Chapter 47
My First & Last
"Wifey ba't ang tahimik mo?"
I've been on his car for several minutes already but I didn't even glance at him, hindi rin ako nagsasalita. I'm just giving him cold shoulders right now.
Sino ba naman kasing matutuwa na makita mo yung boyfriend mo na biglang yakapin ng ex-girlfriend n'ya, di ba?
"Asia, may problema ba? Anong sabi sa lab results mo? Okay ka na daw ba?"
Hindi ko pa rin s'ya sinasagot. Ayokong magsalita habang galit dahil baka iba ang masabi ko at pagsisihan ko rin bandang huli. Kinuha ko na lang yung phone ko at pinasak ko yung earphone sa tenga ko.
Narinig ko ang mahinang pagmumura n'ya. He's pissed, well quits lang kami. Hininto n'ya ang kotse sa gilid ng kalsada pagkatapos ay tinanggal ang earphone ko.
"What's your problem?!" nasigawan ko s'ya.
"Ikaw, what's your problem? Kanina pa kita kinakausap but you keep on ignoring me. May ginawa ba akong kasalanan? Ano? Stop giving me cold shoulders. Asia naman!"
Hindi ko na napigilan na mapaiyak dahil naghalo-halo na lahat ng nararamdaman ko. Mula kanina sa hospital hanggang sa kanina nung nakita ko na niyakap s'ya ni Trina. I know that he didn't hug her back but I can't control my feelings, my emotions.
"I saw you and Trina. She hugged you from the back. You didn't inform me na magkikita pala kayo, so how's the feeling meeting your ex? Your first love?" I sound so bitter dahil puno ng inis itong puso ko ngayon. He asked me to spill this so he have to take these hurtful words that I am saying right now.
"What? Just because of that? I didn't even know that she's there. Nagulat na lang din ako na bigla n'ya akong niyakap. Asia naman, we already talked about this di ba? Atsaka Trina is not my first love, ikaw ang first love ko." I know that all of the things that he said was true but I really can't help my emotions right now. Parang gusto kong sumabog.
Natahimik ako sandali. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil alam ko na hindi maganda para sa akin itong nararamdaman ko. Kakasabi lang ni Doc Suarez kanina na hindi ako pwedeng makaramdam ng grabeng emosyon. Kaya naman nag-inhale at exhale ako ng ilang beses at nag-isip ng bagay na pwede kong sabihin sa kanya.
Alam ko na hinihintay n'ya akong magsalita at nakikita ko rin mula peripheral vision ko na inoobserbahan n'ya ako.
"Anong sinabi n'ya sa'yo? Nakikipagbalikan ba s'ya?"
"Nope. She just told me that she's getting married next week and she's inviting us to attend her wedding but I already said no. Okay na?"
Para akong nabunutan ng tinik sa puso. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay at dali-dali akong dumiretso sa kuwarto ko without even saying a word to him.
Nakakahiya kasi.
Nasigawan ko s'ya, nasabihan ko s'ya ng kung ano-ano dahil sa jealous self ko at dahil sa emosyon kong di ko rin maintindihan.
Di ko s'ya kayang harapin huhuhu!
Itetext ko sana si Erin kaya lang biglang may kumatok sa pinto. Sino pa ba kakatok? Kami lang naman dalawa ang nandito.
Di ako nagsasalita pero habang patagal ng patagal, palakas ng palakas yung katok n'ya hanggang sa narinig ko na lang ang pagpihit sa door knob ko at iniluwa nito ang boyfriend kong di ko maintindihan ang facial expression.
Nakita ko sa kamay n'ya ang master keys. Madaya.
Naupo s'ya sa tabi ko pero umusog ako.
"I thought we're okay already? What's the problem ba? Wifey, tell me." lumapit s'ya sa akin pagkatapos ay hinapit ang bewang ko kaya hindi na ako nakawala.
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomanceNobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesisyon na ituloy ang kasalan na 'to. I was forced to marry the guy that I love. But the sad thing is h...