XXXV

2.5K 113 27
                                    

(Sorry for the typos, wrong grammars, and everything. English is not my first language)

Chapter 35

Cassandra

"Ouch! Masakit." 

"Tiisin mo lang para gumaling agad."

Ayun, nandito kami ni Nix sa may bench dahil ginagamot n'ya sugat ko. Yung tingin ng mga kasama namin sa amin kakaiba eh! Obvious na may malisya sa kanila itong ginagawa ni Nix.

"There. Huwag ka munang maglalakad ah. Your feet will hurt, baka magdugo ulit 'yan."

"Opo sir."

Hindi n'ya ako iniwan dito, nakabantay lang s'ya sa akin and he's making sure na hindi ako aalis. Para tuloy bigla akong nagkaroon ng body guard.

Iniabot ko na lang kay Tessa yung pera na ipapamigay sa mga bata. Si daddy kasi sabi sa akin bigyan daw namin ng tig-500 yung bawat bata dito sa Luneta para daw wala naman daw uuwing luhaan. 

Pinagmamasdan ko lang sila na tuwang-tuwa habang tinatanggap yung limang daang piso. Para sa kanila malaki na ang halaga ng pera na 'yon, malaking tulong na sa kanila. Makakabili na sila ng bigas at ulam para sa pamilya nila. 

Bakit kasi ang hirap ng buhay?

"You love charity?" he asked in the middle of our silence.

"Oo. Simula pa lang nung bata ako pag sinasama ako ni mommy at daddy sa mga charity events nila, tuwang-tuwa ako lalo na kapag sa mga hospital. Tinutulungan namin yung mga bata do'n na may cancer. Sobrang fulfilling lang sa buhay."

Malinaw pa sa alaala ko ang lahat ng 'yon. Lalo na nung 12 years old ako, may napuntahan kaming hospital somewhere in Malabon, may three years old doon na nakaratay na may congenital heart disease tapos ang bumubuhay na lang sa kanya eh suwero dahil hindi na rin s'ya makakain. Kinumbinsi ko talaga si daddy na tulungan yung bata na 'yon, her name is Klea, pinadala namin s'ya sa Manila para magamot. Kaya lang hindi na rin inabot dahil four days after n'yang maconfine sa St. Lukes, binawian na rin s'ya ng buhay.

Kaya sana yung mga batang 'to wala silang malulubhang sakit. Mahirap kasi eh, first hand experience ba naman.

"Are you alright?" he tap my back. Hindi ko rin napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Bakit ba sobrang soft kong tao? Huhuhuhu.

Pinunasan ko muna ang mga luha  sa pisngi ko.

"Oo naman." 

Umalis s'ya sa tabi ko at may kinuha yata. Hindi ko alam pero parang bigla akong nasaktan.

Wow ha.

Nilapitan ako ni Knight at may inabot s'ya sa aking chocolate.

"For you. Kanina ko pa sana gustong ibigay sa'yo yan kaya lang di kita mahagilap kasi sobrang busy mo. Di ka naman siguro nagdidiet, di ba?" 

"Thank you. Hindi naman ako nagdidiet kaya okay lang sa akin ang chocolates."

Nanahimik kaming dalawa bago s'ya ulit nagsalita.

"Okay ka na ba? How's your feet and your knee?" tanong n'ya.

"Ayos na, ginamot na ni Nix."

"Close talaga kayo, no?" 

"Hmmmm okay lang? Childhood friend ko kasi s'ya eh."

Atsaka asawa na din, char!

"Talaga? Parang di mo nakuwento sakin yun." 

"Oo. Kaya lang pumunta kasi sila sa States tapos bumalik lang sila sa Pilipinas dahil dito s'ya nag-college. Actually, wala talaga akong alam sa buhay n'ya ngayon. He's secretive kasi." 

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon