Chapter 14

444 7 0
                                    


Tiffany.

Tinitingnan ko lang si Drake habang nag iihaw ng barbeque. Ngumiti ako ng palihim habang pinagmamasdan ko siya. Para siyang bata...may pasayaw sayaw pang nalalaman habang pinapaypayan yung barbequeng iniihaw.

“Anong ibig sabihin ng ngiting ‘yan?” nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Si mama lang pala akala kung sino na.

“Tingnan mo naman kasi mama si Drake parang bata” tuwang tuwa kung sabi Kay mama habang turo turo si Drake sa pwesto nito kung saan ito nag iihaw.

“Yun lang ba talaga o may ibig sabihin pang iba?” ang ngisi ni mama parang nangangasar.

“Ano naman ba ang iniisip mo mama?”

“Anak kilala kita kaya hindi mo ako matataguan ng sekreto mo” ang huling sinabi ni mama bago niya ako iwanan at pumunta kung nasaan si Drake.

Yun lang ba talaga ang rason ko kung bakit ako ngumiti o may iba pa? Ewan ko ba? Nahawaan na yata ako ni mama ng kabaliwan.

‘Like mother, like daughter’ pati yung isip ko nagsasalita na.

Naglibot muna ako habang hindi pa nakakapagluto ng dinner sila mama at Drake. Dahil mag gagabi na nararamdaman ko ang lamig ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy parin sa paglakad.

Hindi ko napansin na may tao akong makakasalubong kaya naman pareho kami na tumba dahil sa lakas ng pagkabungo namin. Yung ulo ko ang tumama sa dibdib niya kaya sumakit bigla yung ulo ko.

Pumasok sa isip ko ang batang babae at batang lalaki ng naglalaro sa isang parke. Malabo kaya hindi ko nakikita yung mukhang ng dalawang bata.

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sakit.

“Miss okay ka lang ba?” ngayon ko lang napansin nasa harapan ko na pala yung lalaking nakabunggo ko nakatayo.

“Ayos lang. Sumakit lang bigla yung ulo ko” sabi ko habang pinipilit kung tumayo at mabuti na lang nakatayo na ako.

“Gusto mo idala kita sa hospital?” tanong ulit sa saakin ng lalaki.

“Huwag na okay na ako” nginitian ko lang yung lalaki para maniwala siya okay lang ako.

“Tiffany!” pareho kami lumingon sa pinanggalingan ng boses ng lalaking kaharap ko. Si Drake tumatakbo papunta sa pwesto namin.

“Drake bakit?” salubong na tanong ko.

“Anong ginagawa ng lalaking ito sayo?” balik na tanong niya saakin habang masama ang tingin sa lalaking kaharap namin ngayon.

“Pare relax wala akong ginagawang masama sa girlfriend mo” pagpapakalma ng lalaki kay Drake. Mukhang napansin niyang galit si Drake.

“Totoo ba ang sinabi ng lalaking ito Tiffany?” tanong niya ulit habang turo turo yung kaharap namin.

Tumango tango lang ako bilang sang ayon “Kuya sorry sa inasta nitong kasama ko” paghihingi ko ng paumahin sa lalaking kahapan namin.

“Okay lang. Ang sweet nga ng boyfriend mo. Kung ako man ang nasa posisyon niya gagawin ko yun” nakangiting sabi niya “Sige mauna na ako. Okay ka lang ba talaga?

“Ah oo okay l---” hindi ko natapos yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Drake.

“Kung hindi siya okay kaya ko naman siyang dalhin sa hospital at alagaan” bakit mukhang galit pa rin siya.

Nakangising umalis yung lalaki at pagkaalis niya sa harapan namin... hinarap ko si Drake na nakapamewang at nakataas ang kilay.

“Ano ba problema mo? Bakit ganon ka na lang kagalit?” tanong ko sa kanya.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now