Chapter 1:
"Yuri! Turn mo na!"
"Sige po."
Whew good luck sakin. Kahit madalas na ko kumakanta sa stage di ko pa rin maiwasang di kabahan >.< Graduation kasi ngayon ng kuya ko and as always, lagi ako ang pinapakanta nila ng Lupang Hinirang bago magstart ang ceremony. Taray diba? xD
Ako nga pala si Yuriko Anezka Hideki. Half Japanese ako pero di ako nakakapag salita ng hapon kasi dito na ko sa Pinas lumaki :) Third year college pa lang ako sa course na Mass Communication. Pangarap ko na kasi talaga ang maging broadcaster at maging photographer pero bukod dun mahal ko din ang pagkanta.
Pagkatapos ko kumanta, tinawag agad ako ng best friend kong si Aliza.
"Yuri! Halika labas muna tayo tapos ka na naman kumanta eh.”
"Uy wait lang baka magtampo si kuya pag umalis tayo."
"Di yan! saglit lang naman eh." pamimilit niya with matching puppy dog eyes.
Eh ano pa nga bang magagawa ko nag puppy dog eyes na e. "Sige na nga. San ba tayo punta?"
Tuwang tuwa niya kong inakbayan sabay sabi, "basta jan jan lang sa campus."
At ayun lumabas na nga kami. Tahimik ang school ngayon kasi bakasyon na lahat ng mga non graduates parang napaka peaceful lang ng paligid.
Pumunta kami ni Ali sa Music room at ayun nagpatugtog siya ng "Please Don't go" ni Mike Posner
"Ano ba ginagawa natin dito al?"
"Wala naman. Rerelax lang hehehe."
Parang baliw talaga to palalabasin ako sa audi sabay tatambay lang pala dito. =_= hahaha!
"Nakita mo na ba yung bulletin ngayon?" sabi niya
"Hmm.. di pa? Bakit, ano meron?"
"Loka ka! Alam mo bang may summer music class ang Northshire Academy ngayon at open sila for all. You should go. Alam ko naman kung gaano mo kamahal kumanta eh."
"Talaga???" Parang ang saya naman nun! Northshire kasi ang pinakamagandang music school dito.
"Oo. Tsaka alam ko 2 months yun tas sa end ng sem may performance night kayo para ishowcase ang talent niyo tas ang pinaka nag improve or talagang da best makakakuha ng 500,000 cash prize."
Wow. Naexcite naman ako dun sa prize na yun haha kahit pa may kaya kami syempre tulong ko na rin kaila mommy yun na pang tuition ko. Kaya lang naalala ko bigla si dad. panigurado ako di yun papayag :/
"Oh bat bigla kang bumusangot jan?"
"Eh si dad kasi panigurado di yun papayag."
Super strict kasi ni dad eh at over protective lalo pa't only girl lang ako. :<
"Sus, mabait naman si tita e baka kumbinsihin niya si tito na payagan ka."
"Hay... Sana nga..."
Biglang tumayo si Ali at pinatay na yung stereo. "Tara na. Baka matapos na yung graduation magtampo pa si Cavin satin. Hirap pa naman suyuin nun pag nagtampo hahaha."
Sus si Al talaga kahit kailan takot kay kuya haha. Sila kasi 3 years na din since nung nasa 4th year high school pa lang kami at si kuya nasa 1st year college pa lang nun. Sila na may lovelife ako na wala hahaha. NBSB kasi ako kahit may mga nanliligaw din naman sakin pero ewan ko siguro di pa ko ready.. >.<
Sakto pagbalik namin ni Aliza ng Auditorium na pupuntahan na lahat ng graduates sa harap para kantahin yung Graduation song nila.
Pagpunta namin sa upuan ni Ali nakita ko si mommy umiiyak si daddy naman nakaakbay saknya habang pinapat din. Awww.... sweet talaga ng parents ko kahit kailan :">
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Umuwi na kami pagkatapos ng grad nila kuya. Nagpaparty kasi sila daddy syempre graduate na panganay nila e. YUN OH. :D
Pero ayun kung sino pa yung celebrant siya pa yung late. Sabi nga nila, Nasa huli lagi ang bida. Hehe. Joke lang. Gusto lang daw pala kasi muna niya masolo si Ali namiss daw kasi nila ang isa't isa dahil masyado naging busy si kuya sa pagreready niya for graduation. Sus yung dalawang love birds talaga :">
Pumasok muna ako ng bahay para magpahinga ng makita ko si daddy na nakaupo mag isa sa sala. Yes! Pagkakataon na to. >:D
Agad naman akong tumabi sakanya para magpaalam para dun sa music class.
Pano ko kaya makukumbinsi si daddy? Alam ko na! Gayahin ko nalang ang puppy dog eyes ni Ali. "Dad….” :3
"Oh baby girl bakit?" yieee kahit kailan sweet talaga ng daddy ko uber nga lang strict kung minsan.
Humiga ako sa shoulder ni daddy para may lambing effect baka sakaling payagan ako ;)
"Daddy, pwede ba ako umattend ng music class this summer sa northshire acad. lam mo naman da--."
Bigla niya pinutol ang sinsabi ko sabay tumingin sakin ng napaka seryoso. shocks parang lam ko na sagot :/
"Yuriko matagal na natin napag usapan to diba? napakalayo masyado ng Northshire sa lugar natin mamaya kung mapano ka pa."
"Eh dad may dorm naman dun eh tsaka 2 months lang naman yun at para na rin may magawa ako ngayong summer." Pag mamakaawa ko.
"2 buwan???Tignan mo napakatagal masyado ng 2 buwan! di ako mapapakali kung wala ka sa bahay at di ko alam kung ano ang nangyayare sayo dun. "
"Eh dad malaki na naman ako. Kaya ko na sarili ko. gagraduate na nga ako next year eh."
"Ah basta! Hindi!" sabi niya sabay hablot ng dyaryo.
"Psh! Minsan na nga lang ako humiling di pa ko pagbigyan!"
bago pa makapag side comment si daddy umakyat agad ako sa kwarto ko at dun nagmukmok. kakainis talaga :/
![](https://img.wattpad.com/cover/1422880-288-k249905.jpg)
BINABASA MO ANG
Summer Melody
Teen FictionNa try mo na bang ma-love at sight? Eh ang ma-love at first hear? Yung feeling na, narinig mo lang yung mala-anghel na boses niya, di na kaagad mawala sa isip mo yung boses na yun? Kung minsan, pati sa panaginip mo naririnig mo ba rin yung boses niy...