Chapter 5: Sweet Dreams or a Beautiful Nightmare? :>

657 14 6
                                    

Chapter 5

Uwaaaah! *Stretching Stretching*

*tingin sa relo*

Umaga na pala >.<

Pero bakit ganun wala na sila Cai at Ree sa higaan nila?

Hala iniwan na ata nila ako. Huhu. First day of school, LATE AKOOOOO! >.<

Pagkaligo ko lumabas agad ako ng kwarto pero nakakapagtataka kasi parang ang tahimik masyado ng campus tapos ang dilim pa.  EH? Nasan yung mga tao? Nag field trip na ba sila agad? Grabe na toooo. Nasobrahan yata ako sa tulog. Sabagay, Late narin pala ako naka tulog kagabi. >.<

 Maya maya may naririnig na naman akong nagpipiano na parang nanggagaling sa practice room. Di ko alam kung bakit pero parang may sariling utak ata ang mga paa ko at dinadadala ako papunta dun.

Pagpasok ko andun siya…

Si Mr. High Blood…Napahinto siya sa pagppiano at biglang tumingin siya sakin na nakangiti…  Yung ngiti na hindi mapang-asar.. yung ngiti na, nakakatunaw ng puso at sobrang sincere.

“Hey, kanina pa kita hinihintay.” Tapos naglakad na siya papalapit sakin habang nakangiti parin at kitang kita mo sa mga mata niya na parang sobrang saya niya na nakita ako. Siya ba talaga ‘to? Si Mr. High blood na akala mo everyday mag memenopause na at parang ang laki ng galit sa mundo?!

Pero teka… Tama ba yung narinig ko? Ako daw hinihintay niya? Eh parang kagabi lang sinigaw sigawan ko siya ah?! Nakakainis talaga, baka nattrip nanaman tong asungot na ‘to.

Nang nakatayo na siya sa harapan ko, nakangiti parin siya at direktang nakatingin siya sa mga mata ko. Takte. Matutunaw ako sa ginagawa niya. Pakiramdam ko rin, ang init ng muka ko na parang sobrang namumula na.

O////O

“B-b-bakit?”

Di ko alam kung bakit ako kinakabahan.. Hindi ko naman siya gusto para kabahan at makaramdam ako ng ganito. Pero eto na naman tong abnormal ko na puso bumibilis na naman yung pagtibok :/

 Anong meron?! May sakit ba ko sa puso na hindi sinasabi nila mommy? Pero ang pagkakaalam ko wala naman e. Oo. Wala naman talaga. Healthy nga daw akong bata pagkakaalala ko pang sabi saakin ng doctor ko nung huli kong pa-check up sa school namin e. Pero bat ganun? :/

Pero imbis na sagutin niya yung tanong ko, nakatingin parin siya sa mga mata ko, hinawakan niya yung muka ko at nilalapit paunti unti yung mukha niya sakin…

Waaaaah! Eto na ba talaga to? Hahalikan na ba niya talaga ako?? Bat ganun?! Di ko magawang galawin yung paa ko. Kelangan ko nang umalis dito. Inis nga ako sa lalaking to diba?! Pero parang may nagcocontrol saakin na wag muna umalis. 

Shocks! Nararamdaman ko na yung pag hinga niya.. omygosh. Sobrang lapit na ng muka niya saakin. >.< Hahalikan niya nga yata talaga ako. Don’t tell me kaya siya palaging high blood saakin kase, nalove at first sight siya saakin at gusto na niya ako simula palang?? OMG. Ayokong makuha ng lalaking bwisit na to ang first kiss ko!!

Nung nararamdaman kong sobrang lapit na nung mukha niya sa mukha ko, automatic na nagsara na yung mga mata ko..

Cring… Cring… Cring….

"Yuri gising na baka malate pa tayo sa breakfast."

Ha? Teka diba boses ni Cai yun?

Nagulat ako ng pagbukas ko ng mata ko, mukha ni Cai at ni Ree yung nakita ko.

“Huuuuy! Gising na yuri. Haha. At bat nakanguso ka pa dyan ha? Hahaha! Tama na pananaginip sa Prince Charming mong si Mr. Parker. Bangon na uy.”

Summer MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon