Chapter 3: He saved her

358 18 2
                                    

Chapter 3

Her body is still aching dahil na rin sa pagkakahulog niya sa bangin kahapon pero kailangan niyang maghanap ng pagkain niya. She's starving!

Agad siyang napalingon nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya pero wala naman. Nagpatuloy siya sa paglalakad upang makahanap ng makakain. Hindi na rin siya masyadong lumayo pa dahil natatakot siya na baka maligaw pa siya.

She actually saw a coconut tree nearby kaso ang problema ay ano naman ang alam niya sa pag-akyat ng puno? Isa pa, naka-cast pa ang isang kamay kaya kahit marunong siya ay hindi rin siya makakaakyat. Nakakita rin siya ng usa kanina kaya lang ay ano bang alam niya sa pangangaso? She doesn't know anything about camping or how to survive on a situation like this!

Nanghihinang napaupo na lamang siya sa isang puno na naroon at naipikit ang mga mata. She's so damn tired and starving pero wala pa siyang nakuha kahit na anong makakain! That damn guy didn't even bother to help her!

Mabilis siyang napamulat nang parang may kung ano ang nasa balikat niya. She can also hear the 'sssss' sound so she had an idea what that is. She wanna freak out pero hindi man lang niya magawang makagalaw.

"No please. Go away!" halos piping sabi niya rito hanggang sa makaharap na niya ang ahas na nasa balikat at handang tumuklaw sa kanya.

"Aaaahhhh!" sigaw niya. Mabilis siyang nakakuha ng bato sa malapit ngunit nagawa na siya nitong matuklaw sa may leeg bago pa man niya ito makuha, ihagis kung saan at patayin gamit ang medyo may kalakihang bato na nakuha.

"Shit," she hissed nang maramdaman niya ang tuklaw ng ahas sa kanyang leeg.

This is bad. She's sure that this snake is venomous at hindi niya alam kung gaano katagal bago tuluyang kumalat ang lason sa katawan niya.

Kinuha niya ang ahas na napatay. She needs to bring this to that guy so that he will know what to do. He could have an antidote or something to save her life.

"Hey, Tarzan!" tawag niya nang makapasok na sa kweba. She doesn't know his name so she came up with this crazy nickname. Si Tarzan lang naman ang kilala niyang tao na nanirahan mag-isa sa kagubatan and this guy is all alone in this forest before she came.

Lumabas ang lalaki na nakakunot noo sa kanya pero napalitan agad iyon ng ngisi nang makita ang may kalakihang ahas.

"Well, not bad for a beginner," sabi nito sa kanya at lumapit na para kunin ang ahas sa kanya pero imbes na kunin ito ay mabilis siya nitong nasambot nang akmang matutumba na siya.

"Actually, it's bad. I got bitten," sabi niya sa nanghihinang boses.

Nagdilim ang mukha nito bago kinuha ang braso niyaa upang masuri at ganoon rin ang ginawa sa kanyang paa.

"Here," pakita niya sa leeg niya kung saan siya natuklaw ng ahas. Narinig niya pa ang mahinang pagmumura nito.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang buhatin nito at nagpunta sa sofa na siyang tinulugan niya. Doon siya nito iniupo bago muling sinuri ang kagat ng ahas.

"Fuck! This is a western green mamba bite! Saan ka ba naman nagsususuot at sa lahat ng kakagat sa'yo iyan pa!" naiinis na sabi nito bago umalis pero agad ding bumalik.

He got a basin full of water kaya naman hindi niya maiwasang magtaka. Doesn't he have an antidote? Ano naman ang gagawin niya sa tubig na iyon?

Ipinatong nito ang palad sa tubig at pumikit.

What? Does he have power like that Tyler nurse or something?

"Tyler!" tawag nito at ilang sandali pa ay nakita niya ang nurse na nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Well, she's no longer nurse. It seems she's a flight attendant. She's inside the plane and assisting the passengers to their seat. She should be wondering why pero sa dami ng kakaibang nangyayari sa kanya simula ng makilala niya ang babaeng iyon ay hindi na siya nagtaka pa. That lady told her that she would erase her memories pero mukhang nawala na ito sa isip dahil sa pagmamadali nang iwan siya nito.

Stuck in August RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon