Chapter 29

2.8K 103 7
                                    


Jade's POV

Nagpapasalamat ako sa diyos na naayos ang gusot namin ni glaiza.. Bumabawi siya talaga sa amin ni sam.. Halos lagi lang kame magkasama.. Kahit may mga out of town travels ako bubuntot silang dalawa sa akin..

Nung isang araw nahuli na si tatay.. Ayaw sana akong isama ni glaiza sa presinto pero pinilit ko..

Pagpasok pa lang namin nakita ko na siya.. Ang payat ni tatay.. Nakayuko at parang nanghihina..

Lumapit sa amin yung chief ng police doon..

Maam good morning.. Sabi nito sa amin ni glaiza

Good morning.. Sagot naman ni glaiza

Saan niyo siya nahuli?

Maam namataan siya ng mga police ko sa may tulay.. Nakahiga daw doon.. Hindi naman daw pumalag nung hinuli siya.. Medyo nanghihina nga eh..

Tumingin sa akin si love.. Pinisil niya kamay ko..

Dalhin niyo siya sa hospital.. Ipapa check up muna namin siya..sabi ni love na kinagulat ko..

Tumingin ako kay love

Sigurado ka ba?

Tumango lang siya..

Dinala na siya ng mga police sa hospital.. Pina check up namin siya.. May kirot sa puso ko na makita si tatay na ganyan.. Tatay ko pa din siya kahit gaano pa siya kasama..pero hindi ako hahadlang sa kung ano man maging desisyon ni love sa kanya

Nakaupo kame ni love sa may waiting area ng ER..

Tumungin lang si love sa akin and niyakap niya na ako.. Napahagulgol na ako ng iyak.. Alam niya na.. Alam ng asawa ko na nasasaktan ako para kay tatay..

Dont worry love.. Sabi lang ni glaiza

Lumabas ang doctor na tumingin sa kanya

Maam..

Doc..sabi ni glaiza

The patient needs to be confined.. Mataas yung blood pressure niya and mataas ang white blood cell niya.. We still need to monitor him..

Sige doc gawin niyo po lahat ng kailanganin.. Sabi ni love..

Pumunta kame sa admitting section para kunan si tatay ng kwarto.. Sabi ko nga kay love sa ward na lang ilagay si tatay.. Hindi siya pumayag.. Kumuha siya ng maayos na kwarto..

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sitwasyon ngayon..

nalipat na si tatay sa kwarto niya.. napakahirap makita ang taong alam mo dugo't laman mo pero siya din ang dahilan ng masasakit na bahagi ng buhay mo.. tahimik lang ako na pinagmamasdan siya na natutulog..

hindi ko namalayan na tumabi na pala si love sa akin

hey... ok ka lang ba? gusto mo na ba umuwi? tanong niya sa akin

hindi ko alam love anong dapat ko maramdaman eh.. naawa ako pero hindi ko din maalis na magalit sa kanya, sa lahat ng ginawa niya.. naluluha na ako

hinawakan ni love ang kamay ko

hindi mo kailangan pilitin love.. hindi madali lahat ng pinagdaan mo sa kanya..

love bakit mo siya pinagamot?

A cup of coffee Where stories live. Discover now