Para sa pag ibig na handang magmahal hanggang wakas...I
Amethyst's POV
"Ayiee!!!!!!" sigawan ng mga classmates ko habang inaabot ni Rex kay Shiela yung mga roses.
"Yes, i will be your girlfriend." sagot ni Shiela kay Rex kaya lalo pang lumakas ang sigawan nila.
Haay, ano ba to. High school pa lang e panay nang mga landian ng mga to. Hay! makapag-ready
na ngang umuwi.
"KRIIINGGG!!!!!"
Sa wakas! Makaka-uwi na rin ako.
Lumabas na ako ng room para makasagap na ng katahimikan.
Ako nga pala si Amethyst Mae Vizon. Senior student sa isang private high school, honor student. Hindi naman ako loner, lagi lang talaga akong mag-isa kung umuwi.
May mga ka-tropa din ako. Sina Cielo, Jane at Bianca. Kaso lahat sila, as usual hinahatid pauwi ng mga boyfriends nila. Ako lang naman sa batch amin ang walang boyfriend. Di naman ako pangit,.average-looking lang talaga.
Wala kasi akong panahon sa lovelife at di ako close sa boys.
At sila din, walang panahon sa akin :)
"Para po!" sigaw ng lalaking katabi kong kanina pa nakatakip ng panyo ang bibig. Di naman ako mabaho pero ewan ko ba sa kaartehan nya.
Nasa tapat kami ngayon ng SM kaya naisip kong sumabay na rin sa pagbaba para makapag-palamig narin muna sa mall. Half-day lang kami ngayon dahil bukas, sembreak na.
Nauna syang bumaba sakin pero pagkababa nya, napatigil sya at panay ang ubo nya hanggang sa makababa na ako. Lalakad na sana ako palayo nang makita kong may humaharurot na sasakyan na babangga sa kanya.
"Kuya!" sigaw ko sa kanya pero ubo parin sya nang ubo.
Nung malapit na yung sasakyan, hinila ko sya agad dito sa kinatatayuan kong sidewalk.
Sa lakas ng impact, natumba kaming dalawa.
"Ano ka ba?! Pwede naman kasing tumabi muna bago umubo e." bulyaw ko sa kanya. ubo pa rin sya nang ubo.
"Sorry miss, i....i-inatake lang kasi ako mildly ng asthma gawa ng usok." sabi nya nang tumigil yung ubo nya. "Sorry talaga miss."
Shocks. Ang gwapo nya. Ang tangkad pa. Kamukha nya si Alex Pettyfer ng I am Number 4. Hindi nga lang blonde ang buhok nya.
"A... eh.."
"Sorry talaga miss." sabi nya na malungkot ang mukha.
"Ok ka lang ba miss? Bakit parang namumutla ka? Mukhang shocked ka sa nangyari ah." sabi nya
"W-wala. O-ok lang ako." sabi ko.
"Thank you miss, ah." sabi nya sa akin. "kundi dahil sayo, malamang nasagasaan na ko nun."
"Ah..eh.. Wala yun. Sa susunod kasi, matuto kang tumabi AT mag-ingat." sabi ko. "S-sige..." sabi ko ulit sabay lakad palayo.
"Teka lang miss!" narinig kong sigaw nya pero di ko sya pinansin.
Nagpatuloy parin ako sa paglalakad.
Pero in fairness,
Mas gwapo pa sana sya sa kaisa-isang naging crush ko nun :) <3
~
II
Naglalakad-lakad na ako sa mall nang may nakita akong magandang libro ni Nicholas Sparks na naka-display sa labas ng National.
BINABASA MO ANG
Dear Love,
Krótkie OpowiadaniaRead and see different faces of love. Dear Love is a compilation of SHORT STORIES written in Filipino. DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are all products of the author's imagination. Any resemblance to ac...