Chapter 3
"Baby sis, pwede ba ako pumasok?" Sabi ni kuya.
Inayos ko muna yung mga gamit kong nakakalat kasi nag iimpake na ko ng mga dadalhin ko para bukas. Excited much eh :>
"Kuya pasok ka na."
Pagpasok ni kuya nagulat ata siya sa sobrang kalat ng kwarto ko. parang halos lahat kasi ng damit ko nakalabas na eh XD
"Grabe sis 2 buwan ka lang dun pero parang di ka na uuwi sa sobrang dami ng dala mo ah."
"Eh ang tagal kaya ng 2 buwan tsaka syempre mahirap na maubusan pa ko ng damit noh." Sabi ko habang patuloy pa din sa pag aayos ng gamit ko.
"Hay nako. Eh may laundry naman siguro dun. Nako mabuti pa bawasan mo yang mga dadalhin mo sige ka kaw rin mahihirapan magdala jan."
kung sabagay may point nga naman ang kuya ko. >.<
"Oo na kahit kailan ka talaga kuya hahaha."
Nag umpisa na ko magbawas ng gamit ko at nilagay sila paunti unti sa cabinet ko. Napansin ko may kinuha si kuya na paper bag sa likod niya. Parang bigla namang nagningning yung mata ko kasi nakita ko paper bag siya ng Blue Magic.
"Oh baby sis para sayo. Dalhin mo yan para lagi mo ako maalala."
Eeeeehh! kinilig naman ako sa sinabi ni kuya :"> kahit kailan ang sweet talaga nako. :>
Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Ramdam ko namang nateteary eyed nanaman ako habang yakap yakap si kuya. Mamimiss ko talaga sila ng sobra kahit 2 months lang ako mawawalay sa kanila :/
"Thank you ng marami kuya! ang sweet sweet mo talaga! *kiss sa cheeks* mamimiss kita at sila mommy't daddy ng sobra! Basta ah habang wala ako ikaw muna ang mag asikaso sa kanila alagaan mo sila mabuti tsaka si Ali huwag mo aawayin yun nako lam mo naman yung best friend ko na yun napaka iyakin sino na lang magpapatahan sakanya habang wala ako..."
Umalis na si kuya sa pagkakayakap ko sakanya sabay kinurot ako sa magkabila kong pisngi. Kuya talaga kahit kailan nakakarami na ng kurot mamaya lumapad pisngi ko niyan eh :/
"Oo na po baby girl haba pa ng speech mo eh haha basta lagi ka mag iingat dun ah."
Kiniss ako ni kuya sa noo bago siya umalis ng kwarto at mag good night. Maya maya natapos na din ako sa pag aayos ng gamit at tuluyang natulog na grabe kakapagod mag impake andami ko nang binawas pero feeling ko dami ko pa ring dala >.<
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andito na ko sa may tapat ng kotse ni kuya dahil sila na daw ni Ali maghahatid sakin. Pero syempre hinug ko muna sina mommy at daddy bago ako tuluyang sumakay. Ako naman eto naiiyak kasi naman eh sobrang mamimiss ko talaga sila... :<
Niyakap akong mahigpit ni mommy habang umiiyak.
“Mag-iingat ka anak ha? Tatawag ka saamin ni daddy lagi kung ano na nangyayari sa buhay mo dun. Okay? Maging responsible at magpakabaet. Love na love ka ni mommy..” Sabay kiss niya saakin sa noo.
Awwwwwwwww. Iba talaga ang feeling pag makita ang nanay mo na umiiyak. Nakakatunaw ng puso.
Lumuhod naman si Dad sa harap ko at inayos yung buhok ko.
“Nako. Dalaga na ang baby girl ko! Be a good girl okay? Malaki tiwala ko sayo. Pag may nanligaw sayo dun.. O kahit na kumuha ng number mo o kahit na tingnan ka lang, isumbong mo kaagad saamin ng kuya mo ha? Diba Cavin?” Sabay tingin sa kuya ko.
BINABASA MO ANG
Summer Melody
Подростковая литератураNa try mo na bang ma-love at sight? Eh ang ma-love at first hear? Yung feeling na, narinig mo lang yung mala-anghel na boses niya, di na kaagad mawala sa isip mo yung boses na yun? Kung minsan, pati sa panaginip mo naririnig mo ba rin yung boses niy...