Chapter 17: Naomi

20 1 0
                                    

Mabilis na lumapit si Braelynn at kinuha ang anak mula sa doktor. Tinignan naman siya ng babae mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"Don't make a scene here, Naomi," suway doktor dito.

"Why? Are you ashamed na baka malaman ng mga tao rito ang tungkol sa bastardong anak mo?"

"Watch it," Braelynn said.

"And you? Ayaw mo rin bang malaman nila na pumapatol ka pa sa lalaking nakatali na?" galit na baling nito sa kanya.

Binalingan ni Braelynn ang anak at kinausap ito.

"Can you go to your Tita Laura's room for the meantime?"

"But-"

"Please?" pakiusap niya sa anak kaya naman walang nagawa ang anak kundi sundin siya. Nang makaalis na si Adi tsaka niya hinarap ang babae.

Huminga muna siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

"Naomi is it?" pagkompirma niya kung tama ba ang narinig niyang pangalan nito ngunit tinaasan lamang siya nito ng kilay kaya naman mas lalo lamang tumindi ang inis niya dito.

"Brae, don't," pigil naman sa kanya ng doktor sa kung ano man ang balak niyang sabihin. Marahil ay naramdaman na rin nito ang inis niya sa babae.

"No. He insulted my son," bulong niya dito Muli niyang hinarap ang babae at hindi na pinansin muli ang doktor. "I suggest before you open your mouth and say nonsense things, you should check the facts first."

"What?" gigil na asik nito sa kanya.

"First of all, the doctor and I are just friends. Second, di nako magtataka kung hiniwalayan ka niya."

"You-"

"Lastly," putol niya sa kung ano mang sasabihin nito. "Don't you dare call my son a bastard. Ako ang makakalaban mo."

Ngumisi naman si Naomi sa kanya.

"At anong gagawin mo? Isa pa, hindi ba't bastardo naman talaga ang anak mo?"

"Naomi! I told you to stop it already!"

Braelynn can't believed that this is the Naomi that Laura is talking about. Laura is right, she is a total bitch. Ano bang nagustuhan ng doktor dito?

"I won't stop!"

"You will because we're already over!" pigil ang galit na sabi ng doktor dito.

Halos lahat ng tao sa cafétéria ay nakatingin na sa kanila. Nanonood na akala mo bumibida sila sa isang telenovela.

"We're already over, Naomi. Just accept it," mahinahon na sabi ng doktor dito. "And I'm sorry."

"Why? Because you can't remember me? Because you can't remember how you felt for me?" Halos naiiyak na sabi ng babae rito. "Hindi ba natin pweding subukan ulit? Your may mind may not remember me but maybe your heart can?"

"You already know the answer to that."

"Yes. And it's all because of this woman!" galit na sabi nito at tinuro siya.

"Stop it, Naomi!" pigil muli ng doktor nang magsimula nanamang tumaas ang boses ng babae.

"I know that look Laurent. That is how you used to look at me," Naomi said in a low voice and a lone tear escape her eyes. "You're looking at her as if she's the only one that matters into your world and that is how you used to look at me!"

Napabuntong hininga si Braelynn. Hindi niya alam kung tama pa ba na nandoon siya. Hindi rin niya alam kung totoo ba ang sinasabi ng babae.

Hindi na nagsalita pa ang doktor kaya naman iiling-iling na umalis nalang ang babae.

"You should go after her," sabi niya sa doktor nang panoorin lamang nitong umalis ang babae.

"What for?" Tanong nito at tumingin na sa kanya.

"To explain? To assure her that there's nothing going on between us. That you are not Ali's father."

Bumuntong hininga ito at tinitigan siya ng malalim sa mga mata.

"What if there is really something going on between us?" tanong nito sa kanya kaya naman napalunok na lamang siya at biglang kinabahan pero nawala agad iyon nang ngumiti ito sa kanya at guluhin ang buhok niya.

"Come on. Let's get Adi and save him from my sister," natatawang sabi nito at nauna ng umalis sa kanya.

Siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Calm down heart," sabi niya at huminga ng malalim spang mapakalma ang sarili.

-

"She's so mean," narining ni Braelynn na reklamo ni Adi kay Laura nang pumasok sila sa kwarto nito.

"Kuya," tawag ni Laura sa kapatid.

"I'm okay," the doctor assured her kaya naman nakahinga ito ng maluwag.

"I'm sorry about that Ate Brae," sabi naman nito sa kanya pero umiling lang siya.

"It's alright. Okay lang naman ako."

"I told you what a b*tch she is. Ewan ko ba dito kay Kuya kung ano ang nagustuhan niya sa babaeng iyon."

Natawa na lamang siya nang sabihin nito ang tanong na nasa isipan niya rin kanina.

"Ano nga ba?" Asar naman niya sa doktor na kinunutan lamang siya ng noo.

"Will she comeback?" Inosenteng tanong naman ng anak niya sa kanya.

"Not for the meanwhile," sagot ng doktor dito. "Want to play legos?"

"On duty ka pa," suway niya sa doktor.

"I can take an early break."

Wala na Siyang nagawa nang magsimulang maglaro ang dalawa sa kwarto ni Laura.

"It's been a while since I last saw Kuya Laurent smiling like that," sabi sa kanya ni Laura na pinapanuod ang kapatid.

"What do you mean?"

"It's just that, I already told you, since the accident, Kuya Laurent change into a different person. It's like he is trying his best to fit in into his own family. And sometimes, he seems to try his best to become the person that he is before."

"Laura."

"And I think this is the first time I saw him trully smile. Hindi yung pinipilit lamang niyang ngumiti," bumaling si Laura sa kanya at tumingin sa mga mata niya. "I'm really glad you came into our lives."

Ngumiti lamang siya rito at muling pinanood ang anak na makipaglaro sa doktor.

She knew that she is not Jullian but the more she gets to know him, the more she sees his smile, mas lalo lamang niyang naaalala si Jullian dito.

"Ask your Mom," rinig niyang sabi ng doktor sa anak. Nakita na lamang niya si Adi na nakatayo na sa harap niya with that look in his eyes that she usually see whenever his son wants something from her.

"What?" Nakangiting tanong niya rito.

"Can I go to Doc's house this weekend? He said he will show me his tree house."

Kumunot ang noo niya at napatingin sa doktor.

"It's okay. Saturday is my day off so he can come. You can come too."

"Please Mama?"

"Ang daya naman tapos ako maiiwan nanaman dito?" Nagtatampong sabi naman ni Laura.

"I can arrange that if you wanna come but only if Braelynn is coming too."

Napabuntong hininga siya nang tignan rin siya ni Laura na waring nakikiusap na pumayag na siya.

"You're an expert in playing this game," napapailing na sabi niya sa doktor na mas lumawak ang ngisi dahil alam nitong wala na siyang magagawa pa kundi ang pumayag.

"What? I didn't do anything," maang na sagot nito kaya naman natawa nalang siya at pumayag nalang sa gusto ng talto.

She just hopes that his brother won't get mad at her again.

--

A/N: It's been a while since my last update of this story. I'm really really sorry guys 🥲

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck in August RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon