaba kana! Alam mo ba kung anong oras ako naghintay sayo para lang makakain ng almusal” bumalik na naman ‘yung dati niyang ugali.

“Pwede ka naman kumain na hindi ako kasama. Bakit ba hinintay mo pa ako?” dahil hindi na siya customer ko pwede ko na siya lakasan ng boses o magalit ako sa kanya.

“Mabuti pa ang tinatayo tayo mo dyan kumain kana” kahit niya sabihin kakain ako dahil pamamahay namin ‘to.

Umupo ako sa harap niya at agad kumuha ng fried rice. Kumuha din ako ng hotdog at tocino. Kumain lang ako at hindi pinansin ‘yung kaharap ko.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now