Chapter 4: His Beautiful Disaster

289 16 1
                                    

Braelynn woke up feeling a lot better than before. It seems like, maging ang injury niya sa kamay ay ginamot na rin ni Tyler dahil hindi na niya maramdaman ang kirot doon. Sinubukan niyang igalaw iyon pero may nakadagan na mabigat na bagay doon. Nang tignan niya iyon ay nakita niya si Jullian na natutulog habang mahigpit ang hawak sa kamay niya na nasa may bandang ulunan nito.

She didn't tried to make a move again and just watch him sleeps. Kung ikukumpara sa mga kilala niyang lalaki, Jullian is really handsome. Very handsome but also mysterious. His jet black eyes seems to scream danger pero hindi niya magawang matakot dito. Kung tutuusin ay mas gwapo pa ito sa matalik niyang kaibigan na si Luigi. And that made her think.

Anong ginagawa ni Jullian sa gitna ng kagubatang ito? Bakit mas pinili nitong manirahan sa isang kweba? With his face? Siguradong pag-aagawan ito ng mga talent scouts para gawing artista o modelo.

She brush her fingers through his hair that made him woke up from his slumber.

"Are you okay now?" tanong nito. Saglit pa siyang natulala rito nang makita ang mapungay nitong mata dahil sa pagkakatulog at maging ang pag-aalala sa tono ng boses nito. The rudeness in his voice is gone.

"O-oo," sagot niya at tumikhim upang hindi na muling mautal pa.

Napatango naman si Jullian at napatingin sa kabuuan niya. Noon namula ang magkabilang pisngi niya nang maalala na ito ang nagpalit ng damit niya at tanging t-shirt lang din nito ang suot niya ngayon. Mukhang napansin naman iyon ni Jullian kaya nag-iwas ito ng tingin.

"Tyler promised to go back with some clothes for you. Maybe she'll be here in a minute," sabi nito at umalis na sa gilid ng kama at nagtungo sa may malapit na bukana ng kweba kung saan naroon ang pagkaing inihaw nito.

"Here. I know you're starving."

Napangiwi siya nang makitang iyon ang ahas na tumuklaw sa kanya. Gustuhin man niyang umayaw ay narinig na niya ang pagrereklamo ng tiyan niya kaya naman hindi na siya nag-inarte pa.

"Can I ask you something?" tanong niya kay Jullian nang matapos siyang kumain. They were seating on the entrance of the cave, waiting for Tyler. She was drinking fresh buko juice na ibinigay sa kanya ni Jullian.

"You're already asking," he said but she chose to ignore his rudeness and ask him.

"Kaano-ano mo ba si Tyler? Sa nakikita ko parang pinagsisilbihan ka niya. Dinadalhan ka ng pagkain, ng mga damit at ng kung ano pang kailangan mo. Kapatid mo ba siya?"

Nag-buntong hininga muna ito bago nagsalita.

"That Tyler is not my sister. We're kinda related and she's doing these things for me because she feels kinda guilty for putting me here. It's really none of your business kung ano man ang relasyong meron sa amin ng babaeng iyon and I don't know why I'm answering that question."

Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Jullian doesn't like talking to her. Or maybe to anyone other than Tyler. She can see Jullian is the quiet type of guy but maybe he's in the mood now to talk kaya naman sinamantala na niya iyon.

"What do you mean putting you here?" she asked.

Matagal bago siya nito sinagot. Nakatingin lamang ito sa mga sanga ng puno na sumasayaw sa bawat pag-ihip ng hangin. She saw the longing in his eyes at hindi niya alam kung para saan iyon. What is he longing for? Or who?

"She cursed me," simula nito. "Hindi naman iba sa'yo na hindi kami pangkaraniwang nilalang. Well, before, katulad ako ni Tyler pero hindi na ngayon. I'm actually her enemy and when she defeated me, she imprisoned me here and cursed me to be in here forever."

Stuck in August RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon