Chapter 11
::Yuel's POV::
Kakatapos lang namin kumain ni yuri at napagpasiyahan namin na sa rooftop muna kami pumunta para makapagpahangin at tambay na rin.
Tahimik lang ang buong hallway, parang halos lahat ata ng estudyante ay nasa kani kanilang mga kwarto na at nagpapahinga tapos isa pa tong si Yuri kanina pa hindi umiimik. Haaaay awkward silence tuloy >.<
Iniisip pa rin niya kaya yung pagkiss niya sakin kanina sa canteen? Pagkatapos kasi nun madalang na lang siya umimik eh, nagsasalita lang siya pag ako namamansin...
Alam ko namang ginawa niya lang yun para pagselosin si Lana kasi aminin ko man o hindi eh, nasaktan talaga ako nung nakita ko si Lana at si Greg na magkasama tapos parang ang saya saya pa nila, nakakaselos lang... Eh siguro napansin niya.
Pero dahil dun sa ginawa ni Yuri, ewan ko pero feeling ko nawala yung lungkot ko at parang bigla kong nakalimutan yung problema ko. Baka di ko lang talaga akalain na gagawin niya yun. Phew. >.<
"A-ah... Yuri..." sabi ko para lang basagin yung katahimikan.
"O?"
Grabe naman tong babae na to! pagkatapos niyang di magsalita at lahat tipid pa kung makasagot. Aiiiish parang la naman siya kasama. Ay bahala na nga! Magpapasalamat na lang ako dun sa pagtulong niya sakin kanina >.<
"Hmm... Salamat."
"Salamat saan?"
"Dun sa ginawa mo kanina... dun sa... c-canteen..." Napansin ko namang namula siya pero hindi pa rin siya tumitingin sakin.
"A-ah... Y-yun ba... wala y-yun! Hahaha!"
Nakadating na kami sa rooftop at agad naupo dun sa usual na pwesto namin at tinitignan ang mga stars.
"Yuri."
"Oh?"
"Kanta ka naman. Ang tahimik mo eh! Hahaha para naman kahit papano alam kong may kasama ako." XD

BINABASA MO ANG
Summer Melody
Teen FictionNa try mo na bang ma-love at sight? Eh ang ma-love at first hear? Yung feeling na, narinig mo lang yung mala-anghel na boses niya, di na kaagad mawala sa isip mo yung boses na yun? Kung minsan, pati sa panaginip mo naririnig mo ba rin yung boses niy...