Second Chance to Win His Heart

1.2K 23 6
                                    



Para sa pag ibig na hindi natinag ng panahon...




~



ELISE'S POV

"Hay, grabe! Nakakapagod pala ito.. Buti pa nung HS, konting documents lang hinihingi." sabi ko sa sarili ko habang nakapila.

Ngayon kasi ang official enrolment date para sa college na napili ko. Kaya napakadaming tao.

Super init pa. Gusto ko ng malamig na malamig na tubig after this. Feeling ko kasi hihimatayin na ko nito sa sobrang init at pagod. Paano ba naman? Eh 3 hrs mahigit na ko rito.

Ay nga pala!

Hi! Ako nga po pala si Elise Jane Villaluz. Incoming BS Communication Arts student sa Collins University- ang dream school ko.

I'm 17 years old at yes, soon I'm gonna be a college freshman.

Excited ako na medyo kinakabahan kasi sabi nila mahirap na raw ang aral pero, keribels lang kasi pala-aral naman ako nung high school kaya maybe, hindi na bago at dyahe sakin kung ganoon parin ngayong college.

After 1 more hour, sa wakas! Natapos na ang enrollment process. Natawag na ko at nakapagbayad na rin. Pauwi na ko ngayon at sasakay na sana nang bus nang....

"Jake?!!"

Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.

Oo, it's been 4 years since I last saw him pero, hindi ako pwedeng magkamali....

Siya yun! Si Jake dela Cruz....

Ang first and last CRUSH ko....

~

* FLASHBACK, 4 YEARS AGO *

"Hay.... Kalungkot naman!" sabi ni Yumi, class secretary namin

"Bakit? Dahil malapit na'ng graduation?" - Fred, top10

Heto kami. Nasa school gym. Nagpa-practice for graduation ball. 1 month nlang kasi, graduating activities na namin like retreat, graduation ball, etc. At syempre, ung mismong graduation rites.

Sa mga susunod kasing araw, final exams na kaya maaga pa lang, nagre-ready na kami sa grad ball.

Silang magttropa, nagkkwentuhan sa may stage habang break. Ako, nandito sa may hagdan, nagpapahinga...

"Oo nga noh... Hay, badtrip nga yun. Nga pala, may mga lilipat ba sa tin sa ibang high school?" - Lilibeth, bff ni Yumi

"Uhmm, marami ata eh... Siguro mga 7 silang mawawala." - Janice, class VP

"Talagang nag-survey ka ha!" - Louie, sgt. At arms namin,.bff ni Fred

"Sinu-sino raw?" - Ania, bff din nila Janice

"Hmm.... Rinig ko si Patty raw pupunta na sa States..." - sabi ni Janice

Haay... Nalungkot na tuloy ako.

Tama kasi siya, aalis na si Patty, ang FOREVER AND ONLY BESTFRIEND ko...

Kasi may business sila dun ng family nya kaya, lilipat na raw sila sa LA for good.

Dear Love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon