Chapter 13: Cailee and Zac <3

487 14 1
                                    

Chapter 13

Kasama ko ngayon sila Cailee at Ree, girl bonding naman daw since matagal na daw ako di nakakasama sakanila dahil lagi ko nalang daw kasama ang "boyfriend ko".

Tsss... Eh kasi naman eh, sya kaya lagi humahatak sakin. Haaaay =.=

"Uy sis, lam mo namiss ko talaga bonding nating tatlo! Kaw kasi eh, yung boylet mo na lang lagi kasama mo... Kakatampo lang." :l -Ree

Ay boylet talaga? Adik lang? hahahaha XDDD

"Oo nga! Pero nako teh! dami rin kaming chikaness sayo!!!" masiglang sabi ni Ree habang naglalakad kaming tatlo dito sa park malapit sa school. Linggo na naman kasi eh kaya yun, gala mode XD

"Oh, ano naman chika niyo?"

"Nagconfess sakin si Ri nung isang gabi after nung class with Mr. Pogi, Aka Prof Parker, na like daw niya ko with matching redrose pa at kanta! Hihihi grabe lang teh! Kilig to the bones aketch!!! :">"

Waaaahhh!!! Nakakatuwa naman! Kahit pala di kami masyado nagkakasma samang tatlo eh may nagiging improvement na pala sila sa mga crush nila, moving closer pa! xD

"Yiiiieee!!! Kayoo na! hahaha ang sweet naman ni Ri! Eh ano naman sinabi mo sakanya?"

"Ah... Sabi ko... G-gusto ko rin siya... Hihihi..." Grabe halatang kinikilig talaga etong si Ree haha parang kala mo kamatis na yung mukha niya sa sobrang pula! XD

"Yiiiiee! Kayoo na talaga!" Sabay hampas sa braso ni Ree

"Aray ko naman teh! Sakit ah! Tsaka anong kami na, eh kaw nga tong naunang mag lovelife samin ni Cai eh! Hahaha!"

"Oo nga sis. Nako swerte mo nga eh, at mukhang seryoso naman si Yuel sayo." Sabi naman ni Cai

Seryoso? More like pagpapanggap na seryoso para dun sa ex niya. Haaaay... =.=

Bitter much lang Yuri? Hahaha >.<

"He-he... Hay nako! Oo na lumalovelife na din ako. Psh. -.- Eh kaw ba Cai, musta na kayo ni Zac?"

"A-ah... Eh... di ko lam eh... I mean wala naman kasi siya sinasabi sakin... Pero... ay ewan! Minsan kasi sweet siya sakin eh tapos lagi niya akong sinasamahan pag lunch... pero di ko pa talaga lam... wala naman kasi siyang sinasabi eh.."

"Haaay nako Cai! Yaan mo aamin din yan sayo next time! Baka natotorpe lang si Zac! Malay mo naman diba? Pero kung wala talaga, dami pa naman iba jan eh." -Ako

"Oo nga! Think positive lang! tignan mo nga tong si Yuri eh, naunahan pa tayo eh samantalang noon enemies sila ni Papa Yuel, ngayon, mag BF/GF na!"

Adik talaga tong si Ree hahaha! XD Ako talaga ginawang example? Pero kung sabagay, sino nga naman ba kasi mag aakala na magiging boyfriend-kuno ko siya. Hahaha! XD

"Kung sabagay... Hay nako... Tara na nga, mabuti pa e kumain nalang tayo ng ice cream! Ayun oh kay manong sorbetero." turo ni Cai

Weeee ice creaaaam ba kamo?! Waaaah! Tagal ko ng di nakakain nun ahh! Yummy! :">

Alala ko tuloy si mommy... Sila kasi lagi kasama ko kumakain ng ice cream lalo na pag pumupunta kami ng park... I miss them so much. :< kamusta na kaya sila dun? Tagal na din kasi ako di nakakatawag eh, la load. Haaays =.=

*PAAAAAK!*

"Araaaay!!! Bakit kayo nambabatok???" Sabi ko habang hinihimas himas yung magkabilang side ng ulo ko na binatukan nila. Sakit nun ah, double batok pa haaaay -___-

"Eh kasi naman Yuri, Kami nga yung kasama mo, pero yung utak mo, lumilipad na naman papunta kay Yuel. Nako nakakatampo ka na talagaaa... Di mo na kami love :<"  

Summer MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon