Chapter 4

529 12 1
                                    

Tiffany.

May nabangga ako, buti na lang hindi ako natumba o napaupo sa sahig pero ang suot ko naman na damit natapunan ng kape na hawak niya

Ako nga itong natapunan ng kape sa damit pero parang siya ‘yung galit. Gwapo siya kahit nakakunoot ang noo niya at parang umuusok ang ilong dahil sa galit.

 Gwapo siya kahit nakakunoot ang noo niya at parang umuusok ang ilong dahil sa galit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Grabe ‘yung aura niya para siyang kumakain ng buhay na tao. Nakakunoot ang noo niya habang nakatingin saakin.

“Miss! Bulag kaba?” tanong niya saakin at mukhang galit na galit talaga siya.

“Sir hindi ko naman sinasadya na mabangga ka. At isa pa ako ‘yung natapunan mong kape tapos ikaw itong nagagalit” pinipilit kung pakalmahin ang aking sarili.

“Tsst! Malas na araw na ‘to” huling sinabi niya bago siya pumasok ng shop ko samantalang ako pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta ng parking lot.

Pagdating ko sa parking lot agad kong binuksan yung pinto ng kotse sa may driver seat nagbabakasakali ako na baka naiwan ko yung phone ko dito sa loob ng kotse at hindi naman akong nagkakamali dahil nakita ko ‘yung phone sa loob ng kotse ko nakalagay sa upuan ng passenger seat.

3 message received.
1 missed call.

Bata pa lang ako pero makakalimutin na ako tuloy hindi ko agad nabasa ‘yung message baka si Audrey na ‘to.

From: Pinsan

Pinsan nasa shop kana ba? Nasa shop na kasi si Drake.

From: Pinsan

Uy! Pinsan reply ka naman.

From: Carlos

Mahal free ka today pwede ba tayo magkita mamaya 8pm sa favorite restaurant natin.

Pagkatapos kung mabasa ‘yung mga message ng nagtext bumalik na ako sa loob ng shop baka kasi bumalik na ‘yung Drake na kaibigan ni Bryan.

“Kanina pa ako dito pero hanggang ngayon wala parin ‘yung may ari ng shop na ito!!!” papasok pa lang ako ng shop narinig ko na agad ‘yung malakas na boses sa loob ng shop.

Mabilis akong naglakad papasok ng shop at nakita ko ‘yung lalaki kanina nakatapon saakin ng kape sa damit na parang senesermunan ‘yung mga employee ko.

Kung pwede lang mang away ng customer kanina ko pa siya sinagot sagot. Wala siyang karapat para sermunan ang mga employee ko. Lumapit ako sa kinaruruan ng lalaki at ni Karen.

Dream WeddingWhere stories live. Discover now