TM 23

281 8 0
                                    

"Anicaaaaa!" Sigaw ni Minah sa labas ng condo nito. Pinag buksan siya nito pero  gulat na gulat siya dahil di pa ito nakabihis. Ngayin na kasi ang debut ni Dara.

"Nakow! Wag mong sabihin na di ka pupunta?! Sayang yung damit na shinopping natin kung hindi ka pupunta!" Nauna kasi si Seung sa debut ni Dara gawa ng maypag uusapan daw sila ng daddy niya.

"Kayo nalang. Kayo lang naman mag e-enjoy dun tss. Dito nalang kami ng baby ko." At nikayap nito ang mga paa niya habang naka upo sa couch.

Hinila ni Minah si Hyuna. "No! Pupunta tayo no matter what! Kanina pa nagsisimula oh! Halika." Wala ng nagawa si Hyuna kundi magpa hila.

**

"Thank you for making me happy Luhan." Sabi ni Dara. 18 roses na kasi ito at si Luhan na ang pang 18th

"Tapusin na natin 'to ng makauwi nako sa bahay." Aalis na sana si Luhan ng niyakap siya ni Dara ng mahigpit.

**

"Bilisan mo nga sa paglalakad Anica! Baka wala na tayong maabutan dun." Naglalakad na sila papasok sa venue.

"Ang haba ng heels ko! Ang hirap maglakad!" Nakatingin si Hyuna sa sahig kasi baka matapakan niya yung suot niya at nabangga siya kay Minah. "Bat ka huminto?" Tiningnan niya kung san naka tingin si Minah at nakita niyang magka yakap si Dara at Luhan.

 Nasaktan siya sa sunod na nangyare, hinalikan ni Dara si Luhan sa harap ng mga tao. Hindi maintindihan ni Hyuna ang ekspresyon ni Luhan kung masaya ba ito, nagulat oh ano.

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon