Ang Bestfriend Kong Hopeless Romantic: The Back Story

632 15 7
                                    




Para sa mga taong nahihirapan bumitaw sa katotohanang hindi lahat ng pag-ibig ay naibabalik sa taong nagbigay nito...

Ngunit kung iisiping mabuti...

Mayroon namang taong kayang magbalik sa 'yo ng pagmamahal na ibinibigay mo...

At yun ay walang iba kundi ang sarili mo... :)






~


-- FLASHBACK 9 years ago --



HOPE'S POV


"Pangs... Ang gwapo talaga nya! Hayyy..."

"Sus. Ayan ka na naman. Alam mo bang pang-apat na beses mo nang sinabi yan ngayong araw at pang 120th time na since nung first sem? Tss. -_- "

"Eh! Bakit ba. Eh sa ang pogi talaga nya eh. Sana next sem maging magkaklase na natin sya. Kahit sa isang subject lang..."

"Ano? Asa ka pa. Eh engineering kaya course nya."

"Oo. Pero chemical engineering naman yun eh. Malay mo parin."

"Asa ka pa."

Andito kami ngayon ni Pangs sa may parang park sa university namin. And across our spot is my super handsome ultimate crush dito sa campus, si Theo Mabini.

Kasama nya ang mga ka-tropa nya. Nakakainis nga eh. Kasi karamihan sa tropa nya, puro babae, naiinggit ako sa kanila kasi nakakasama nila yung crush ko.

Kabatch lang namin sya, iba lang ang course nya. Paano ko sya nakilala?

Well kasi nung 2nd year high school ako, bumisita yung kaklase ko nung elementary sa school namin. That time, kasama nya yung tropa niya dun sa bagong school na pinapasukan nya.

Nung araw nay un na bumisita sila, isang matangkad na lalaki ang umagaw ng atensyon ko. Maputi siya, chinito at naka-braces noon. Palagi lang siyang nakangiti.

Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero nung araw nay un, alam ko...

Na nagka-crush agad ako sa kanya.

Nawala nga lang agad dahil hindi ko na siya ulit nakita. Pero laking gulat ko nung araw na nag-enroll ako sa college.

Nakasabay ko siya sa pila ng registration.

Nung una, hindi ko kaagad siya namukhaan dahil wala na yung braces niya tsaka medyo nagka-laman na siya. More like buff pa nga yung body built niya eh. Hindi kagaya noon na ang payat niya. Sadyang nagwapuhan lang ako sa kanya nung enrollment. Ang astig nya pa tignan dun sa malalaking headphones na suot niya.

Kaya out of curiosity, sinilip ko yung pangalan nyang nakasulat doon sa brown envelope na hawak niya. Nalaman ko na Theo Mabini pala ang pangalan niya, at nagulat ako dahil same province kami dun sa address na nakalagay sa envelope nya. Hindi ko pa sya namumukhaan that time na siya yung crush kong kasama ni Tolits nung high school.

Kaya inisip kong mabuti dahil parang pamilyar nga sa akin yung itsura niya. And that same night, tinanong ko yung ko na barkada niya (which is si Tolits) and he confirmed na si Theo nga yung lalaking nakita ko nung huling beses na bumisita siya.

Dear Love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon