Chapter 15 ~ kulitan na naging tampuhaan???

455 7 4
                                        

Tatakbo na sana 'ko papunta sa room namin, ng naalala kong, buntis nga pala 'ko. Alam kong bawal magtatatakbo. Tss. Talaga tong si DJ! Naisahan nanamn ako! Humanda tlga to sakin pag nakarating na 'ko dun.

"DJ!!!!!!!! Buksan mo sabi eh!!!! isa! pagumabot to sa dalwa! Lagot ka tlga sakin! Sige ka!" alam kong namumula na 'ko sagalit. Kanina pa 'ko dito sa labas. Inaantok na nga 'ko, tas pinagsarhan pa 'ko! gustong gusto ko na humiga! Nakuuuuuu! "eeeey kasee! Wag ka nlng kase magalit. plssssss" pakikiusap nya sa kabila! "sinong di magagalit?! Inaantok na nga 'ko, pinagsirhan mo pa! Ano ba! Tss!" huminahon na 'ko. "bsta promise me, hindi ka magaglit?" pakiusap nya pa. tamo to, natatakot pala tas gagawa ng kalokohan! Tss! "oo na nga sabi! Buksan mo na! Parang awa!" inaantok na kase talga 'ko. Sa wakas, dahan-dahan nya pang binuksan yung pinto. Na nakayuko pa para dipensahan yung sarili nya. "walaaang yaaaaaa ka!!!!" sabay hampas sa balikat nya. Isang malaking hampas, Sapat na yun. Dumiretso na 'ko sa bed ko. "araay ko namn!" sigaw nya! "baby! wag ka sana tutulad sa mami mo ah! Wag ganun! BAD yun!" pinaparinggan nya pa tlga 'ko. "he! HUMANDA KA TLGA SAKIN BUKAS! PASALMAT KA INAANTOK NA 'KO NGAYUN!" hirit ko pa, tska na pinikit yung mata ko.

Pagkagising ko, agad ko tlgang hinanap si DJ! Para man lang makaganti. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Susuntukin ko sana, kaso. Pinaghandaann ako ng almusal eh. Pano nayan? Tss. "nagdadahilan ka ngayun ah! Pasalamat ka gutom kami ngayun ni baby!" unang bati ko saknya. nagulat pa ata yung mokong! Napatalun yung balikat nya. AHAHA. parang bakla pa, naka apron. Pero, in all fairness. OK din siya. :D "pasalamat ka nga, pinaluto ko kayo ni baby!" ganti nya pa! "tss, sabi ko na nga ba eh! para hindi na kita gantihan! Nako!" sabay irap saknya. Pero sabay tatawa tawa, para naman mainsulto siya. nakakatawaa lang talga kase yung outfit nya ngayun. "bakit ba!" napapnsin nya na ata ako. "ang kyuut mo sa apron!" sabay buhakhak na tawa! parang dun ata, nakaganti ako! haha! kala nya ah! "pasalamat ka nga! hindi ako sumusuot ng ganto no! Para sa inyo na nga to ni baby! Pinagtatawanan mo pa 'ko!" sabay puppy eyes! Tska talikod, "alam mo baby! ARTISTA nga tlga daddy mo! HEH! tigilan mo nga 'ko! Maalay ko ba't, naipagluto mo na si KATH nuon! Tss!" sabay irap! "ni hindi ko nga nagagwang lutuan nanay ko, si kath na kaya?" sabay tingin sakin, "tumigil ka na nga, ang mas mabuti pa, bilisan mo dyan, gutom na kami!" sabad ko nalng, ayoko ng pinaguusapan namin ang ibang tao. "eto na po, mahal na reyna." pagkukunwari nya pa, sabay halik nanamn sa pisngi ko! "pag ikaw! di mo titigilan yan! naku! lagot ka tlga sakin!" sineryoso ko yung mood ko! ayoko ng ganun! di ako sanay. tska baka masanay ako. Alam ko namang, hindi to panghabang buhay. Kaya mas mabuti ng, iniiwasan kong masanay sa mga gantong sitwasyon.

Matapos kaming kumain, dumiretso na kami para makapag ligo, si DJ, nasa labas na CR siya naligo, habang ako, nasa room namin. After 30 min. Papunta na kami ng school, "medyo nahihilo nanamn ako.." para kong nagsusumbong sa lola ko. Pero, nahihilo tlga 'ko, swear. "di mo kaya? di nalng tayo papasok." sagot nya, "hindi, kaya ko pa naman eh, tska andun namn din sila Chienna. Si Aria." sagot ko. Di na siya sumagot, ambilis nya pang magmaneho! "ano ba! ang aga aga pa namn ah, bat ka nagmamadali!" kanina pa siyya di nagsasalita, andami kong tanong, kwento, tas ambilis nya pa magpatakbo. ano ba to! di na naman ako sinagot, "gusto mong mamatay?! wag mo kaming idamay ng anak mo!" nakasigaw nanamn ako, dahilan ng paghinto nya. "ano ba kase problema? ha?" tanong ko ulit saknya. "gusto mo tlga malamn kung anong problema?!" sinigaawan nya 'ko! "ano?!" sigaw ko ulit saknya. "mahal na kita JULIA! mahal na!" hinahampas hampas nya pa yung kamay nya sa manebela. napatitig nalng ako sknya. "hindi kita maintindihan!" sagot ko nlng saknya. totoo na ba kaya to? "ang labo tlga! kahit kelan! hindi mo namn din naapreciate yung mga pinagagagawa ko!" at dahan dahan ng tumulo yung luha nya. "tama na DJ. tama na pls." ayoko lang tlga na.. na magkakadevelopan kami, dahil alam naman naming, matatapos at matatapos din to. Di nalng siya nagsalita, at nagmaneho ulet.

