"Ano bang problema niya..."
Bulong ko sa sarili ko dahil kanina pa talaga ako tinitignan ng masama ni Bitchesa. Malamang, alam na niya na kami na ni Pierre.
Akala ko mga kaartehan lang yung tingin niya, pero nung tumagal, She's still glaring at me.
Break namin sa training kaya nahuli ko parin siyang naka tingin sakin ng masama. Kahit ako nanggigigil na rin. Ang sarap tanggalin ng kilay niyang hindi pantay sa pangit niyang muka!
"Tulala ka nanaman." Nawala ako sa mga iniisip ko nang mag salita sa tabi ko si Pierre. "Busy akong mag isip ng masama, ano ba."
Bigla ko ulit pinagmasdan si Bitchesa at nakitang palapit na siya sa pwesto namin. Nang makalapit siya ay diretsahan niya akong sinampal.
"Bitchesa!"
Nakita kong hinawakan ni Pierre ang pisngi kong sa tingin ko ay namumula na. Huminga ako ng malalim, hiding my emotions.
Tatagan ang sarili, kahit anong mangyari.
Tinabig ko ang kamay ni Pierre at hinarap si Bitchesa. Kitang kita kong g na g na siya, pero wala parin akong pake.
Umiyak siya mag isa diyan, tutal di naman siya mahal ni Pierre.
"Binalaan na kita hindi ba?" Tanong niya sakin. Naglalagablab ang mga mata niya sa galit, enough para maluha siya sa galit.
Gusto ko ng tapusin lahat. Ayoko ng mga ganitong eksena, gusto ko yung dati kong buhay kung saan walang deal na ganito at ganyan. Gusto kong bumalik yung peaceful life na meron ako dati.
Lahat ng mga ginagawa ko ngayon, pinagsisisihan ko yon. Lalo na kay Pierre, dahil siya mismo ang masasaktan once na sumabog lahat.
Kinagat ko ang labi ko, unable to hold my emotions anymore. Bibigay na talaga ako, onting onti na lang. Dapat pala hindi na talaga ako nakinig kay ate.
Ayoko na.
"Binalaan mo nga ako, ano namang nangyari? Minahal ka ba? Hindi. Kaya pwede ba? Tigilan mo yang pagiging desperada mo dahil kahit anong gawin mo, wala kang mababago kahit katiting samin. Wala kang mapapala sa mga ginagawa mo at mas lalong lalayo sayo si Pierre kaya kung ako sayo, tigilan mo na lahat ng kagagahan mo. Sawang sawa na akong makipag plastikan sayo araw-araw kaya pwede ba? Magising ka sa katotohanan, walang kayo at kahit kailan, hindi magiging kayo."
Wala ng sukuan 'to.
BINABASA MO ANG
Fuckboy | p.jm
Humor[TAGALOG] Si Him, naloko ni Her. Landian here, and there. totoo naman pala. Nu gawa niu?? Seen Series [#3] Date started: 10/13/2017 Date ended: Book cover: Kweyrn Highest rank achieved: [#35] in Humor 02/09/2018