TM 15

348 9 0
                                    

Seung's POV

Hindi talaga ako makapaniwala kahapon. Nakita ko na siya sa loob ng dalawang taon.

*Flashback*

"Hi." Parang huminto ang mundo ko ng marinig ko ang tinig na yun. Tumingin ako sa likod ko at si Hyuna nga.

"Ah-" Magsasalita na sana ako ng dumating si Sunny.

"Anica! Kanina pa ako naghahanap sa'yo alam mo yun?! Sa rooftop sa garden at kung saan saan pa andito ka lang pala!" Habang hila hila ni Sunny kamang ni Hyuna, at Anica na pala siya ngayon.

"Hi Seung! Andyan ka pala!" Pumunta siya sakin at nilagay niya kamay niya sa braso ko "Kilala mo na ba si Anica? Iba ka kasi makatitig ka kasi parang kilala mo."

"Ah--"

"Ano kaba Sunny, hindi niya ako kilala sikat siyang artista alam mo yun? So wala siyang time makipagkilala sa mga tagapaghanga niya." Ano kaba Hyuna, kilalang kilala kita.

"Hmm okay. So Seung this is Anica and Anica this is Seung."

"Hi" At inabot ko ang kamay niya sakin. Gusto kong mahawakan muli ang mga kamay niya sa huling pagkakataon.

"Hi" At inabot niya naman, ahh parang ayaw kong tanggalin, sarap hawakan, pero hindi maaari baka mapansin ni Sunny.

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon