Chapter 10 ~ the Program ...

440 5 0
                                        

DJ's POV

"kanina pa ba yan?" tanong ko kay JC. "simula pa nung dumating yan dito. Naka headset nayan." hmmp. kaya pala. Pampagood mood ata. Odi kaya umiiwas nalng sa gulo. "ano nga oras mamaya?" tanong ko kay Seth. "Pagkatapos ng lunch ata. 1pm, we should be ready na." paliwanag niya. Pag tinotopak tska pag wala ako sa mood. si Seth tska Katsumi tlga namamahala. 

Nag bell na, kelangan pa naming bumalik sa respective rooms namen, kase may ipapaliwanag pa samin yung adviser namen. Pero kaming magpeperform, pinalabas na kagad, para sa formation and last practice namin. "Bro? sila Julia?" siya tlga unang pumasok sa isip ko. "May binili lang sa canteen. Nagpaalam sakin." Langya tlga eh noh, kung ke Katsumi tska ke Seth alam na alam nila. Pota. Pero di ko kelangan ma badtrip ngayun. 

"Oh, ayan na pala oh." tinuro pa ng nguso ni Kats kung san si Julia. Ansaya niya. Ngayun ko pa lang siya nakitang ganto ka saya. I mean, kahit kelan lang kami nagkakilala, puro simangot kase inihaharap sakin ni Julia eh. Pero this time. Parang mas nakikilala ko yung soft side ni Julia. Kaya nga lang, hindi as in, totally na pinapakita niya sakin yung soft side niya. Ako lang mismo ang naghahanap sa side nayun. Ang hirap no? Pero gusto ko naman to. Kaya ok lang.

"So? San tayo?" tanong ni Julia na may napakalaking ngiti sa muka. "Dun nadaw tayo sa stage, tayo na susunod sa Dance number nayan." sagot ko, na may halong ngiti sa labi nadin, sabay pa cute. Pero inirapan niya lang ako, pero nakangiti parin. Oha. At least di mawala wala sa labi niya yung ngiti niya. 

Pagkatapos ng Dance Number nayun, pinaalis ng Glee prof namin yung ibang students, kase mala surprise yung number namen. Kaya kinakailangan na, hindi muna ipapakita kung sino yung kakanta. kase last year, ang pangit ngg Launching ng Club namin, Tska naniniwala din ako na, mas mga talented ang mga nakuha namin ngayun. So ayun, inayos muna namin yung mga kagamitan namin, tska, unti-unti naring nagsilabasan yung ibang students. Yung kasama naming magpeperform, pinalabas muna ni Prof.

Nagkasalubong kami ni Kath. Kase siya yung president ng Dance Club. "Galingan mo ah. Lam ko namng magalingg kana eh. Galingan mo pa para sakin." sabay smile tska himas sa muka ko, na parang nang seseduce ng tao. Hindi ako makakatanggi kase andaming tao pa, na nagsisilabasan na para bumalik sa kanikanilang classroom. Anggaling tlga sa timing nito ni Kath. Nagsmile nalng ako. Tska siya umalis. Alam niya na yun.

"Ano yun bro? May pa hawak hawak pa sa muka ah." tinutukso naman ako nila Seth. Tas sila Julia panay naman tawa. habang nakakunot na yung Noo ko. "oi, tigilan nyo na yan, tignan nyo si Lolo oh, kunot noo na." pero pinpigilan ni Julia yung tawa niya. Tss. "tumahimik na nga lang kayo. Alam nyo, simulan nalng naten to, manglilibre ako ng lunch." hinamon ko nlang sila. Para ma segue ko yung usapan. "lakas maka segue bro." hirit pa ni Katsumi.

Sinimulan na namin yung praktis. Yung Girl Band muna tumugtug. Grabe. Kahit ako, hangang hanga saknila. makikita mo tlga na determinado sila. Kakausapin ko yung manager namin, baka naman pwedeng may madonate saknila ng instruments. Kahit naman luman na. Kasi sabi nila, yun lang naman tlga yung Kulang sa banda nila.

Matapos ang Girl band. Si Chienna naman yung kumanta. Di ko napansin si Julia. Nasa likauran ko pala. May pakanta kanta pa. Medyo malakas yung boses niya, kaya napalingon ako. As in kalinya ko siya sa likuran. Naka number four payung legs niya, hawak-hawak yung copy ng lyrics ng kakantahin namin, sabay smile-smile pa, with earphones in. Hindi niya ata ako napansin, kaya nakatitig padin ako saknila. Grabe. ang ganda niya, Nakakahumaling. Yung tipong, hindi ka magsasawa na titigan siya. she's absolutely, she's one of a kind.

ACCIDENTAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon