Chapter 19: All Good Things Comes To an End

489 11 2
                                        

Chapter 19

::Yuel’s POV::

Simula ng nagkahiwalay kami ni Yuri kagabi, di ko na ulit siya nakita... dahil nga nagrequest akong magbreak muna at kumain, kahit ang totoo niyan e di naman talaga ako nagugutom at nababadtrip lang ako sa di ko malaman na dahilan...

Haaaayyy....

Siguro nabadtrip din sakin yun? :/ eh pano naman kasi noh, kakaumpisa nga lang naman ng praktis namin tas magyayaya agad ako ng break tapos sinungit sungitan ko pa siya... talaga namaaaan... =.=

Namaaan kasi Yuel! Ano ba kasi nangyayari sayo??? Di ba dapat nga, masaya ka dahil kayo na ulit ni Lana... Pero bakit parang di ka pa rin kuntento jan? Psh -.-

Haaaay nako! Tama na nga kakaisip! Mabuti pa at pumasok nalang ako, baka malate pa ko. Bakit ko nga naman ba kasi pinoproblema yun, eh wala naman akong ginawang mali, diba?! >.<

Teka, teka... wala nga ba talaga??

AIIIIISHHHH!!! Nababaliw na ata talaga ako!!! <(>o<)>

Pero teka lang... asan na ba yung dalawa kong magagaling na kaibigan???

*hanap* <.<                     

*hanap* >.>                     

Haaaaay.... -.-

Ay talaga namaaaaan... mukhang iniwan na naman ako. Palibhasa kasama na naman nila mga girlfriend nila eh -.-

Tsk! Makaalis na nga lang. Kahit kailan talaga yung dalawang yun, lagi nalang ako iniiwan. Kakatampo na ahhh -.-

Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko si Lana na nakayuko habang nakasandal sa gilid ng kwarto ko.

“Lana..” tawag ko sakanya at agad din naman niyang inangat ang ulo niya at tumingin sakin habang nakangiti.

Haaaay.... Grabe parang anghel talaga ang ganda niya tapos napaka genuine pa ng ngiti. Whew! >.<

“Loves! Tara sabay na tayo. Madadaan mo naman room ko eh. :D”

Kinurot ko siya sa ilong, gaya ng madalas kong ginagawa sakanya noon.

“Ikaw talaga loves! Sana tinext mo nalang ako para ako na pumunta dun sa room mo. Kaw talaga oh.”

“Eh.. gusto ko surprise eh! :3 so ano? tara? :D” tumango lang ako, tapos ayun naglakad na kami papunta sa classrooms namin.

Haaay... parang bigla ko tuloy naalala si Yuri, yung mga times na sabay kami pumasok nun, tapos kulitan lang kami ng kulitan. Ay ewan pero nakakamiss na ewaaaan >.<

Huh??? Potek! San galing yun? Anong nakakamiss??? Haluuuh!!! Erase erase! Este... a-ah... e-ehh... I-i me-mean... wala! Bigla ko lang naalala! Ah. Oo... tama... ganun nga! Whew >.<

Bigla namang naputol ang pakikipagtalo ko sa isip ko ng biglang nagsalita si Lana.

“Loves, are you okay? You’re spacing out...”

“H-ha? A-ah... eh wala... hmm... inaantok lang talaga ako siguro loves... sorry...”

“Ano ka ba loves, okay lang yun noh. Kaw naman haha! Magpahinga ka nalang mamaya pagkatapos ng klase. Ikaw kasi eh, bakit ba naman kasi ang hilig hilig mong magpuyat, ayan tuloy. Hmp antukin! :P” sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

Bakit ganun? Dati, konting hawak lang niya parang gustung-gusto ko ng gumulong gulong sa kilig, pero bakit ngayon... parang... ewan... para bang... wala nalang? Takteeee! Ano ba talaga tong nangyayari sakiiin??? >.<

Summer MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon