Chapter 24: Goodbye, First Love... </3

440 11 5
                                    

Chapter 24

::Yuel’s POV::

Last night... was indeed, the best night of my life. Grabe di ko akalain na magiging masaya ako ng ganito, yun bang feeling ko wala na kong mahihiling pa, at di ko din akalain na maiinlove ako kay Yuri, kahit pa sandali pa lang kami nagkakakilala. Ni wala pa nga kami gaanong alam sa isa’t isa, pero ewan ko ba, masaya talaga ako pag kasama ko siya eh... tsaka masasabi ko talagang may connection kami hihii :”>

Okay ang gay na ata masyado ng mga pinagsasabi ko. Kasi naman eh, kakakilig lang! XD

Haaayy... pero kung iisipin mo nga naman... sino ba naman ang mag aakala diba? Eh parang dati lang, ang laging bukang bibig ko si Lana at lagi pa ko nag eemo nun ng dahil sakanya tapos yun pala, paunti-unti narin pala akong nakakamove on saknya... problema naman kasi sakin eh, bakit di ko pa narealize agad??? Ayan tuloy, dami ko pang dapat ayusin, at i-settle para maging okay na talaga yung saaming dalawa ni Yuri. Tanga mo lang kasi Yuel eh >.<

Eto tuloy ako ngayon, naglalakad papunta ng garden para makipagkita kay Lana. Grabe lang nakakakaba! Tinext niya kasi ako at may sasabihin daw siya sakin. Waaaaah! Ano naman kaya yun??? >.<

Pagpunta ko ng garden, naaninag ko agad siya na nakaupo dun sa may see-saw habang nakangiting nakatingin sa mga ulap. Ano ba yan, parang ang saya saya niya ngayon, lalo tuloy akong kinkabahan at natatakot! AISH! Bahala na nga! >.<

Umupo ako dun sa seesaw sa tabi niya, pagkatingin niya sakin, napansin kong mas lalong lumaki yung ngiti sa mga labi niya.

Waaaaah! Jusko po, patawarin niyo po ako sa gagawin kong ito pero di ko talaga hahayaan patagalin pa ito, dahil baka mas lalo lang siyang masaktan... ayoko naman mangyari yun... :/

“Yuu!  guess what???” sabi niya habang ngiting ngiti parin kaya naman ngitian ko nalang din siya.

“Ano yun?”

“Pupunta sila mommy dito sa finals natin! Diba ang saya lang??? uuwi pa sila from states para lang mapanuod nila akong magperform hihi :”> at di lang yun, gusto ka din daw nila makita dahil miss ka na daw nila at talaga nga namang natutuwa sila dahil tayo na daw ulit. hihihi :”>” masiglang sabi niya. Siguro nga talagang masaya siya dahil after one year makikita na ulit niya parents niya. Madalang kasi umuwi yung mga yun eh, siyadong workaholic.

Pero teka lang....

ANOOOOOO DAW???!!!! Gusto daw nila akong makita?!?! Hala di pwede to! Takte... paano ko ba sasabihin saknya. Waaaah feeeling ko ang sama sama ko! Tsaka nakakahiya din kaila tito at tita.... Haaalaaaa anon a gagawin ko??? T^T

“Uy, Yuu... is there something wrong? Bakit parang namumutla ka jan? Masama ba pakiramdam mo?” Hahawakan niya sana yung noo ko pero para bang nag automatic yung ulo ko at umiwas bigla sa hawak niya.

“Yu-yuu... may problema ba?” nag-aalalang tanong niya.

Tinignan ko siya diretso sa mga mata niya, at halatang nalungkot sa siya kinikilos ko ngayon... sorry talaga Lana pero... eto na rin siguro talaga ang nararapat... ang malaman mo ang katotohanan... :/  “A-ano k-kasi... I-I’m so-sorry Lana... pero... sa t-tingin ko...” huminga muna ako ng malalim bago ko ituloy yung sasabihin ko. “...kailangan na nating mag b-break...” pagkasabing pagkasabi ko nun, sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha niya.

“H-ha?? You’re k-kidding, r-right? P-please tell me joke l-lang to...” iniwas ko yung tingin sakanya at di malaman kung ano ba isasagot ko. Grabe di ko akalaing ganito pala kahirap ang ganito... >.<

“ J-joke lang to, dba? Ano b-ba Yuel?! Sagutin mo ko!” sabi ni Lana habang niyuyugyog yung braso ko.

“I-I’m s-sorry...”

Summer MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon