Chapter 31
Behind those lies
"Nix...I'm sorry."
'Yun lang ang nasabi ko, hindi ko na alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.
"Sorry? You're saying sorry for what?" he looks confused. Parang hindi pa nagreregister sa kanya ang mga narinig n'ya kanina. "I'm sorry because I kept this to you. It's just that---"
"Can you explain to me everything? Wala akong maintindihan eh. Ano 'yung di ko dapat malaman? Ano yung alam mo kay Trina na hindi ko alam?" he looks really angry the way he asks those questions.
Natatakot ako.
"Naaalala mo ba yung lalaking kasama ni Trina? The night after the music festival, you caught the two being sweet right?" I'm trembling. "Naaalala ko. Anong meron sa gagong 'yon?" walang gana n'yang sagot.
"The real thing is Trina didn't cheat on you. That guy is her long-time boyfriend." unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. Yung pagtataka naging galit, galit na hindi ko gugustuhing makita pero ngayon ay nasasaksihan ko na.
"What the fuck? Are you kidding me? Ba't n'ya naman magiging boyfriend 'yon eh ako kasama n'ya sa loob ng tatlong taon? What the hell is wrong with you?" galit n'yang sabi. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Saan ba ako magsisimula? Pag sinabi ko ba ang totoo sa kanya, paniniwalaan n'ya kaya ako?
"Hindi kita niloloko, bakit naman kita lolokohin? That guy is her longtime boyfriend. Ang totoo nga eh ginagamit ka lang ni Trina, Nix. Ginamit ka lang n'ya." It was a very serious moment for me pero di ko inasahan na tatawanan n'ya lang ako. Hindi n'ya nga talaga ako kayang paniwalaan.
"Hahahahaha! Why are you saying this to me? How? Paanong naging sila? I've been with Trina for the past three years at wala akong nakitang signs na niloloko n'ya ako so paano mo maeexplain sa akin ang lahat ng 'to?"
Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang mga katanungan n'ya. Kayanin mo puso, ha? Kahit ngayon lang.
"Trina's dad made those plans. Ginamit ka n'ya, she let you fall in love with her para makakuha ng details about your company. At ngayon, sinong nagsusuffer? Kayo, yung company n'yo." Di ko na napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang totoo. I'm sorry dad, I'm sorry Tito Gerard pero kailangan na pong malaman ni Nix ang lahat ng ito. Pasensya na po.
"What? Paanong nagsusuffer ang company namin? Are you saying that Trina spied our company by using me as a source of information?"
"Exactly."
Nagpunta s'ya sa sala at naupo sa sofa. Ako naman ay sinundan ko lang s'ya pero hindi ko s'ya tinabihan dahil baka mamaya sa akin n'ya ibuhos lahat ng galit n'ya.
Kinakabahan ako.
Kinakabahan talaga ako.
I keep on biting my nails dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makahinga, at ngayon ko lang din naalala na hindi pa ako nakakainom ng gamot.
Matagal s'yang nanahimik bago n'ya kinuha ang cellphone n'ya sa kanyang bulsa. Sinong tatawagan nito?
"Dad? I'm leaving. I don't want to live here anymore. Babalik na po ako sa States."
Ano daw? Aalis s'ya?
"My decision is final. I can't live here anymore, alam ko na ang lahat. Stop fooling me, hindi po ako tanga."
Parang nabibiyak ang puso ko sa kaloob-looban nang marinig ko ang sinabi n'ya. Akala n'ya ba niloloko namin s'ya? Akala n'ya ba kunwari lang ang lahat ng ito? Bakit hindi n'ya magawang maniwala sa akin?
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomanceNobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesisyon na ituloy ang kasalan na 'to. I was forced to marry the guy that I love. But the sad thing is h...