22

494 22 0
                                    

Eden

Parang ayokong i prank si Pierre. Mamaya, gumantin pa yun sakin eh, baka magkaroon pa ng gyera dito sa dorm.

Bahala na!

Medyo late na ako kaya minadali ko na ang pagpunta sa boy's dorm. Oo, bawal ang babae dito. Pero na trapik sa edsa yung pake ko eh.

Mabilis kong binuhos yung mantika sa tapat ng dorm ni Pierre. Wag sana siyang ma comma dito.

Halong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Madaling madali ako dahil kalahating oras na akong late sa training. Jusko, dadami nanaman yung punishment ko nito!

Madali kong tinapon sa basurahan yung bote ng mantika at mabilis na kinuha ang bag ko at patakbong umalis sa boy's dorm.

Ghad, muka akong manyak dito.

Manyak.

Fuckboy | p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon