Chapter 8

412 7 0
                                    


Tiffany.

Nadatnan ko si Carlos sa opisina niya nakaupo. Nang makita niya ako mabilis siyang tumayo at lumalapit saakin pero ito ako umaatras kapag lumalapit siya.

“Totoo ba ang pinagsasabi ni Megan?” tanong ko sa kanya pero hindi siya humimik ibig sabihin totoo at ayaw niyang malaman ko “So, totoo talaga!” hinubad ko ang sing sing na suot ko sa daliri at binato kay Carlos.

“Tiffany please huwag mong gawin saakin ‘to? Hindi ko gusto ang mangyayari!” akmang lalapit sana siya pero umaatras ako.

“Walang kasal na magaganap! Mahal kita Carlos pero ayoko maging masaya samantalang may batang nangungulila sa ama” magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya pinasalita dahil mabilis akong tumakbo palabas ng opisina ni Carlos.

Takbo lang ako ng takbo. Iniwan ko ‘yung kotse ko sa parking lot. Nakarating ako sa may park at dito ko binuhos ang pag iyak ko.

Akala ko talaga matutupad ko na ‘yung kasal na matagal ko ng gusto matupad. Mahal ko si Carlos kahit busy siya at alam kung mahal din ako ni Carlos pero ayoko maging masaya na may taong nasasaktan.

Ayoko matulad saakin ang anak ni Megan na lalaking walang ama . Mahirap kapag walang ama dahil walang magtatangol sayo kapag inaapi ka at walang hahatid at susundo sayo sa school.

Kaya ayokong matulad saakin ang anak ni Megan! Kahit mahirap saakin magparaya ginawa ko para sa ikakabuti ng lahat kahit ako ang nasasaktan.

Third Person.

Kahit maraming gagawin si Carlos ngayon sa opisina mas minabuti niyang pumunta sa bahay ni Megan para ito kausapin.

Mahigpit ang hawak ni Carlos sa manibela habang nagpapatakbo ng kanyang sasakyan. Dahil mabilis ito sa pagpapatakbo ng sasakyan mabilis din itong nakarating sa bahay ni Megan.

Derederetso lang si Carlos na pumasok sa loob ng bahay ni Megan dahil hindi nakasara ang gate nakapasok siya. Pinipigilan siya ng katulong ngunit makulit siya kaya nakarating siya sa sala kung saan naruruon si Megan.

“Manang hayaan mo po siya” sabi ni Megan sa katulong na kanina pa pagpigil kay Carlos sa pagpasok.

Nagulat si Megan ng lapitan siya ni Carlos at hinawakan ng mahigpit sa braso. Namumula na ang braso ni Megan at ramdam ni Megan ang sakit nito.

“Masaya kana? Dahil sayo hindi na matutuloy ang kasal namin ni Tiffany” galit na galit na saad ni Carlos.

“Carlos bitawan mo ako nasasaktan ako!” naluluha na si Megan dahil sa sakit.

“Ito ang tatandaan mo Megan! Kahit anong gawin mo hindi na ako babalik sayo” binitawan na ni Carlos si Megan.

Hindi alam ni Megan at Carlos na may nakakita sa kanila habang nag aaway. Tumakbo ito palabas ng bahay dahil hindi niya nagustuhan ang pag aaway ng dalawa.

“Carlos kailangan ka ng anak mo” aalis na sana si Carlos pero biglang lumuhod si Megan sa unahan nito.

“Baka ikaw ang may kailangan saakin Megan! Pagkatapos mo akong iwan ng hindi nagpapaalam babalik!” hindi na napigilan ni Carlos na hindi mapaluha ng maalala niya ang kasalanan na ginawa sa kanya ni Megan.

“Umalis para ilayo ang anak natin dahil natatakot ako kapag nalaman mong buntis ako iiwan mo ako” umiiyak na sabi ni Megan “Ayoko lang masira ang lahat ng pinaghirapan mo dahil saakin kaya ko nagawa ang lahat ng ‘yun” pagpapatuloy nito sa sinasabi.

“Ma'am si Marlou po wala sa kwarto niya” hingal na hingal na sabi ng katulong nakakarating lang galing sa kwarto ni Malou anak ni Megan.

Mabilis na tumayo si Megan sa pagkakaluhod ng marinig ang sinabi ng katulong. Nagulat din sa nangyari si Carlos.

“Tulungan mo akong hanapin ang anak ko” pagmamakaawa ni Megan kay Carlos.

Hindi nagsalita si Carlos pero mabilis itong tumakbo palabas ng bahay para hanapin si Marlou. Nakasunod lang kay Carlos si Megan.

Tiffany.

Habang nakaupo ako sa bench may naririnig akong umiiyak na bata. At paglingon ko likod ko isang batang lalaki ang nakita habang umiiyak.

Dahil malapit ako sa mga bata lumapit ako para kausapin!

“Bakit ka umiiyak little boy?” tanong ko dito at buti na lang tumigil na siya sa pag iyak.

“Si mommy at daddy nag aaway po” umiyak ulit ang bata kaya hinahaplos haplos ko ang likod ng bata.

“Huwag kang mag alala little boy magkakabati agad sila” pagpapagaan ko ng loob ng bata.

“Sabi ni mommy may ibang love ang daddy! Hindi niya na kami love” nalungkot ako sa sinabi ng bata.

Dahil sa hindi pa ito tumitigil sa pag iyak niyakap ko ito ng mahigpit.

“Love ka ng daddy mo kaya tahan na at baka hinahanap ka na ng parents mo kaya mabuti pang iuwi na kita sainyo” sabi ko ng makabitiw na ako sa pagkakayakap sa bata.

“Marlou!!!” gulat na gulat ako ng makita ko sila Megan at Carlos na papalapit sa pwesto kung saan ako at ‘yung bata.

“Mommy! Daddy!” sinalubong ng bata sina Megan at Carlos ng yakap.

“Ano kaba anak? Nag alala kami sayo ng daddy mo” sabi ni Megan na nakakabitiw lang sa pagkakayakap.

“Gusto ko sana mamasyal tayo pero nakita ko kayo ni daddy nag aaway kaya ako na lang mag isa  ang namasyal” sabi ng bata.

“Huwag ka mag alala anak sasamahan ka namin ng daddy mo mamasyal” mabilis na pumulupot si Megan kay Carlos na kinagalit ko.

“Mahal ko anong ginagawa mo dito?” dahil sa tanong ni Carlos napunta saakin ang atensyon ng mag ina.

“Mahal ko ang pangalan niyo ate ganda?” tanong saakin ni Marlou pero dahil baka anong isipin ni Marlou sa pagtawag saakin ng daddy niya ng mahal ko tumango na lang ako.

Mabilis na hinila ni Megan si Malou para maalis siya saakin tabi at mapunta sa tabi niya.
“Anak next time huwag kang lalapit sa hindi mo kilala” wala na naman akong ginagawang masama! Bakit ang sama ng tingin saakin ni Megan.

“Ang bait po ni ate ganda! Siya po ang nagpatahan saakin” sabi ni Malou na ikinatuwa ko.

“Carlos pwede mo ba kami ihatid ng anak pauwi ng bahay” pakikiusap ni Megan kay Carlos pero parang hindi gusto ni Carlos na ihatid ang mag ina.

“Daddy please!!!” this time si Marlou na ang nakiusap sa daddy niya pero bago tumango si Carlos tumingin muna siya saakin.

Hinila na ni Marlou ang daddy niya at mommy niya. Kapag tiningnan para silang masayang pamilya kaya lalo tuloy ako nalulungkot kung sakali matuloy ang kasal namin ni Carlos.

Nagulat ako ng bigla bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong tumakbo papunta ng puno para magsilong. Mas lalong lumakas ang ulan kaya naman kahit nakasilong na ako nababasa pa rin ako.

Naramdaman kong hindi na ako nagbabasa ... paglingon ko sa tabi ko nakita ko si Drake na may hawak na payong at saakin nakatapat.

“Gusto mo ba magkasakit? At gusto mo ba pagalitan ako ng mommy mo?” sunod sunod niyang tanong habang nakatingin saakin ng deretso.

Dahil sa hiya napayuko na lang ako!

“Sorry hindi ko naman alam na uulan pala ng malakas” mabilis ang pangyayari! Niyakap ako ni Drake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Dapat tinulak ko na siya pero may nagsasabi saakin na kailangan ko ng yakap niya.

Magkayakap kami sa ilalim ng punong kahoy habang umuulan! Parang nangyari na ito pero habang naliligo kami sa ulan at hindi yakap kundi halik sa noo.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now