Chapter 9: His Favor... :/

559 12 4
                                        

Chapter 9

Isang Linggo na din ang nakalipas simula nung nag outing kami at hanggang ngayon mejo naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko.

Sa isang Linggo na yun, wala pa rin namang pagbabago, si Cai at Zac mukhang nagkakamabutihan na at ganun din naman si Ree at Ri. Pero yung si Yuel? Nako ayun, la pa rin pinagbago, mapang asar pa din, madalas pa rin kami mag away.

Last week din, nagkaroon ng bunutan dun sa klase ni Sir John na kung saan kaming klase maa-assign tuwing sabado, every Saturday kasi yung special class namin.

At sa kasamaang palad kasama ko si Yuel, habang sila Cai, Ree at Zac naman magkakasama. Si Ri lang talaga nahiwalay. Hahaha kawawang bata xD

"Oy bakit tulala ka diyan?" Sabi sakin ni Yuel habang nakatingin pa rin dun sa prof namin na nagdidiscuss about sa Vocal Arts.

"Pakelam mo ba?" Pagtataray ko.

"Tsss.. Sungit talaga. Araw araw ka bang may period at ang init lagi ng ulo mo? HAHAHA!"

"Aba! tala--."

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi napansin kong nakatingin ng masama samin si Ma'am Jade, kaya naman yumuko na lang ako at di na pinansin ang kumag kong katabi. >.<

"Okay class, as I was saying, we will have a little musical play two weeks from now, that will serve as your first exam. So for those who are interested to be a part of the main characters, please go in front and sing this." Tinuro niya yung papel na nakapatong dun sa stand at umupo na.

Natahimik ang lahat, pero may isang babae naman ang naglakas loob na tumayo at pumunta dun sa harap. Grabe ang ganda niya parang model lang, pwedeng pwede siya for the lead role. >.<

"Hi Everyone! I'm Lana Victoria Smith and I want to play the lead role for our upcoming play." Sabi niya matapos ay kumanta na siya. 

(Lana ------>)

Teka...

Lana ba kamo?

Di ba yun yung...--?

Napatingin ako bigla kay Yuel. At gaya ng inaasahan ko, nakatingin nga siya kay Lana. Seryoso yung mukha niya, para bang ang lungkot niya. :/

Haaaayyy bakit ba parang may tumusok sa puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganyan? :l

Nanatili lang akong nakatitig saknya ng di ko namalayan na tapos na pala kumanta si Lana.

"Anybody else?" -Ma'am Jade

Hindi ko alam kung bakit pero parang kusa na lang gumalaw ang mga paa ko at pumunta sa harap.

Waaaah nakakakaba lahat sila nakatingin sakin, maging si Yuel nakatinging, parang lalo pa kong kinabahan. >///<

Pero hindi, andito na to eh. Kaya mo yan Yuri! Aja! >.<

Sa sobrang kaba ko, nakalimutan ko ng magpakilala at nag umpisa ng kumanta.

"On my own

Pretending he's beside me

All alone

I walk with him 'til morning.

Without him, I feel his arms around me

And when I lose my way, I close my eyes and he has found me."

Bigla naman akong napatingin kay Yuel, pero kay Lana siya nakatingin at hindi sakin. Nakakainis naman to! Di niya ba nakikita na may kumanta sa harap niya?! Psh. Palibhasa kasama namin sa room si Lana kaya lahat ng atensyon niya dun lang. HAAAAY NAAKOOOO! >.<

Summer MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon