99

348 10 1
                                    

Eden

Kahit isang araw, gusto kong maging brutal. Gusto kong manapak, manakit, dahil sa galit.

Pero hindi ko talaga kaya.

"Umalis ka na."

Mas lalong lumalalim at tumitindi ang boses ni Pierre. Mukang may sasabihin pa si ate, pero mukang pinilit na lang niyang itikom ang bibig niya at lumabas na ng kwarto.

Natatakot ako. Natatakot akong tumingin sa mga mata niyang nanggagalaiti na sa sakit. At mas lalong nakaka takot dahil ako ang dahilan.

Ang mga hikbi niyang idinideklarang masyado ng masakit para sakanya, sobrang sakit panoorin.

Kung paano niya pigilan ang mga luha niya, ang sakit na paulit ulit siyang sinasapak sa katotohanan. Naloko siya. Naloko ko siya.

Ibang-iba ang pagmukmok ko sakanya. Umiiyak ako dahil naka sakit ako, at umiiyak siya dahil nasaktan siya. Ang laki ng diperensya hindi ba?

Pero hindi parin nakakaawa ang naka sakit.

"Pierre..." Mahina kong bulong kahit malayo ang mga paa ko sakanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mahigpit niyang pagkakahawak sa nabasag na parte ng vase.

"Grabe..." Nakuha niyang makapagsalita kahit kinakain na siya ng emosyon niya.

It's too painful. Paano kaya kapag naranasan ko ang pinagdadaanan niya ngayon? Baka tumalon na ako ng bintana.

"Umiiyak yung happiness natin."

Saglit akong natameme, bago lapitan si Pierre at sapilitang inagaw ang matalim na bagay sa kamay ni Pierre. Masugatan na kung masugatan, putangina kasalanan ko naman eh.

Natigilan ako nang hapitin niya ang bewang ko, inching me closer to him. Hindi ko mapigilang mapatitig sa luhaang muka ni Pierre. Punong puno ito ng emosyon.

"Pierre—"

"Did you loved me?" Mapanuri nitong tanong— despite his bloodshot stare, nakuha niyang magtanong ng isang obvious na bagay.

"This is—"

"Did you loved me?" Pag uulit niya, pero mas lalong lumalalim ang boses niya. Seeing this side of him, makes me want to explore him more, to see how long can he endure pain katulad ng sitwasyon kanina.

"Oo. Minahal—"

"Do you love me?" Pag putol niya ulit sakin. Huminga ako ng malalim, bago hawakan ng mabuti ang kamay ni Pierre, para lumuwag ang kapit niya sa matalim na parte ng vase. Parehas ng duguan ang kamay namin.

"Mahal na mahal kita. At kaya kong masaktan para mahalin ka ng buong buo." Matarik kong sabi habang sinubukang sugatan ang sarili ko gamit ang hawak ni Pierre.

"Mahal—"

"Kiss me." Napapitik ang mga mata ko sakanya nang sabihin niya ang mga salitang iyon. "Pierre—"

"Kiss me, and I'll try to forget everything that happened today. Susubukan kong kalimutan lahat ng nalaman ko, lahat ng—"

Ako na ang pumutol sakanya at agaran siyang hinalikan. Not for him to forget, pero para humingi ng tawad. Mapait ang halik, pero nararamdaman kong umiiyak parin siya habang hinahalikan ko siya na siya namang tinugunan niya.

Nang pinutol ko ang halik, hindi ko na nakayanan pang tumingin sa muka niya dahil sa guilt na nararamdaman ko. Feeling ko, ako na ang napaka samang tao sa buong mundo.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"Don't forget because you love me, try to live because you're fighting to be happy again."

Fuckboy | p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon