Chapter 9: 182 days

132 4 0
                                    

Chapter 9

August 28, 2010

"Stop," natatawang pigil niya kay Jullian.

They've been making out for hours! They just keep on kissing and kissing. Ngayon naman ay mukhang pinanggigigilan na siya ng lalaki dahil kinakagat-kagat na nito ang kanyang leeg at balikat.

It's too fast maybe. Way so fast. It's only been a week. She knew the guy that is kissing her right now for only a week! How fast is that? How could she even trust him like this? It felt like they've known each other for so long.

He looked at her in the eyes then smiled. This is actually the first time she saw him smile and she really hope that she has a camera right now to capture that smile or a paper and pencil to draw that curve on his lips.

Hinaplos niya ang mga labi nito.

"That's a beautiful smile," komento niya. Nanatili lamang nakatitig sa kanya ang lalaki habang hinahaplos niya ang mga labi nito, pagkatapos ay ang ilong nito at mga mata.

Narinig niya ang buntong hininga nito bago inabot ang kamay niyang kinakabisado ang mukha nito. Pinagsiklop nito ang mga kamay nila kaya naman napangiti siya

"This is the first time I trully smiled," sabi nito kaya naman napatingin siya sa mga mata nito. "For the thousand years I lived in this world, this is the first time I ever felt genuinely happy."

Hinalikan nito ang noo niya pagkatapos ay hinila siya pahiga sa kama nito. She felt her heart beating so wildly lalo na nang yakapin siya nito ng mahigpit. Napangiti lamang siya nang marinig niya ang tibok ng puso nito na 'sing bilis ng kanya.

"And for the first time, I felt at peace," sabi nito at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

Humiwalay siya sa yakap nito at muling hinaplos ang mukha niya.

"Bakit pakiramdam ko kinakabisado mo ang mukha ko?" nakangiting tanong nito.

"I want to paint you," mahinang sabi niya rito.

"Do it then. We can ask Tyler to bring you some paint and canvas."

Ngumiti lamang siya dito habang ito naman ay mukhang nakuha ang gustong sabihin ng ngiting iyon nang magyuko ito at muli siyang niyakap ng mahigpit.

They both know this won't last. Tumakas lang siya. Tinakasan lang niya ang kanyang reyalidad kung saan nasa ospital pa rin ang babaeng naging ina niya kasama ang kapatid niya sa ama.

"You said you won't leave me as long as I need you here," parang nagtatampong sabi nito kaya naman napabuntong hininga siya at gumanti na sa yakap nito.

"I won't," sabi niya at umiling pa.

Leaving this place doesn't mean she will leave him.

He kiss her temple kaya napatingala siya rito at pinagdikit naman nito ang kanilang noo.

"Hindi ba parang napakabilis nito," sabi niya.

Napatingin siya sa labi nito nang ngumisi lamang ito sa kanya.

"Isang linggo palang simula ng mapadpad ako sa lugar na ito."

"Maybe," simpleng sagot nito at ipinatong pa ang binti nito sa kanya.

"Tapos parang noong isang araw lang inis na inis pa ako sa'yo kase ayaw mo akong bigyan ng pagkain."

Tuluyan na itong natawa.

"Hindi ako sanay na may ibang tao sa kwebang ito maliban kay Tyler kaya ganun nalang ang naging trato ko sa'yo. I'm used to being alone. Though Tyler often come here, hindi naman siya nagtatagal dahil kadalasan ay nagtatalo lamang kami."

Stuck in August RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon