Wala paring sign kung saan mahahanap si Hyuna at Luhan tsk kasalanan ko to. Kung kinausap ko lang si Hyuna hindi magkakaganito ang lahat, sana ako nalang ang nandun at hindi si Hyuna.
"Luhan! Alam na kung san sila mahahanap!!" Agad agad tumayo si Luhan at nag ayos para sa laban "Ayon sa pag hanap ko, andun sila sa dating bahay nila Hyuna doon daw nagtatago si Esca simula nung sinugod natin sila sa hiding place nila dati." Sabi ni Minah habang nag aayos ng damit at baril niya.
Agad agad silang sumakay sa mga van nasa mga 30 vans ito dahil alam ni Minah na madami ng tauhan si Esca ngayon hindi tulad ng dati. Wala pang dalawang oras ay nakarating na sila. Tulad ng dati ay naging maingat din sila. "Mag ingat kayo sa mga patibong." Pagsabi ni Minah sa mic na nakakarinig lahat ng mga kasama nila. Nang malaman na nilang ligtas sila sa dinadaanan nila ay agad agad silang pumasok. Tiningnan muna nila ang mga tao sa basement at nasa mga trenta pa taas ang bilang.
Pagkapasok nila ay agad agad silang nagpaputok ng baril pero gumamit sila ng silencer para hindi marinig ng maga tao doon Nang nalaman nilang marami pang dadating ay inihanda na ni Minah ang sarili para sa madugong labang ito. "Wag mahal, kami na ang bahala puntahan niyo na ni Luhan si Hyuna." Sabi ni Luhan at agad agad nilang hinarangan ang daanan para walang sumunod sakanila. Pagka akyat na pagka akyat nila, masasabi mong mas marami pang rouges na nagkalat sa taas kesa sa baba.
"Kaya natin to?" Tanong ni Minah kay Luhan at nag aayos sa mga gagamitin niya. "Para sa mahal ko." At sabay na silang dalawang sumugod sa mga rouges hindi handa ang mga rouges sa pagsalakay nila kaya wala silang dalang armas at mas napadali ang paglalaban nila. "Minah ilag!" Tumingin siya sa likod at akmang sasaksakin siya pero mas mabilis si Minah kaya nasaksak niya ito sa tiyan.
Nang naubos ang lahat ng rouges ay pumasok agad sila sa isang kwarto. Pag ka bukas na pagka bukas ay nakita nilang naka higo na si Hyuna at Seung sa sahig na duguan. "Hyuna! Seung!" Lumapit si Minah sa dalawa. Galit na galit siya kay Esca kaya sinulong niya si Esca.
"Hayop ka!!" Hinagis ni Minah ang isang dagger niya at natamaan si Esca braso at sumigaw siya "You bitch! Hayop ka wala ka ng ginawa kundi ang saktan si Hyuna! Lahat ginawa niya para sayo tapos ito pa ang isusukli mo sakanya?! Napaka walang hiya mo!!" Kumuha ulit siya ng isang dagger at natamaan ang paa ni Esca "Mahina ka parin!" Tumakbo si Minah papa lapit kay Esca at pinagsusuntok ang kanyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/10888874-288-k650446.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble Maker
Teen FictionHyuna ay isang babaeng gangster, trouble maker at isang sikat na Dancer/Singer ngunit may nangyaring di inaasahan at yun ang dahilan ba't nagbago ang lahat. Babalik paba sa dati o hindi na?