Chapter 7

465 11 2
                                    

Third Person.

Gulat si Carlos ng makapasok siya sa kanyang opisina dahil sinalubong siya ng isang babae. Maganda ang babae at mistisa... Sinalubong siya ng yakap dahil takot na may makakita sa kanilang dalawa habang nagyayakap itinulak niya ito.

 Sinalubong siya ng yakap dahil takot na may makakita sa kanilang dalawa habang nagyayakap itinulak niya ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Anong ginagawa mo dito?” sa tono ng boses ni Carlos mukhang galit na galit siya.

Tayo ang babae sa pagkakaupo sa sahig dahil sa pagtulak ni Carlos dito. Tiningnan ng babae si Carlos na parang nagmamakaawa.

“Nandito ako para sa ama ng anak” naluluhang sabi ng babae. Mukhang may pinagdadaanan ang babae.

“ ‘Yun naman pala eh” na bunutan ng tinik si Carlos sa sinabi ng babae.

“Ikaw ‘yung ama ng anak ko” dahil sa sinabi ng babae kumunot ang noo ni Carlos at hinawakan niya ang braso ng babae ng mahigpit.

“Anong pinagsasabi mo? Kapag may nakarinig sayo dito makarating pa ‘yan sa fiance ko” hindi pa binibitawan ni Carlos ang braso ng babae dahil sa galit lalo niya itong hinigpitan.

“Nasasaktan ako! Wala akong pake kung may makarinig man at wala akong pake sa fiance mo. Nandito ako dahil kailangan ka ng anak mo” dahil sa pagpupumiglas ng babae nabitawan ni Carlos ang braso nito. Namumula ang braso ng babae dahil sa pagkakahawak ni Carlos.

“Wala akong anak! Pwede ba umalis kana dito dahil hindi ko alam ang pinagsasabi mo” tinutulak ni Carlos palabas ng opisina niya ‘yung babae. Dahil malakas si Carlos napalabas niya ‘yung babae.

Nang makalabas na ‘yung babae isinara ni Carlos ang pinto ng opisina niya. Pumunta siya sa may upuan niya at umupo. Sinasambunutan niya ang sarili niyang buhok dahil hindi niya makapaniwala na ang babaeng nanakit sa kanya ay nagpakita sa tagal ng panahon at sinabi pang may anak sila.

Bakit bumalik ka pa? Kung kailan masaya na ako! Isa kang gago Megan!”

Tiffany.

Nanonood ako ng TV dito sa may sala. Wala naman gagawin sa Shop kaya hindi muna ako papasok dahil gusto ko magpahinga. Naghihintay ako ng text ni Carlos pero hanggang ngayon wala kahit isa text si Carlos.

Nag aalala na ako sa taong ‘yun!

Nagulat ako ng may tumabi saakin sa may sofa at paglingon ko bumungad saakin ang mukha ni Drake.

“Wala kaba pasok?” tanong ko pero sa TV ako nakatingin.

“Wala, ikaw wala kaba pasok?” pagbabalik niya saakin ang tanong.

Minamalas yata ako ngayon! Ibig sabihin makakasama ko ang isang ‘to buong araw! Hayts!
Tumayo ako para pumunta ng kusina at kumuha ng maiinom dahil nauuhaw ako.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now