TM 12

369 11 0
                                    

Yown may POV na si Minah haha. Pagbigyan naman natin ang mala POV niya XD every weekends po ako nag uupdate at depende kung may pasok haha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

It's been 1 week na nawawala si Hyuna ginawa ko na rin ang makakaya ko para lang mahanap siya pero si Esca parang alam niya na kung dito niya ilalagay si Hyuna sa pinas ay mahahanap ko kaagad siya. Matagal ko na talagang alam na si Seung ang dapat pumatay kay Hyuna.

*Flashback*

"Hyun alis na kami." Hindi ako matutulog kina Hyuna ngayon sasamahan ko muna syota ko dun daw kami matulog sa bahay nila. 

Nang nakarating na kami sa bahay nila Jeck nanuod muna kami ng movie at natulog na.

*bzzt* *bzzzt*

"Oh Seung? Napatawag ka?"

(Kita tayo sa may starbucks maypag uusapan lang tayo.)

"Sige." Dahan dahan akong umalis sa kama para di magising si Jeck. Pumunta na agad ako sa starbucks at nakita ko na siya.

"Ano ba ang pag-uusapan natin Seung?" Habang umiinom ng frap.

Uminom muna siya ng kape bago nagsalita "Minah wag ka sanang magalit.....Kasi si Hyuna ako ang dapat papatay sakanya." Nanlaki ang mata ko at sinampal ko. Nagulat ang mga tao sa ginawa ko at dapat lang, hindi alam ni Hyuna ang mga nangyayari ngayon. Umalis na ako at tatawagan ko na sana si Hyuna ng pigilan ako ni Seung.

"Ano ba?! Tangina mo pinagkatiwala ka ni Hyuna tapos gaganunin mo siya?! Wag ka ng magpakita samin, kng ayaw mong mamatay!"

"Minah! Hindi ko siya papatayin sinasabi ko 'to sa'yo para tulungan mo'kong protektahan siya! Ayaw kong mawala siya sakin." At nakatungo siya. Ramdam ko ang pagiging totoo niya. Sinabi niya sakin ang plano kung ano ginagawa ni Esca, dapat din kami nasa tabi ni Hyuna kasi anytime susugurin niya si Hyuna.

*End of Flashback*

"Ano? May nakuha ba kayong impormasyon?"

"Wala dos eh pero sisikapin naming maghanap."

"Sige. Salamat."

At umalis na siya nawawalan na ako ng pag-asang makita si Hyuna. Pero hindi ako susuko kailangan ako ni Hyuna ngayon at magpapakatatag ako.

Esca's POV

Nandito kami sa private place ko kung san ko tinatago si Hyuna nakatali siya at puno ng pasa. pag nakikita ko siya nakakailang sampal at suntok ako sakanya ganyan nalang ang galit ko sakanya. Andito  ako naka upo sa harap niya alam kong naliliyo na siya walang kain yan tulog at kung ano pa ewan ko ba't ang tagal mamatay ng babaeng to.

Niluwa niya ang kanyang dugo sa bibig "Alam mo Esca hindi ka naman magiging masaya kung napatay mo ako hahaha." Ewan ba't may gana pa siyang tumawa sa lahat ng nagawa ko sa kanya! Oo siguro noon ayaw ko pang pumatay pero ngayon desperado na akong pumatay.

"Hyun Hyun imbis na magsasalita ka diyan eh magpahinga ka nalang dahil ngayon na kita tatapusin, wala nammang makakatulong sa'yo dito kundi ang sarili mo hahahaha."

"Oo Esca siguro nuon naiwan kita at namatay si Josh, hindi ko sinasadya may ginagawa kasi akong mahalagang bagay."

"Ano Hyun Hyun?! Ha?! Hinayaan mo lang mamatay si Josh sa kabila ng ginawa niya satin! At ngayon pati si ate Jesh nagpakalayo na sa pinas!" Si ate Jesh nalang ang kapatid ni kuya Josh malapit sila at nung namatay si kuya Josh parang naglaho nalang si ate Jesh hindi niya daw matanggap ang pagkapatay ni kuya Josh at dahil dun gusto kong patayin si  Hyuna.

Trouble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon