Chapter 19

3.7K 116 4
                                    


Kahit gusto namin lahat kame aattend ng graduation ni love hindi pwede.. Dalawang tao lang per student ang pwede.. Sabi ko kay love ako na lang at si baby sam kasi para walang magtampo na si ganito ang sinama at hindi siya.. Sumang ayon naman si love..

Eto na kame ngayon sa kotse.. Si baby kalong ni love.. Ayaw umupo sa car seat niya kaya ayan naka seatbelt sila ng mama niya.. Pilyang bata din ito eh.. Marunong siyang maglambing sa mama niya na napapapayag niya ito lagi na ikalong siya.. Pero madalas sa car seat din siya..

Excited ka na love?

Ninenerbyos din love.. Sagot niya

Bakit naman?

Eh kasi bakit ba sa stage pa ako uupo..

Syempre naman suma cum laude ba naman ang love ko.. Dapat lang talaga na doon ka uupo..

Nakakahiya..

Love stop that hiya hiya.. You deserve that spot.. Pinaghirapan mo yun.. 

Ok.. Hinawakan ko pisngi niya..

Maaga kame ng konti nakarating kaya nag stay muna kame sa kotse kasi itong bulilit namin naglambing sa mama ng dede..

After niya mag dede sa mama niya ok na siya.. Bumaba na kame after mag retouch ni jade at ayusin ang damit niya..

Papasok pa lang kame ng venue binabati na siya ng mga fellow graduates niya.. Proud naman ako sobra.. Nakita kame ng dean ng department nila.. Lumapit sa amin at binati kame..

Mabilis lang ang pag uusap namin at dinala na kame ni love sa uupuan namin buti na lang sa side kame mahirap na pag gitna at baka maaburido itong bulilit..

Dinalhan ko naman siya ng ipad at may special headset siya gawa ng ninang chynna niya para lang sa kanya..hindi niya yun inaalis.. Comfortable kasi sa tenga niya.. Tama lang din ang sound nun.. Sobrang mahal din kasi ito ng mga ninang niya.. Naalala ko nga nung time na  sensitive pa yung lungs niya, dinala namin ni jade siya agad sa hospital nung nilalagnat siya.. Sugod din ang mga ninang niya.. Alalang alala sila talaga..

Nakaupo lang si baby sa lap ko.. Ready naman ang mga needs niya sa bag niya..

Nagpaalam si love na babalik na siya sa likod para sa march nila..

Humalik ako sa pisngi niya at ganun din siya sa amin dalawa ni baby.. Ang bulilit hindi na madistorbo sa ipad niya.. Nanunuod ng movie.. Finding nemo..

Tinawag na si love para isabit na sa kanya ang medal niya..

Ang saya ni love.. Kitang kita sa mata niya.. Napatingin siya sa direction namin at ngumiti ako..

After ng graduation rites ni love akala niya uuwi na kame sabi ko kain muna kame ng dinner.. Ang hindi niya alam may hinanda kameng surprise sa kanya sa resto ni steph..

Saan tayo kakain love? Tanong niya

Sa bricks.. Sabi ko.. Favorite niya kasi yung pasta dun.. At ok din siya dun kasi alam niya may mga food sila dun na ok kay baby sam..

I love you love.. Me and baby are so proud of you.. Hinawakan ko kamay niya..

I love you both too.. Ang bulilit namin alert pa.. Sumasayaw sayaw pa sa tugtog sa ipad niya..

Natatawa na lang kame ni love sa kanya..

Parang ikaw love kung sumayaw.. Sabi ko.. Naalala ko kasi yung time na hindi pa kame close na nahuhuli ko siyang sumasayaw habang nagluluto

A cup of coffee Where stories live. Discover now