Nasa school na kame, wala padin siyang kibo, ni hindi man lang ako hinatid sa room ko. Iniwan ba namn ako sa sasakyan. mabuti nalng, nasa corridor. Nagiintay samin. Lumabas na 'ko, sabay lapit sakanila. "anyare dun?" unang tanong sakin ni Aria. Yumuko nlng ako, "anong problema? bat nilagpasan lang kame? tas iniwan kapa sa kotse. hmmp." pagtatakang tanong ni Seth. Kasama din kase nila Aria ang P5. "konting tampuhan lang." paliwanag ko skanila. Anglalagkit ng mga tingin nila, "bakiit baaaaa??" tanong ko na iniisa isa yung expression nila. "away mag-asawa, pabayaan na" sabay sabay pa nilang sagot.  "tsss!" matipid kong sagot sabay irap.

"nahihilo ako Ar!" tawag ko ke Aria tska Chienna, "konti nalng Juls, konti nlng, break time na, para naman makapagVOMIT kana, sang sukaa nyan, mawawala nayan." pagpipigil ni Aria. Tumango nalng ako, sabay pikit pikit ng mata ko. Pagkaring ng bell, agad na kaming tumayo nila Aria, tska dumiretso sa CR, at dun na ibinhus lahat nung kahiluhan ko.

"bat antagal nyo?" tanong ni JC samin. "nagvovomit yung isa eh." si Chienna na nagpaliwanag. Tahimik padin si DJ, headphones in. Tumango namn silang lahat maliban ke DJ sabay "aaaah". at umupo na kami. "bili na kayo ng food nyo." utos ni Kats samin. matapos na makabili, kwentuhan lahat maliban samin ni DJ. anlayo ng agwat namin, antahitahimik nya. Matapos nyang kumain, umalis siya agad. "ganun ba tlga magtampo yung si DJ?" tanong ko saknila. tumango namn silang lahat. "kelangan susuyuin mo pa yan." dagdag ni Seth. "tsss." yun nlng yung naisip ko eh.

Lunch, ganun padin, ni hindi nga siya kumain masyado eh, agad ding umalis, di ko makausap ng matino sa school, kaya siguro, mamaya nlng pagkatapos ng klase namin sa hapon. "Juls, wag ka na mag-alala, ganyan namn talga yan eh, di yan maiiwasan. Dapat nga masanay kana." sabad ni Chienna ng napansin nya atang natahimik ako, at parang anlalim nga tlga ng iniisip ko. tumango nlng ako, sabay ngiti ng malungkot. nahihilo na nga 'ko dito, dinagdagan nya paa ng tampo tampo. tss.

Uwian time, ganun padin, hindi ko na tuloy alam kung sasabay ba 'ko sknya pauwi, oh, magpapahangin na muna 'ko, kasama sila Aria? Tss. Ayoko namn ng masyadong masestress, siguro, uwi nlng ako agad, kasabay nya.

Nagsiuwian na nga, iniintay nya 'ko sa sasakyan. Ganun padin siya, naka headphone, nakaEX yung kilay, pagkapasok ko sa kotse nya, agad namn siyang nagmaneho. "kanina ka pa ganyan ah, sige ka, mapapanis laway mo nyan." sinubukan kong magbiro, baka namn mapansin nya 'ko. pero ganun padin, Wa-EPEK. "ganon nalng? galit ka na tlga sakin?" tanong ko pa din saknya, "dj!!!!! wag namn ganyan oh!" napahinto nanamn siya sa pagmamaneho. "ganon nlng? Anlaki ng problema ko JULIA! Ni hindi ko alam kung, iniiwasan mo lang ba tlgang mahalin din ako? Oh, ayaw mo lang tlga sakin!" napalingon siya sakin, pero di nagtagal, nakatingin siya sa kawalan. "DJ, alam naman nating-" magsasalita pa sana 'ko, kaso, sinabad ako kagad, "hindi mo kase ako naiintindihan! ang akala mo kase, si Kath tlga yung mahal ko! Julia, ikaw, at yung baby natin, kayo na yung buhay ko! Anong masama sa pag hayaan mo yung sarili mong mahalin ako? Ha?" at napatingin nanamn siya sakin, na nakakunot yung noo. "OO na! MAHAL NAMAN TLGA KITA DJ eh!"

~~~~

uh-ow! napaamin tuloy si JULIA! DJ kase eh! Kung magalit! Kung makatampo, wagas! Grabe dre, ikaw na! parang di lang lalaki ang dating ah! tsk.tsk.tsk! XD

#SHORTUPDATE sorrt guys ah, nagmamadali lang! :)) gabi nadin kase, mi pasok pa bukas..

dont forget to VOTE :)) +to READING LIST && COMMENT po plssssssssss :) mahalaga po samin yung comments nyo :)) BECOME a FAN nadin po :))

ACCIDENTAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon