Chapter 13: Adi's Dream

56 8 1
                                    

"Ma, can you buy me this one?" her son asked.

She looked at the wooden doctor set he is holding and sigh. Naupo siya upang makapantay ito.

"But you already have something like this one," she told him kaya naman lumungkot ang mukha nito. Nagsimula na ring mamula ang ilong nito tanda na naiiyak na ito.

Nasa mall sila ngayon. Inasikaso kasi niya ang opening ng boutique niya para bukas. Nang matapos siya ay nagpasiya siyang humanap na rin ng damit na maisusuot niya sa opening nang tawag siya ng Kuya Atom niya.

Kinailangan kasi nitong umalis dahil nagkaroon ng problema sa kumpanya. Wala rin ang nanny ni Adi kaya naman sinabi nalang niya sa kapatid na isasama nalang niya ang anak habang namimili siya ng damit.

Ngunit hindi pa man siya nakakaikot sa department store ay heto na ang anak niya at kung anu-ano ang pinapabili.

"But it's different. The one that I have is color red and made of plastic. This is different, Ma," pagpupumilit pa nito.

"Adi," she asked with a warning voice. Nagsimula na ring umiyak ang anak.

"Okay po."

Kinarga na lamang niya ito na tahimik na umiiyak sa balikat niya.

"I will buy that one kapag nasira na yung iyo. Hindi na nga kita nakikitang nilalaro iyon eh," she said.

Humigpit naman ang yakap ng anak at mas naiyak pa kaya naman pilit na lamang niya itong pinatahan.

"Mama will go to an important event tomorrow so she needs to buy a dress. Can you help me find a beautiful dress?" she asked nang tumahan na ito. Tumango naman ito at nagpababa na.

"This one Mama," turo ni Adi sa isang blue na gown na ikinatawa niya. Magmumukha siyang debutante kapag iyon ang sinuot niya.

"You want Mama to wear this one?" she asked and he happily nod her head.

Then she saw the skin tone body-hugging dress beside the blue gown na itinuro ni Adi.

"How about that one? Do you think Mama will look beautiful with that one?"

Nilingon naman ito ng anak at nilapitan ang manequin na may suot ng dress na iyon.

"You're beautiful Mama," her son said smiling at her.

Napangiti naman siya at tinawag na ang isang sales lady para ipakuha ang size niya.

Naupo nalang muna siya doon habang hinihintay ang pagbalik ng sales lady. Si Adi naman ay nagtitingin pa ng ibang mga damit at sinasabihan siya isukat iyon.

Naalis lamang ang tingin niya sa anak nang tumunog ang phone niya at nakitang nagmessage si Louie sa kanya at tinatanong kung anong oras siya susunduin bukas. Nang matapos itong replyan ay hinanap ng mata niya si Adi pero hindi na niya ito makita.

"Adi?" pagtawag niya pero hindi sumagot ang anak. Nagsimula na rin siyang kabahan.

"Adi?!" mas malakas na pagtawag niya dito. Hihingi na sana siya ng tulong sa guard o sa sales lady na nandoon nang makita niya itong may kausap na lalaking nakatalikod sa kanyang direksyon.

"Adi!" pagtawag niya. Nakangiting nilingon naman siya ng anak at tumakbo palapit sa kanya. "You scared me."

Pumantay siya dito at niyakap ng mahigpit.

"Sorry Mama. Hindi ko po napansin na napalayo na ako sa inyo. Buti nalang po nakita ko si Doc. I was asking him to help me find you."

Humiwalay siya sa anak at tinignan ito. Tinuro naman nito iyong lalaki kanina na nakatingin na sa kanila.

Stuck in August RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon