Chapter 9

437 7 0
                                    


Tiffany.

Nang huminto ang ulan hinila ako ni Drake papunta ng parking lot at pinasakay sa kanyang sasakyan. At mabilis niyang pinatakbo hanggang sa nakarating kami sa Carnival! Nagtaka ako kung bakit ako dinala ni Drake!

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko ng papasok kami sa entrance.

“Malungkot ka kaya dinala kita dito para mawala ang lungkot mo” sagot niya saakin at sabay bitaw sa pagkakahawak ng kamay ko. Nauna siyang naglakad samantalang ako naiwan. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon saakin “Wala ka bang balak sumunod?”
tanong niya.

Mabilis naman ako tumakbo palapit kay Drake para abutan siya! Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman ko na kumakalam ang tiyan ko. Tumigil ako kaya napatigil rin si Drake at tumingin saakin.

“Pwede bang kumain muna tayo?” tanghali na pero hindi parin ako nag la-lunch.

“Dito ka muna! bibili lang ako ng makakain” sabi niya bago siya umalis para bumili ng pagkain. Dahil nakatayo lang ako naghanap ako ng mauupuan ko para hindi ako mahirapan tumayo.

Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid ka damihan nakikita ko mga couple. Habang pinagmamasdan ko ang mga tao dito sa carnival may tumabi saakin.

“Ngayon ka lang ba nakapunta dito?” tanong ng tao na tumabi saakin at paglingon ko si Drake na nakangiti “Kain kana” inabot niya saakin ang burger at cola in can.

“Makakabusog ba ‘to?” ayaw ko sana kunin dahil alam kong hindi ako mabubusog pero dahil gutom ako kinuha ko.

“Pasensya kana ‘yan lang ‘yung pagkain na nabili ko” dahil sa gutom hindi ko na pinansin si Drake, kumain na ako. Akala mo isang buwan ako hindi kumain.

Pagkatapos kung kumain sumakay kami sa mga rides. Aaminin ko ang saya saya ko nawala ‘yunh lungkot ko. Nakalimutan ko lahat ng poblema ko!

“Salamat! Dahil sayo nakalimutan ko lahat ng problema ko” sabi ko.

Hapon na kami nakauwi dahil hindi namin napansin ni Drake ang oras. Nasa harap na kami ngayon ng bahay.

“Maiwan na kita dito may pupuntahan lang ako” tumango lang ako bago ako iwan ni Drake. Samantalang ako pumasok na sa loob ng bahay at bumungad saakin si Carlos.

“Tiffany!” lalapit sana siya saakin pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng hand signal.
Ayoko ko siya makausap dahil sa tuwing kausap ko siya naawa ako at gusto ko siya balikan.

“Anong gusto mo? Diba sinabi ko na sayo na walang kasal na magaganap” sabi ko dito. Nagbabaya na ang mga luha ko gustong gusto ng tumulo.

“Tiffany kahit ipagtabuyan mo ako mahal pa rin kita” sa sinabi ni Carlos tuluyan ng tumulo ang luha ko.

“Mahal kita pero kaya ko ‘yun isakripisyo para walang bata mangungulila sa kanyang ama” nag uunahan tumulo ‘yung luha. Gamit ang mga kamay pinusan ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

“Kung ‘yan talaga ang gusto gagawin kahit mahirap pero mamahalin kita sa malayo” sabi niya bago niya ako linampasan at lumabas ng bahay para umalis na.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Nahihirapan ako! Maraming nangyari ngayon... Akala ko nakalimutan ko na pero mali ako dahil ano pilit kung kalimutan bumabalik pa rin.

Hindi ko napansin nakatulog na pala ako at umaga na ako nagising. Namumugto ang mga mata ko dahil sa ka iiyak kahapon. Pumunta muna ako sa Cr para maghilamos at mag toothbrush bago pumunta sa ibaba.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Audrey. Grabe ang bruha hindi man lang ako hinintay kumain, akala mo naman dito siya nakatira.

“Pasensya kana! Hindi kasi ako nag almusal sa bahay dahil nagmamadali ako pumunta dito” sabi niya habang ngumunguya. Nakakalabas lang ni Drake galing sa kusina na may dalang plato na may laman na ulam “Hoy pinsan hindi mo sinabi na dito tumutuloy si Drake” ngumunguya pa rin siya. Hindi ko pala sa kanya na sabi na dito pansamantala titira si Drake.

“Alam mo naman ‘yan si Tiffany walang oras para ikwento ako sa ibang tao” sabi ni Drake at umupo sa tabi ni Audrey at ako naman umupo sa harap ni Drake.

“Bakit ka nandito?” tanong ko at nagsimula ng sumandok ng pagkain.

“Grabe pinsan nakalimutan mo na ba? This week na diba ‘yung kasal ko. Anong plano mo?” ang totoo may plano na talaga ako para sa kasal ni Audrey.

“Huwag kang mag alala pinsan may plano na ako” sabi ko habang nguya lang ng nguya kahit puno ang bunganga ko ng pagkain nagsasalita pa ako.

“Drake may girlfriend ka na ba?” anong pumasok sa utak ni Audrey? Bakit ganyan ang tanong niya?

“No girlfriend since birth ako” natigilan kami ni Audrey sa sinabi ni Drake. Seryoso kahit isang babae wala pa siyang nakarelasyon “May nagmamay ari na kasi ng puso ko pero hindi ko alam kung naalala niya ba ako” sa tono ng boses mukha siyang malungkot.

“Pasensya kung natanong ko pa” paghihingi ng tawad ni Audrey. Napansin niya kasi na nag iba ‘yung mood ni Drake.

“Wala ‘yun! Nawawalan akong pag asa dahil ‘yung babaeng gusto ko may gustong iba at ang masakalap pa hindi niya ako naalala” sa mga sinabi ni Drake parang sumikip ‘yung dibdib ko biglang sumakit ang ulo ko parang binibiyak.

Napansin nila Audrey at Drake na pinapukpok ko ang sariling ulo ko.

“Pinsan okay ka lang ba?” pinilit kung ngumiti kay Audrey para hindi na siya mag alala pero ang totoo ang sakit sakit ng ulo ko.

“Okay lang ako” sabi ko sabay tayo para pumunta ng kusina at kunin ‘yung gamot na iniinom ko simula ng naaksidente ako.

“Sigurado ka bang okay ka lang?” dahil sa gulat nabitawan ko ang lalagyan ng gamot ko. Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Drake na nakangisi. Sinundan niya pala ako dito sa kusina.

“Nakakagulat ka naman! Kung may sakit ako sa puso baka patay na ako ngayon” hingal ako ng hingal kahit hindi ako tumakbo.

Nagulat na lang ako ng hawakan ni Drake ang mga balikat ko.

“Okay ka lang ba talaga” nakikita ko sa mukha niya ang pag aalala.

“Nawala na ‘yung sakit ng ulo ko pero ‘yun kaba naman” sabi ki tapos binitawan niya na ‘yung balikat ko.

“Aalis na aki maiwan ko na kayo ni Audrey” hindi pa man ako nakakasalita umalis na siya iniwan ako mag isa sa kusina.

Bumalik na ako sa dinning area kung saan naruruon si Audrey. Umupo ako sa harap ni Audrey at inuubos din ‘yung hot choco kung iniinom kanina.

“Akala ko kung ano na nangyari sayo” tapos na pala siya kumain, inuubos niya na lang ang hot choco niya.

“Color blue ang isusuot ng mga bridesmaid ganon din ang mga Groomsmen” pagsisimula ko ng usapan.

“Alam mo talaga pinsan ang gusto kong kulay” sabi ni Audrey na kinangiti ko. Bata pa lang alam ko na na ang gustong kulay ni Audrey.

“Okay na lang lahat pinsan” sabi ko at tumango tango naman si Audrey.

Pagkatapos namin mag usap ni Audrey agad naman siya nag paalam saakin na aalis na. Samantalang ako naiwan sa bahay kasama si Manang Margie. Dahil mag isa lang ako dito sa bahay at si Manang lang kasama ko naisipan kung mag swimming sa  pool.

Umakyat muna ako sa taas para makapagpalit ng swimsuit. Agad naman ako tumungo sa swimming pool ng makatapos ako magpalit ng swimsuit.

Matagal na rin nung huli ako ng swimming dito sa swimming pool namin. Bihira lang naman kami mag swimming dito. Si mama hindi naman niya hilig ang pag swimming kaya ako lang dito lumalangoy.

Tumalo na ako at sisid lang ako ng sisid at pag ahon ko nakita ko si Drake na nakatingin saakin kaya mabilis akong pumunta sa upuan sa tabi ng pool para kunin ‘yung towel at tinakpan ko ang katawan ko.

“Ano kaba? Para kang kabute” naiinis na sabi ko dahil sa kanya naistorbo ang pag eenjoy  ko.

“Sorry! Sabi kasi ni Manang nandito ka kaya pumunta ako dito para sabihin sayo na susunduin natin si tita at si papa” sabi niya bago siya umalis pero bago tuluyan siyang umalis tumingin muna siya saakin “Magbihis kana dahil baka may makakita pa sa maganda mong katawan” uminit ang pisngi ko dahil sa ngisi niya parang inaasar niya ako.

Baka sermunan ako ng isang ‘yun kaya umakyat na ako papunta ng kwarto para magbihis dahil paniguradong naghihintay na ang isang ‘yun.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now