Chapter 1: Enough

477 23 1
                                    





August 21st, 2010

It's her last dance. She just stayed there and wait for her last dance pero ilang minuto ang lumipas ay walang lumalapit sa kanya para isayaw siya. Napangiti na lamang siya ng mapait. At para hindi siya tuluyang mapahiya ay muli na lamang siyang isinayaw ng kanyang ama.

This is her worst birthday ever. A week before her birthday ay nalaman niya ang pinakatatagong sikreto ng pamilya nila. Ang masayang pamilya na inakala niya ay kanya, iyon pala ay ipinahiram lamang sa kanya.

She's an illegitimate child, that's according to her Kuya Atom. Noon niya naintindihan kung bakit noon palang ay ilag na sa kanya ang nakakatandang kapatid at kung bakit tila galit ito sa kanya. Mahal niya ang Kuya Atom niya at nasasaktan siya kapag iniiwasan siya nito o kaya naman ay sinisigawan. Pero ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lamang ang trato nito sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit hindi perpekto ang pamilya nito.

Ayon kay Mama Luz, ang taong kinalakihan niyang ina, isang trabahante ng kanilang ama ang tunay niyang ina. Isa ito sa mga pinagkakatiwalaang empleyado ng kanyang ama pero dahil sa impluwensya ng alak ay nakagawa ng napakalaking kasalanan ang kanyang ama kay Mama Luz at siya ang bunga ng kasalanan na iyon.

Pitong taon noon si Atom ng iwanan ito at si Mama Luz ng kanilang ama pero hindi para sumama sa kanyang ina kundi para hayaan si Mama Luz na matutunang patawarin ang nagawang kasalanan ng ama.

Makalipas ang tatlong taon ay nagkaayos ang dalawa at si Mama Luz pa mismo ang humanap sa kanya. Nang matagpuan siya ng mga ito sa isang bahay ampunan ay hindi na nagdalawang isip pa ang dalawa at kinuha siya.

About her mother, no one knows about her whereabouts.

"Don't cry, my princess," sabi ng ama at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Kailan kaya kami magiging okay ni Kuya, Papa?"

Napabuntong hininga ang ama at niyakap siya ng mahigpit.

"He will come around. Pasasaan ba at magiging okay din kayo. Matanda na iyon so he should know that he should stop being immature," sabi nito na nakapagpatawa sa kanya.

"Thank you, superman," nakangiting sabi niya rito. Nakasanayan na niya simula pagkabata na tawaging ganoon ang ama dahi ito naman talaga ang superman niya noon pa man. Ito lagi ang nagtatanggol sa kanya kapag pinaiiyak siya ng kanyang Kuya Atom. Lahat rin ng gusto niya ay ibinibigay nito.

Akala niya doon na matatapos ang araw na iyon pero nagkamali siya.

Maagang natapos ang party niya para na rin hindi sila abutan ng malakas na ulan pero inabutan pa rin sila. It's raining so bad na halos hindi na nila makita pa ang dinadaanan.

"Kung tumigil muna kaya tayo saglit sa isang tabi? Baka mapano pa tayo sa lakas ng ulan," suhestiyon ni Mama Luz kaya naman itinigil muna ng Papa niya ang sasakyan sa isang tabi.

"Good thing nauna na si Atom sa bahay. Paniguradong lulusubin non ang malakas na ulan na iyan kapag nadatnan siya nito," sabi pa ng Papa niya.

They waited there for hours para tumila ang ulan pero hindi man lang iyon humina. Nasa may gilid sila ng kalsada sa tapat ng isang poste kaya naman kahit papano ay nakikita sila ng mga sasakyan na dumaraan.

They thought it would be safe to stop there and wait 'till the rain stop pouring pero iyon ang pagkakamali nila.

Isang malakas na busina ng truck ang narinig nila at nakita nila iyon na mabilis na patungo sa direksyon nila kaya naman mabilis na binusinahan ng kanyang Papa ang truck na iyon pero hindi iyon tumigil at nagtuloy-tuloy lamang.

Stuck in August RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon