77

324 13 3
                                    

Pierre

Bigla kaming inatake ng kaba nang may mangyari kay Eden. Habang nag lalaro kasi, naapakan ko yung paa niya. Kanina ko pa nakikita sa muka niya ang sakit. Kanina pa siya daing ng daing sa sakit, kaya nagpa tawag ako ng time out.

"Bakit? May problema ba?" Bigla niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at diretsahang binuhat. I can't take things normally kapag si Eden na ang pinag uusapan, kailangan ko siyang alagaan. "Injured ka." Malalimkong sagot habang pinagmamasdan ang paa niya. Malapit ng mamaga kapag nag laro pa siya.

"Wag mo nang pansinin yan! Malapit ng matapos yung laro, onti na lang, Pierre." Pagpipilit niya. "No, dito ka na lang. Walang mag d-donate ng paa sayo kapag nawalan ka ng paa sa laro." Madiin kong sabi pero nagmatigas parin siya.

"Please????" Pag papa cute niyang sabi, habang hinahalikan lahat ng parte ng muka ko. Woy, easy lang, umaakyat yung nasa baba, lol.

"Tsk. I'm not convinced, kaya dito ka lang." Pagmamatigas ko. 

"Sige na? Promise, kapag ako nahulog mamaya, out na talaga ako." Ang hirap palang tigasan ang muka kapag si Eden ang kasama ko, letse. Bakit kasi yung baba lang yung tumitigas.... "Anong gagawin mo kapag nahulog ka?"

"Sasaluhin mo naman ako eh. Huehuehuehue." Napailing na lang ako habang kumawala na ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. 

-

Halos sampung minuto na ang lumipas pero tuloy parin si Eden. Kitang kita ko na kung paano niya daingin yung sakit sa paa niya. Shit, kung bakit ba naman kasi ako tatanga tanga, hindi ko dapat siya inapakan sa paa!

"Wag mo ng pilitin pa. Pinag aalala mo ko. Alam mong hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari sa oras na bumagsak ka sa loob ng gym na to." Mahina, ngunit mariin kong bulong sakanya. Sa sitwasyon namin, mukang ako pa yung mas nasasaktan saming dalawa.

Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan.

"Okay lang. Sasaluhin mo naman ako diba?"

To the point na nag uusap na kami habang nag lalaro, hindi ko talaga makaya. Now, we're fighting for the last point, and it's obvious na kami na ang mananalo.

"Eden, ako na!" Bigla kong sigaw nang bigla siyang tumalon para mag smash. Too late, hindi na nasalo ng kalaban yung shuttlecock, pero ako, ginawa ko ang lahat para saluhin si Eden.

Bumalik ang ngiwi sa muka niya nang bumagsak siya sa mga bisig ko. Nabingi ang paligid sa pagka panalo namin, at naririnig ko sila coach na nakikihiyaw rin.

"Congratulations, saatin at saakin, dahil nasalo kita."

Fuckboy | p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon