Chapter 12 ~ OH SNAAAP!!

449 7 3
                                        

"ano na ngaaaa?" sabik na sabik nang nagtatanong sakin si Chienna tska Aria, pati nadin si Yaya Cita. Biglang nag ring yung phone ko. Kinuha namn ito ni Chienna. Pagkakita niya, "Si DJ! Ano?! Ano na yung resulta?! Sasabihin mo ba?!" sunod-sunod niyang pagtatnong. Napaiyak nanamn ako.  Kinuha ko yung phone ko, tska binitawan yung PT na hawak-hawak ko kanina. Dalidali namng dinampot ng tatlo, at nakita na nila ..

"Hello?!" sagot ni DJ sa kbilang linya. Humihikbi na 'ko. D ko pa mahuli yung hininga ko. "Julia?! Bat ka umiiyak?! Anong nangyare?" sunod sunod nya ding pagtatanong. "Kelangan nyong magusap." bigla akong hinablot ni Chienna. Tumango na lang ako, "Pwede ba tayong magkita? I mean, mag-usap?" sagot ko saknya, habang hinahabol yung hininga ko. "Ou, kukunin kita. Asan ka ngayun?" tanong nya. "Na kela Chienna." sagot ko. "Hintayin nyo ko jan." at binaba na yung phone..

"Taha naa." bigla akong niyakap ni Chienna tska Aria. Si yaya Cita namn, hinihimas yung likod ko. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko siya macontrol. Ilang Sandali pa, dumating na si DJ. Nakita nya kong umiiyak. "Anong nangyare?" tanong nya. Lumingon ako sa gawi nila Chienna. Tinignan ko sila na parang sinasabing ako-na-muna-ang-bahala. Tumango namn sila.

Nasa sasakyan kami, wala padin akong kibo. Tanong ng tanong si DJ. Pero hindi ko siya sinasagot. napaisip ako. Pano kung hindi niya kame kayang panagutan? Pano kung gusto nyang ipalag-lag ang baby namin? pano kung .. "Julia?! kanina kapa ganyan ah. Sabihin mo na namn kung ano nangyayare sayo oh?" tanong niya ulet. Isang malaking buntong hininga yung ginawa ko, tska ko siya hinarap. "DJ? Gano ka importante sayo yung Career mo?" una kong tanong saknya. Napakunot noo siya. "Yun ba yung problema mo?" tanong niya. "bastaaaa... sagutin mo nalng." sagot ko. "Siempre, napakahalga ng career ko. Ito kaya yung puhunan ko kapag magkakapamilya na tayo." Pasimple nyang sagot. Lumingon ako sa gawi niya. "Serious pwede?" sagot ko. Kung ganon paman, siguro nga, hindi nya ako kayang panindigan? "Siempre, naapakahalga sakin yung career ko. Pinaghirapan namin ni mama yung narating ko ngayun. Teka bakit sakin napunta yung usapan? Ano? Ano ba kase yung pag-uusapan naten?" Di padin siya tumitigil sa kaktanong.

"Kung sakaling, kelangan mong pumili. Yung taong ordinaryo lang, oh yung career mo?" tanong ko ulit saknya. "Bakit sakin? Tungkol ba tlga sakin yung paguusapan natin?" di niya 'ko sinagot. "Pwede sagutin mo muna?" tinignan ko siya. nakakunot na yung noo niya sa sobrang pagtataka. "Kung ikaw man yung taong ordinaryo laban sa Career ko, ipaglalaban kita. Pero siempre, aayusin ko din yung career ko. Dahil kung ikaw man yung ipaglalaban ko, dapat may ipapabuhay namn din ako sayo." sagot niya, na may pa sulyap sulyap pa sakin, habang nagdadrive. Ako namn nakatitig lang saknya.

"So ano na? Ano ba tlga kase paguusapan naten?" tanong nya ulit. Di padin ako kumikibo. Sasabihin ko ba tlga saknya? Alam kong malaki yung karapatan niya. Dahil siya ang ama ng baby ko. Pero pano kong hindi pa siya handang maging batang ama? Pano kung, tatkbuhan nya kame? Kung ipapalaglag nya nga baby ko? Pano? naiiyak nanamn ako. "Oi, Juls, wag namn ganyan oh, pano kita matutulungan, kung ayaw mong sabihin sakin? Ang hirap kayang nakikita kang nasasaktan, tas ako, walang magawa" naiiyak nadin siya. In my entire life. ngayun lang ako nakakita ng isang lalking halos mangiyak-ngiyak na din dahil nakakita siya ng isang babaeng umiiyak na.

"Dj? pano kung .. pano kung BUNTIS ako?" diresta kung tanong saknya. Bigla siyang napahinto sa pagmamaneho. Nakatingin padin siya sa daan. Nang biglang umiyak ako ng malakas. Tinignan nya 'ko. "Seryoso?" tanong nya. Tumango nalng ako, hinawakan ko si baby. Humugit ako ng lakas saknya. Hinawakan ako ni DJ. "Pananagutan ko kayo." at hinalikan nya ko sa noo tska nya 'ko niyakap. "Seryoso?" binalik ko ulit saknya yung tanong. Tumango lang siya habang yakapyakap padin ako. "SHH. Taha na, we're in this together." at Niyakap nya ko ng mahigpit na mahigpit.

ACCIDENTAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon