Chapter 16 ~ kumbolsyon ata?

484 6 9
                                        

Hindi ako makapaniwala sa sagot ni Julia. Napipilitan lang ba siya? O totoo na kaya tlga yun? "totoo ba tlga yun Julia? Kase ako, oo. Mahal na mahal ko kayo ni baby." paliwanag ko saknya, sabay tingin sa mga mata niya. Hindi siya mapakali, nangingiak-ngiyak na mga mata niya. Ni hindi siya makatingin ng diretso. "alam ko namang hindi Julia eh." para biglang gumuho saglit yung mundo ko, pagkatingin ko skanya, na parang napipilitan lang sabihin yun. yung reaction nya na parang nanghihinyang na sinabe nya yun. Pinaandar ko na ulit yung sasakyan, ayoko muna siyang makausap. Galit ako sa sarili ko. Bat kelngan pa kaming magaway kung ayaw nya naman tlga sakin, dba? DJ! Ang kitid ng utak mo! Gusto ko muna makapagisip-isip.

Pagkarating namin sa bahay. Bumaba agad kaming dalwa, gusto ko muna mag unwind. Pero pag pasok namin, na sa sala si mama. Nagulat pa kaming dalwa. "Oh, ma? napdalaw po kayo?" tanong ko ke mama sabay mano, si Julia ganon din, pero nagpaalam siya na magpapahinga na muna siya't msama ang pakiramdam nya. "kumusta naman kayo sa school anak?" tanong ni mama sakin, "ok namn din po ma, wala namn pong issues tungkol samin." sagot ko, "kase, wala pa si Kath. in 2weeks anak, babalik na ulit si Kath dito. Sisimulan na nila ang projects together with Quen." paliwanag ni Mama. "ano pong ibig nyong sabihin ma?" nakakunot noo kong tanong. Nasa ibang bansa kase si Kath, para ishoot ang scenes sa bagong movie nila ni Quen na gaganapin sa ibang bansa. mga 1month din silang nandun, pero ano naman kung uuwi na si Kath? hindi padin ba nila alam? Yung tungkol samin ni Julia? "anak, sobrang sayaang talga pag baliwalain nalng yung tandem nyong dalwa ni Kath. Pano nalng yung career mo?" sagot ni mama na, sobrang may pagaalala sa muka niya, lalong lalo na sa mata niya. "ma? ok naman na din ako. tska, mas mabuti nading ganto. Malay naten dba? Kung makikita nila yung ibang side ng talent ko. ma? ayoko namang palagi nalng si Kath yung inaasahan ko. Gusto ko ding makilala ako bilang isang DANIEL PADILLA lang tlga, yung walang ibang pangalang nakadawit sa pangalan ko. Ma? ang hirap po kase, na kilala lang ako, kase bagay lang kami ni Kath. Pano kung lalaos na yung tandem namin? I mean, pano kung magsasawa nayung mga tao samin? nakaksiguro po ba kayong sisikat pa'ko? Sobrang sakit po sa part ko, na kung walang Kathryn Bernardo, wala nadin pong Daniel Padilla. Gusto ko pong mapakita sa ibang tao na, hindi lang sa isa o sa dalwang bagay lang ako magaling. Gusto ko po yung mapatunayan saknila, ma. sana po naiintindihan nyo ko." paliwanag ko ki mama, na medyo alam kong napapataas na minsan ang tono ng boses ko. hindi ko na kinaya, alam ko. Sana naman, this time, maintindihan ako ni mama. Napahinto at parang napaisip ko si mama. Alam kong sa gantong sitwasyon, away ang kinahahantungan nito. "hindi kita maintindihan DJ! Alam mo namng lahat ng ginagawa ko para sa ikabubti nyo!" at umalis na kagad si mama sa bahay. Grabe, ang daming problema!

Napagisip-isip kong, alam ko namang hindi ko to makakayang mag-isa. Hindi ko din matiis na paabutin ng isa hanggang dalwang araw yung alitan namin ni julia. Alam kong ang kitid lang tlga ng utak ko ngayun. Matapos magluto ni yaya ng dinner, tinawag ko si Julia, para kumain na, pero tulog pa, si yaya kase yung pinapunta ko. kaya pagkarinig ko ng tulog pa, ako na gumising. "Juliaa" dahan dahan kong niyugyug yung braso nya, "hmm." sagot ny lang, nakita ko mga mata niya, namamaga pa. Pinunsan ko, kaso, di parin gumising, pagka hipo ko sa luha niya, medyo, mainit yung balat niya, hinipo ko yung noo niya, parang antaas ata ng lagnat niya. agad ko namang tinawag si yaya at pina akyat yung first aid kit namin. Kinunan ko siya ng temperature, medyo mataas nga yung lagnat niya. Agad ko ding pinaluto si yaya ng sopas.

"Juuuls?" tawag ko ulit saknya, pero hindi na siya sumagot, pero nanginginig siya, yung kumot namin, hindi ganon ka kapal, kaya nagkuha ako ng comforter, yun yung pinangbalot ko saknya, niyugyug ko ng niyugyug yung balikat niya, hanggang sa gumising siya, pero agad ding pumikit, at dumaloy naman yung tubig sa mata niya. Hindi ko na aam kung anong gagawin ko, kaya tinawagan ko kaagad si ate Roanna. Kung si mama, alam kong galit pa yun sakin, kung si papa naman, alam ko ding busy yun. Kaya minabuti kong tawagan si ate Roanna. "atee?" sagot ko saknya, na para bang ulat na gulat. "oh DJ? anong probblema?" sagot niya. "ate, nilalagnat si julia, di ko alam kung anong gagawin ko." para kong batang nagsusumbong sa nanay ko, na may lagnat yung kapatid ko. "ok sige, papunta na 'ko dyan." nagmamadaling binaba ni ate Roanna yung tawag. hindi padin ako mapakali, hindi ko iniwan si Julia, na sa tabi niya lang ako.

Nang makalipas ang limang minutong pagtitig ko saknya, bigla niyang hinawkan yung kamay ko, umiiyak siya, hindi ko na din mapigilang mapaiyak, kahit hindi ko alam ang dahilan. Mahal ko na tlga si Julia. hindi ko makakayanang mawala pa siya sakin. Bigla namng kumatok si yaya saba sabing nandito nadaw si ate Roanna. Tumango lang ako, para ipaalam na, papasukin na siya.

"Oh bro?! anong nangyare ba kase?" tanong ni ate Roanna, habang ako naman, pinupunasan ko yung luha ko. "nag-away din kase kami ate, tas kanina, di ko pa siya kinakausap, hindi ko alam, na nilalagnat na pala tlga siya. Sobrang giniginaw siya, hindi nga naka on yung AC, comforter nadin yung ginamit kong pangkumot saknya." paliwanag ko kay ate, habang siya naman, hinihipo yung noo ni julia. "nakunan mo na ba siya ng temperature?" tanong ulit sakin ni ate na hindi padin inaalis ang isang kamay niya sa noo, na palipat lipat sa leeg din ni Julia. "oo. 38.5 yung temperature niya," sagot ko. "ok, papunta naman na din yung kaibigan kong nurse dito. Minabuti ko ng papuntahin dito para masecure natin si Julia.." salamat naman. akala ko, mapapapunta kami ng di oras sa ospital ngayun.

Makalipas ang ilang minuto. Dumating na din ang sinasabing nurse na pinapunta ni ate Roanna sa bahay. "oh, wanna? anong nangyare? sinong nilagnat?" pagkasunod-sunod na tanong ng nurse, na barkada ni ate Roanna simula highschool pa. "eh, kase yung asawa ni DJ, inapoy ng lagnat, na taranta na kapatid ko, kaya sakin na humingi ng tulong, alam mo namang wala akong alam jan, kaya tinawagan na kita, di ka ba busy ngayun?" pageexplain ni wanna, medyo matagal-tagal nadin silang hindi nagkaka bonding, dahil nga busy ito. Mabuti na nga lang at mi oras siya ngayun. "break ko na kase nung tumawag ka, asan ba siya? si Kath ba? Nagasawa na pala kayoo DJ?" tanong pa nito sakin, "ah, hindi si Kath, wala naman tlga si DJ tska si Kath eh, iba, teka, dun tayo." si ate Roanna na sumagot, dahil alam nitong medyo malapit na 'kong ma pikon.

Nang marating namin ang kwarto namin, medyo nanginginig pa si Julia, kahit balot na balot siya. Ni hindi nga naka on yung aircon namin, kahit mainit na sa loob, giniginaw padin si Julia. Sana walang mangyayareng masama sakanila ni baby! "kinunan nyo na ba to ng temperature knina?" tanong sakin ng nurse, tumango lang ako. "parang tumaas yung lagnat nya. Kelangan lang talga siya ng konting pahinga, painumin nyo siya nito, every four hours nyo siya painum. Kelngan din siyang ma monitor every four hours, pag hindi pa baba bukas, kelngan na siyang mapa check-up." paliwanag nung nurse samin. "ano to? di ba makaksama sa baby ko tong gamot na 'to?" tanong ko saknya, medyo in shock din siya, alam kong hindi niya pa alam.  Tinanguan lang siya ni ate Roanna. "Paracetamol lang yan, kaya wala kang dapat ikabahala." nakahinga naman ako sa sinabe niya. "sige wanna, una na'ko, pag hndi padin bababa lagnat niya, tawagan moo lang ako, ok? Tska, DJ, bantayan mo lang siya lage." paalala nya naman samin. tumango nalng kami sabay psalamat saknya. Hinatid naman siya ni ate Roanna sa labas ng bahay. Habng ako, hindi ko na siya iniwan.

Makalipas ang ilang oras, pinagmamasdan ko pa din siya. Medyo hindi na siya giniginaw. Medyo naiinitan na siya. Sabi ni ate Roanna, good sign nayun, alam kong matapang silang dalwa ni baby. Makalipas ang apat na oras, pinainum ko nanamn si Julia ng gamot. Medyo wala akong tulog dahil gising-tulog ako magdamag.

Kinaumagahan, bigla nalng akong napabalikwas ng namataan kong wala sa kama si Julia. "JULIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAa!" napasigaw nalng ako ng wala sa oras. 

~~~~~

hmmmmmmp. nawawala si JULIA?! asan kaya siya!

#shortupdatee again!! :) I'll try to update tomorrow oh sa saturday again :)

PLS VOTE. COMMENT AND ADD TO YOUR READING LIST NADIN PO :))))

<3

ACCIDENTAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon