Chapter 12

391 10 0
                                    

Tiffany.

Busy ang lahat ng tao dito sa bahay ni lola. Nag aayos na ang iba para hindi mahuli sa simbahan samantalang ako ang nag aayos sa bride.

“Kinakabahan ako pinsan” kahit hindi sabihin ni Audrey halata naman sa mukha niya na sobrang kinakabahan siya.

Sino naman ikakasal ang hindi kinakabahan? Lahat naman yata! Kanina pa ako ayos kaya ako na ang nag prisinta na maayos kay Audrey. Yung ibang kapamilya namin nasa simbahan na at yung iba naman nag aayos pa.

Dahil maganda na si Audrey madali lang siyang ayosan kaya naman hindi pa nag iisang oras natapos ka agad akong mag ayos kay Audrey.

“Tapos na” nakangiti kung sabi habang nakatingin sa salamin kung saan makikita ang buong mukha ni Audrey.

“Grabe pinsan lalo akong gumanda” nagbuhat ng sariling bangko si Audrey pero totoo naman talaga na lalo siyang gumanda.

Ako kaya? Kailan kaya ako ikakasal? Mukhang hindi na ako ikakasal! Minsan lang na nga ako mangarap hindi ko pa matutupad:(

“Pinsan mauna na ako sa simbahan at sumunod ka na lang para magsimula na ang kasal” sabi ko kay Audrey na hindi pa rin inaalis ang paningin sa salimin.

Humarap siya saakin at ngumiti “Salamat pinsan” nginitian ko rin siya bago ko siya iwanan.

Pumunta ako sa parking lot ng bahay ni lola para kunin yung kotse at para makarating na ako sa simbahan. Tiyak na ako na lang ang wala doon.

Pagdating ko sa simbahan...hindi na ako magugulat sa ganda dahil ako ang nag ayos ng lahat na ito. Color blue lahat ng makikita mo kahit damit ng groomsman at bridesmaid.

Ganon din ako...color blue na dress ang suot ko. Hanggang tuhod lang naman ang damit ko at nakawagwag ang buhok ko.

Hinihintay na lang ang bride at magsisimula na ang wedding ceremony. Magkasunod lang na dumating ang kaming dalawa ni Audrey sa simbahan.

“Magsisimula na po ang wedding! Pumunta na po kayo sa kanya kanya niyong pwesto” sabi ko sa lahat ng abay at sa groom.

***

Dahan dahang lumakad si Audrey papunta sa altar habang si tita naman ang kasama niya. Mabuti pa si Audrey ikakasal na samantalang ako...naiiwanan sa buong angkan namin.

Huminto sa harap ni Bryan si Audrey at agad naman kinuha ni Bryan ang kamay ni Audrey at ikinawit sa braso niya. Bagay na bagay talaga silang dalawa.

“Welcome, all of you. We are gathered here to day for one of the happiest occasions in all human life, to celebrated before God the marriage of a the man and woman who love each other” panimula ni father “Marriage is a most honorable estate, created and instituted by God, signifying unto us the mystical union, which also exists between Christ and the Church; so too may this marriage be adorned by true and abiding love ” pagpapatuloy niya.

Lahat ng abay at mga bisita nakatuon sa pag iisang dibdib ni Audrey at Bryan. Katahimikan ang nabuo sa loob ng simbahan.

“You may now say your wedding vows” sabi ni father.

“I, Bryan Lilion, take you, Audrey Manobal, to be my wife and mother of my children. I promise to be true to you in good times and bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life” dahan dahan na isinuot ni Bryan ‘yung singsing sa daliri ni Audrey.

“Wag kang umiyak! Hindi ka naman ‘yung kinakasal” tiningnan ko ng masama ‘yung katabi kung maingay... Si Drake.

Ewan ko ba sa lalaking ‘to kung bakit ako pinapansin. Akala ko ba galit siya saakin tapos ngayon sinisira niya pa ‘yung moment ko.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now