Chapter 30
Eavesdrop
Parang pumikit lang ako tapos ngayon December na! Ang bilis ng araw parang nagfafast forward lang ang mga nangyayari.
Sobrang busy na rin kasi malapit na ang Christmas break namin. Lahat ng revisions sa thesis inaayos na namin dahil pagpasok ng January ay mock defense na. Kinakabahan nga ako kasi nagkaroon ng kaunting glitch sa data, mabuti na lang at naayos ni Irvin, yung thesis mate ko kaya naituloy namin yung pagi-stats.
"Bakit kasi ayaw sa atin ipagamit ni Ma'am Jane ang SPSS. Edi sana matagal na tayong tapos sa stats hindi yung minamano-mano natin sa Excel." reklamo ni AC, thesis mate ko rin. Apat kasi kami sa study na 'to pero sobrang dami naming kailangang kunin na respondents kaya kayod talaga kami. 500 respondents yata ang target namin for this research, iniimagine ko pa lang gusto ko nang mamahinga.
Joke.
"Irvin pa-proofread nga nito. Hindi kasi ako confident sa explanation ko eh." iniabot ko kay Irvin yung laptop. Sobrang sakit sa batok nitong ginagawa namin. Feeling ko magcacrack na lahat ng bones ko kapag humiga ako sa kama mamaya. Nakakapagod.
"Asia may nahanap ka na bang place na pwede nating pag-conductan ng second batch ng survey? Kung wala pa may alam ako na pwede nating puntahan kaya medyo malayo sa QC, okay lang?"
"Saan? Okay lang kahit malayo dito basta makapag-conduct tayo ng survey. Di pa rin kasi ako nakakahanap kasi sobrang daming inaasikaso sa council, malapit na kasi yung charity event namin eh."
Natapos kaming mag-meeting ng alas kuwatro ng hapon. Nagugutom na ako dahil 3 hours namin nirevise yung study namin. Gusto kong kumain ng something sweet, hay ewan ko.
Tinext ko si Erin. I asked her kung nasa school ba s'ya dahil magpapasama ako sa kanya na bumili ng ice cream sa labas eh kasi pampatanggal ko kasi yun ng stress eh huhuhuhu.
From Erin:
Patapos na class ko. Hintayin mo na lang ako sa may bench, labas tayo. Loveyou!
Nakahanap ako ng bench na pwedeng maupuan. Nagugutom na talaga ako pero gusto kong kumain ng ice cream. Hay Asia! Ano ba talagang gusto mo?
I was about to put my earphones on nang may biglang umupo tabi ko.
Si Nix.
"Tapos na class mo?" I slowly nod.
"Hinihintay ko lang si Erin kasi magpapasama ako sa kanya na kumain ng ice cream sa labas." ramdam ko yung lungkot ng tono ko, ganito na ba talaga ako ka-stress?
"Why? You're craving?"
"Oo atsaka pampatanggal din ng stress. Dami kasi naming kailangang tapusin eh, tapos yung sa charity inaasikaso ko pa next week na kasi 'yon eh." hindi ko na napigilan ang mapabuntong hininga dahil sa sobrang daming gagawin. Di ko alam kung paano ko pagkakasyahin ang kakarampot na oras para sa lahat ng mga ganap.
Ginulo-gulo n'ya ang buhok ko. Bakit trip n'yang guluhin ang buhok ko?
"Tara!"
"Ha?"
"Labas tayo. I'll treat you ice cream."
Parang nakalimutan kong may hinihintay akong kaibigan dahil sumama agad ako kay Nix nung sinabi n'ya 'yon. Sorry Erin kong mahal, mas importante ang ice cream sa akin ngayon huhuhu! I texted her na lang. Sabi ko may kumidnap sa akin na matangkad na lalaki tapos nagi-spark yung lips na gusto akong ilibre ng ice cream hehehehehe.
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomanceNobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesisyon na ituloy ang kasalan na 'to. I was forced to marry the guy that I love. But the sad thing is h...