Chapter 13

388 15 0
                                    

Tiffany.

Kung kailan ako tinatamad magpalengke saka ako uutosan ni mama para sa mga dadalhin namin sa outing. Marami pa naman si mama pinabibili pero wala akong kasama para magdala ng ibang dadalhin.

Mabuti na lang talaga kaunti lang ang tao dito sa supermarket kaya agad rin ako natapos sa pagkukuha ng pinabili saakin ni mama. Magbabayad na lang ako!

“1,589 ma'am” sabi ng cashier matapos niya e-compute ang mga binili ko.

Agad naman ako kumuha ng pera sa wallet ko. At ang nakakainis pa! Ako yung magbabayad ng mga pinalengke ko dahil wala namang pera binigay si mama.

“Thank you ma'am! Come again!” sabi ulit ng cashier at inabot saakin yung sukli ko at yung mga pinalengke ko.

Dahil hawak ng dalawang kamay ko yung paper bag hindi ko nababalik yung sukli sa wallet ko.

“Gusto mo tulungan kita” sabi ng babaeng nakasalubong ko. Mukhang hindi naman siya budol budol gang kasi ang ganda niya at mukhang mamahalin ang suot niyang damit.

Hindi pa naman ako pumapayag kinuha niya na ang paper bag sa isang kung kamay.

“Salamat” sabi ko bago kunin sa bag yung wallet ko at binalik yung sukli pero habang binabalik ko yung sukli nahulog yung ID ko. Kukunin ko sana pero naunahan akong kunin ng babaeng tumulong saakin.

“Tiffany Monsalve?” parang nagulat siya ng mabasa niya yung pangalan ko sa ID ko. Tumingin siya saakin pero agad niya naman inalis at binalik sa ID ko “Omg! Tiffany? Ikaw nga” nagulat ako ng bigla niya akong yinakap.

“Miss magkakilala ba tayo?” tanong ko.

Dahil pagkakatanda ko wala naman akong kilalang babae na maganda tulad niya. Baka naman isa sa mga kleyente ko sa mga event.

“Ako ‘to si Aimme, classmate kita noong grade 3” kahit balikbalikatarin ko ang isip ko wala ako maalala na Aimme. Inabot niya na saakin yung ID ko at agad ko naman kinuha at binalik sa wallet ko.

“Sorry pero hindi kita kilala”

“Grabe siya o! Teka kamusta na pala kayo ni Drake?” sa sinabi niya bigla ko tuloy naalala si Drake. Ibinalik niya naman saakin ang hawak niyang paper bag.

Magkakilala sila? Tapos bakit niya tinatanong saakin kung kamusta na kami ni Drake hindi nga kami okay.

“Girlfriend kaba ni Drake?” Ewan ko ba kung bakit lumabas ang tanong na ‘yun sa bibig ko. At hindi naman nakakatawa yung tanong ko pero bakit niya ako tinatawanan.

“Hindi! Paano man ako magiging girlfriend ni Drake eh girlfriend ako ng kaibigan niya. Hindi pa ba sayo umaamin si Drake?” Ano naman ang aaminin saakin ni Drake?

“Huh? Aaminin?” nalilito na ako sa mga pinagsasabi ng isang ‘to. Sumasakit na ang ulo ko!

“Hanggang ngayon torpe parin si Drake” mukhang baliw ang kausap ko. Laya yata ang babaeng ‘to sa mental. Wala naman nakakatawa tawa lang ng tawa.

“Aimme!” sabay kami lumingon sa tumawag sa kanya. Isang lalaking tumatakbo papunta sa pwesto naming dalawa.

“Adonis, matutuwa ka kung sino ang nakita ko” sabi ni Aimme habang ikinakawit niya ang braso niya sa braso ng lalaking pangalan Adonis.

“Sino?” tanong naman ni Adonis at tumingin saakin.

“Si Tiffany” makikita sa mukha ni Adonis ang pagkagulat “Tiffany huwag mong sabihin na kahit si Adonis hindi mo natatandaan” nakangiting sabi ni Aimme.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now