Chapter 21

2.8K 115 4
                                    


Hindi ko na hinintay pa.. Pinuntahan ko na ang mag ina ko sa bahay ng lolo ni jade..

Pagdating ko doon binuksan agad ng guard ang gate..

Huminga muna ako ng malalim tapos bumaba na ng kotse..

Sumalubong naman sa akin si manang pilar.. Siya yung mayordoma sa mansyon ng lolo ni jade

Glaiza.. Sabi niya lang

Manang good evening po.. Si jade po?

Nasa kwarto sila ni sam..

Puntahan ko na po muna.. Sabi ko

Glaiza mainit yata ulo sayo..

Manang kailangan ko po siya makausap..

Ok.. Sabi niya lang at hinayaan na ako umakyat

Kumatok ako..

Sandali lang manang.. Sabi ni jade galing sa loob akala niya yata si manang

Pagbukas niya nag iba ang itsura niya pagkakita niya sa akin

Love.. Sabi ko

Anong ginagawa mo dito?

Love usap tayo please..

Ayaw ko.. Umalis ka na..

Tumalikod na siya sa akin..

Love please yumakap na ako sa likod niya.. Hindi ko talaga kaya na ganito siya sa akin..

Glaiza please..

Aray glaiza na lang..

Love please.. Usap tayo please..

Ginawa na natin yan last time akala ko naintindihan mo na kaso mas mahalaga yung babaeng yun sayo kaysa sa akin..doon ka na sa kanya..

Hindi.. Love hindi.. Ikaw ang mahalaga sa akin.. Kayo ni sam.. Hindi ko kaya mawala kayong dalawa.. Mahal na mahal ko kayo.. Please love.. Sorry na..

Tinanggal niya kamay ko sa pagkayakap sa kanya at humarap sa akin

Bakit? Bakit mo mas pinili na saktan ako? Naluluha na siya

Love hindi ganun yun.. Hindi kita gustong saktan.. Naipit lang talaga ako.. Si kyla siya yung top engineer ko.. Siya ang demedemand ng mga kliyente ko..

Kaya ok lang na masaktan mo ako..

Love sorry sobrang sorry.. Please huwag ka na magalit.. Please love.. Ayusin natin to.. Please..

Hindi ko na alam gagawin ko.. Ang cold ng tingin niya sa akin..

Hindi pwede to hindi ko kaya na ganito siya.. Lahat gagawin ko para sa mahal ko.. Nagkamali ako na mas pinili ko yung gusto ni kyla.. Aayusin ko to..

Lumuhod na ako sa harap niya..

Love sorry na please..

Anong ginagawa mo? Tumayo ka dyan..sabi niya

Hindi ako tatayo dito hanggang hindi kame mag aayos..

Love im sorry.. Im so sorry.. Alam ko nagkamali ako.. Sorry... Sorry.. Please.. Patawarin mo ako.. Naiiyak na ako..

Jade's POV

Nagulat ako na nakatayo siya sa labas ng pinto ng room ko..

Tulog na si sam.. May tinitignan ako sa laptop ko.. Biglang may kumatok akala ko si manang..

Si glaiza pala.. Kitang kita ang malungkot na mata niya..

Pero galit ako.. Naiinis ako..

Sinusubukan niyang mag sorry kita ko naman na sincere siya kaya lang talagang naiinis at nagagalit ako..

Nagulat ako na lumuhod siya sa harap ko.. Yumuko..

Anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan.. Sabi ko sa kanya

Nag sosorry siya..

Tumayo ka na dyan.. Pero hindi pa din siya tumatayo.. Nakayuko lang siya

Tumayo ka na dyan.. Mag usap tayo.. Naawa na din ako

Tumingin siya sa akin.. May luha na mga mata niya...

Inabot ko sa kanya kamay ko.. Kahit ano pa man asawa ko siya.. Mahal ko siya..

Humawak siya at tumayo na din..

Love sorry na talaga.. Sabi niya

Aayusin ko to love.. Pero pinigilan ko siya

Huwag.. Huwag ka na mangako.. Tama na yun.. Pero glaiza last ko na yun na magdedesign para sayo.. Ayaw ko na nag aaway tayo dahil lang sa isang engineer mo na hindi ko alam anong problema sa akin.. Hindi ako nag aral para insultuhin lang ng babaeng yun..

Love.. Huwag naman.. Partners tayo di ba.. Sabi niya

Pero mas kailangan mo yang engineer mo.. Di ba..

Love..

Ok na glai iintindihin kita.. Iintindihin ko yang rason mo.. Mahal kita.. Pero sana lang maisip mo din na hindi lang siya ang engineer mo. At bago pa siya dumating sa company mo in demand ka na.. Sabay talikod ko na sa kanya

Love.. Sorry talaga ulit.. Salamat at naintindihan mo.. Pero promise aayusin ko na lahat..

Matulog na tayo.. Sabi ko.. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin..

Humarap na ako at niyakap siya.. Mahal ko asawa ko at hindi ko kaya na matagal kame magka away..

Nasa banyo si glaiza, bumaba muna ako kinuha siya ng pagkain..

Pagpasok ko sa kwarto nag susuklay siya..

Kain ka muna..sabi ko

Salamat.. Saluhan mo ako love.. Lumapit na siya sa akin at kinuha yung tray sa akin.. Pinatong niya yun sa maliit na mesa  tapos kinuha niya kamay ko at hinila ako paupo sa lap niya..

Paano ka makakakain niyan? Alam ko naglalambing na to..

Binuka niya bibig niya..may ngiti sa mga mata niya

Para kang bata.. Sabay pisil ko sa ilong niya..

Sinubuan ko na.. Nakakaawa eh.. Habang sinusubuan ko siya humahalik siya sa pisngi ko at sa lips..

Kahit ano pa magiging problema namin alam ko yung pagmamahal namin sa isat isa pa din ang mananaig sa huli..

A cup of coffee Where stories live. Discover now