Chapter 12
Dreams
Gaya nga ng inexpect ko, madugo ang sinolve naming problem sa accounting kanina. Parang nawalan ako ng energy kahit na 3 problems lang 'yon, nakakapanghina.
"Kumusta first day with your habibi?" si Erin yan. Nakatambay kami dito sa Infinitea dahil nagrereview ako para sa Rizal quiz mamaya. Kaklase ko s'ya sa subject na yun eh.
"Wala. Nainis lang ako sa kanya."
Kinuwento ko kay Erin ang nangyari kagabi at kanina. And as usual, inaasar n'ya na naman ako. Tapos sabi n'ya pa sa akin na itabi ko daw yung box na kinainan ko kanina kasi bigay daw sa akin yun ni Nix. Lagyan ko daw ng date tapos ilagay ko daw sa box of hope, ewan ko ba sa babaeng 'to.
"Alam mo sobrang sipag mag-aral ni Rizal no? Yung dedikasyon n'ya sa pag-aaral ang hirap pantayan." Erin said while sipping her tea.
"Well gusto n'ya naman kasi yung ginagawa n'ya eh. Kaya tingnan mo naman yung mga libro na pinublish n'ya tinatangkilik ng karamihan, dahil bukod sa galit n'ya sa mga Spaniards, mararamdaman mo kung gaano n'ya kamahal ang bayan n'ya. Kasi yung puso n'ya nand'yan sa bawat pahina ng papel na binabasa natin." sabi ko naman.
"Sabagay. Kapag gustong-gusto mo talaga ang ginagawa mo, walang kahit na sino mang tao ang makakahadlang sa'yo." sagot n'ya.
Minsan may mga ganito kaming conversation ni Erin. Yung tipong ang pag-uusapan namin ay ang mga malalalim na topic dito sa mundo. We don't laugh when we talk about those things kasi nakakasira ng mood. Depende na lang kung may topic na maipapasok na mapapatawa ka talaga.
Dreams, parallel universe, aliens, conspiracy theories, basta marami!
Siguro kaya rin kami nagkakasundo sa mga ganung bagay dahil pareho kaming geek. We always crave for information. Gusto naming nireresearch lahat ng bagay.
And speaking of lahat ng bagay...
"Yes hon. Siguro one month na lang then I will break up with him, I'm just gathering some information kasi ipapasa ko din kay Daddy eh." sabi ni ate girl sa likod ko. Based on her speaking voice, kilala ko s'ya. Hindi ko alam kung sino yung hon na tinatawag n'ya , at kung kanino s'ya makikipag-break.
But I smell something fishy.
Something like...unfaithfulness?
Cheating?
Ewan. Ayokong makialam.
Umalis na kami ni Erin sa Infinitea dahil may klase na kami pero yung utak ko nandoon pa rin. Gusto ko pa ring marinig yung usapan nila sa phone. Nacucurious talaga ako eh. Pero mamaya ko na nga iisipin 'yon, magququiz nga pala ako hmpfs.
Binigay sa akin ni Ma'am Julian yung test paper. Sabi n'ya magkaiba daw yung qinuiz nila dito sa iququiz ko for the sake of integrity, honesty, and chenelyn eklavu. Ewan ang daming pauso.
50 items yung quiz pero nasagutan ko naman atsaka madali-dali lang. Tungkol lang naman sa pagpunta ni Rizal sa Japan kung saan nakilala n'ya si Seiko Usui. Nabasa ko na 'yon dati eh kaya medyo madali s'ya para sa akin.
Bumalik ako sa klase at pinagtatalunan nila yung pagiging cassanova ni Rizal. Sabi nung mga conservative kong classmates bakit daw naging pambansang bayani si Pepe eh sobrang dami naman daw ng naging babae nito. Hindi daw magandang impluwensya sa kabataan. Sabi naman nung isa kong classmate na medyo open minded eh bakit daw kailangang ipako sa Krus si Rizal sa ganoong kasalanan, hindi naman daw 'yon ang batayan ng pagiging isang bayani. Yung mga apostle nga daw ni Christ mas makasalanan pa daw kay Rizal pero naging santo naman. Unfair daw.
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomanceNobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesisyon na ituloy ang kasalan na 'to. I was forced to marry the guy that I love. But the sad thing is h...