Prologue

3K 47 2
                                    

Dear Love,

Natatandaan ko pa noong nasa elementarya pa lang ako, mahilig akong bumili ng mga slumbook. Siguro, mga 1 slumbook ako per grading period. Suma-total, nasa mga apat na slumbook ang meron ako sa isang taon. Iba't ibang klase na nga ng slumbook nabili ko eh.

Merong pang friendship, yung parang address book, scrapbook-type at pati mga tipikal na pang maharot na about sa crushes at sa love.

Kaligayahan ko yun, kahit na minsan parang ewan na ako dahil pareho lang naman din ang sinusulat ng mga kaklase ko. Puro "Crush is paghanga", "Love is Blind", "Love is in the air", at kung medyo matalinhaga pa at feel na feel ni ate o kuyang mag-English, "Love is like a rosary that is full of mystery" ang peg nilang sinasagot. Ako minsan, medyo corny kasi ang sinasagot ko, "Love is my second name."

Pero sa totoo lang, sa dami ng definition na inilalagay namin tungkol sa 'yo, (minsang ginu-google pa natin kung anong definition para wala tayong kapareho, masabi lang na may alam kahit ang totoo naman ay wala kang kahit anong experience dito), ano nga ba talaga ang depinisyon mo?



Ano nga ba ang "LOVE"?

Bakit ka tinawag na "Love"?

Anong significance nung apat na letrang L-O-V-E sa nararamdaman ng mga tao?

Bakit naiilang minsan ang ibang taong tawagin sa pangalan kong "Love"? (kesyo term of endearment daw yun ng mga couple, eh ano namang pake ko?)

Meron ba talagang tamang definition para sa 'yo?


O sadyang malalaman mo nalang na basta, LOVE na to kapag naranasan mo na talaga?

O kaya, kapag nasaktan ka na ng taong yon, ibig sabihin na-inlove ka sa kanya?

Kailangan ba, dalawa kayong nagmamahal or the feeling is mutual kumbaga, para masabi mong may lovelife ka?

Paano mo nga ba malalaman kung "inlove" ka sa isang tao?

Paano ba maide-describe yung "ETO NA YON" feeling ng isang taong tinamaan ni kupido?

Ewan ko ba.

Basta ako, ang alam ko lang...Kahit "Love" ang ipinangalan sa akin ng magulang ko, at mahigit dalawang dekada na akong nabubuhay na parte na ng pagkatao ko ang salitang "love", sa palagay ko ay hindi ko parin nararanasan at nararamdaman kung ano ka ba talagang love ka.

Basta ang naiintindihan ko lang, bawat tao ay may kanya-kanyang kwento ng pagibig at guhit ng tadhanang maaaring makapag-bigay kabuluhan kung ano nga ba talaga ang salitang "pag-ibig" at ang iba't ibang mukha nito.




~

Author's Note


DISCLAIMER : This is a work of fiction.

Names, characters, places, and events are products of the author's imagination.  Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Hope you like the stories.

And if you like to share your own story of love (kahit heartbreak, platonic, moving on, or puppy love story pa yan), feel free to message me anytime and let's make you the lead character of your own story to tell :)








ALL RIGHTS RESERVED ©


Dear Love

by fallen_victor

Dear Love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon