Chapter 22
Since midterms week ngayon, busy ang lahat ng estudyante sa pagpprepare at pagpapractice ng kanya kanyang performance para mamaya. Grabe kinakabahan ako! First time kong kakanta ng sarili kong composition on stage! Waaaaahhh!!! >.<
“Yuri! Excited na ko magperform mamaya! Hihihi! Grabe matagal ko ng pinangarap to, ang makapagperform on stage! :”>” masiglang sabi ni Cai. Si Ree naman, ayun... kasama si Ri, nagvovocalize na silang dalawa. Isa rin yung dalawang yun eh, masyadong excited. Well sino nga bang hindi, ako lang naman ata tong kabado para mamaya -.-
“Galingan mo mamaya babe ah, ipagchi-cheer kita dun.” Sabi ni Zac sabay kiss sa cheeks ni Cai. Eh di sila na sweet. Kailangan talaga nang iinggit??? -.-
“Opo, babe. Ikaw din pagchicheer kita dun. Ipagchicheer kita ng bonggang bongga! :”>”
“Oy tigilan niyo nga yung pag p-PDA niyo jan. Masyado na kayong nilalanggam -.-“ nagkatinginan lang sila dun sa sinabi ko tapos biglang tumawa.
“BITTER??? HAHAHAHA!!! XD” –silang dalawa
Aish pang asar talaga tong mag jowa na to kahit kailan >.<
“Yow, bro! Di ka ba sasali samin dito? Mag vovocalize na kami.” Sabi ni Ri kay Yuel na kakapasok lang ng room.
Napatingin siya sakin pero agad din naman ako umiwas ng tingin. Haaayysss... awkwaaaaaard... -.-
“Ah di na muna siguro... ayusin ko muna tong kanta ko.” -Yuel
“Uy guys! Di pa ba kayo tatayo jan sa inuupuan niyo? Eh kung nagvovocalize na kaya kayo at nagpapractice na? Parang wala tayong performance niyan mamaya ah! Hahaha!” –Ree
“Hahaha OA mo Ree ah, eh 6 pa naman kaya yun XD may oras pa. Haha” –Zac
“Oo nga Ree! Di ba pwedeng pahinga muna? Hahaha! XD”
“2:30 na kaya! Syempre kailangan maganda ang flow ng voice natin mamaya, diba Ri? *beautiful eyes* :”> ” –Ree
“Oo nga guys, tama si Ree. Mas maigi na yung prepared. So, ano? Tara vocalize?”- Ri
“Sows! Okay fine!” –Zac
Tumayo na kami 3 nila Cai at nag umpisa na sa pagvovocalize na pinapangunahan naman ni Ree.
-----
Pagdating namin sa auditorium, agad kaming pinaupo nung mga taga assist ng performers and audiences dun sa naka assigned na sit para samin at pinabunot kami dun sa fishbowl na hawak niya para daw malaman kung pang ilan kami sa magpeperform.
Waaaah! Haluuh pang ilan kaya ako sa magpeperform? Daya naman kasi eh sana di nalang ako napili dito, sana dun nalang ako sa academic midterm napunta ng di ako kinakabahan ng ganito mamaya niyan pumiyok pa ko. Waaaaah!!! T^T
Bumunot na ko ng papel dun sa fishbowl at dahan dahang binuksan yung laman para may konting suspense. XD
Okay eto na, malapit ko na siya matanaw.
Eto n—
Eh???
Potek bat ganitooooo??? T^T
“Waaaah! Pang 10 pa ko yey! \(^o^)/ Pang ilan kayo guys?” Masiglang sabi ni Ree habang winawagayway pa yung papel na nabunot niya. Eh di siya na masya -.-
“16th pa ko. Waaah ang tagal pa! >.<” –Cai
“Ako pang 6th.” –Zac
“pang 12naman ako! :D” –Ri
BINABASA MO ANG
Summer Melody
Teen FictionNa try mo na bang ma-love at sight? Eh ang ma-love at first hear? Yung feeling na, narinig mo lang yung mala-anghel na boses niya, di na kaagad mawala sa isip mo yung boses na yun? Kung minsan, pati sa panaginip mo naririnig mo ba rin yung boses niy...