"Ano ba kasi ginagawa natin dito sa bahay nato?" At naglalakad parin sila hanggang sa loob. "What? Bat andito picture ni mama at papa?" Pagtataka ni Hyuna dahil nakita niya ang isang frame doon.
"Hyuna ito ang dating bahay ng mama at papa mo. Dito din nakatira ang nawawala mong kapatid." Sabi nito sakanya na habang naglalakad parin sa silid.
Aalis na sana si Hyuna sa bahay na iyon ng madulas siya at nahawakan naman agad siya ni Seung at hinila siya papalapit sakanya. Muntik na silang maghalikan pero lumayo agad si Seung.
"Hindi mo bako namimiss?" Tinanong ni Seung ito sakanya.
"Ha?" Sagot ni Hyuna na nagtataka.
"Wala. Alam mo...Mahal pa kita, mahal na mahal. Kaso hindi na pwede." Naririnig ni Hyuna na umiiyak si Seung. "Gusto kitang agawin kay Luhan. Pero kahit gawin ko yun sa huli hindi parin magiging tayo."
"Ano ba pinagsasabi mo?" Hindi na maintindihan ni Hyuna ang mga nangyayari dahil 3 araw narin silang hindi pumapasok dahil kahit saan siya dinadala ni Seung.
Humarap ito sakanya "Ako yung kuya mo Hyuna, ako yung nawawala mong kapatid." At umiyak ng tuluyan si Seung. Hindi makapaniwala si Hyuna sa narinig niya. Dahil parang kahapon lang ay mag syota sila. Hindi matanggap ni Hyuna ang mga nangyayari.
"Oh what do we have here? Reunion?" Isang boses ng babae mula sa likod nila at pag harap nila ay nagulat si Hyuna.
**

BINABASA MO ANG
Trouble Maker
Novela JuvenilHyuna ay isang babaeng gangster, trouble maker at isang sikat na Dancer/Singer ngunit may nangyaring di inaasahan at yun ang dahilan ba't nagbago ang lahat. Babalik paba sa dati o hindi na?