Chapter 37
Healing Process
It was a very long day for us.
Wala pa naman kaming gaanong ginawa ngayong araw pero parang pagod na pagod ako. Halos nagkukuwentuhan lang kami buong araw at nagpakilala lang sa isa't-isa. Marami na rin akong nakilalang iba pang farmer dito at nakakatuwa lang dahil sabi nila tuturuan daw nila kami bukas kung paano magsaka. Naeexcite na tuloy ako wala pa man.
Kasama ko si Ate Cass sa kuwarto, si Nix naman ay nasa kabila at mag-isa lang s'ya do'n. May kutson kaming hihigaan at nakabalot ito sa sinasabi nilang kulambo. Ang galing nga eh! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sabi nila para daw hindi kami kagatin ng lamok kaya binigyan nila kami ng kulambo.
8:34 pm pa lang pero nakapag-dinner na kami at halos lahat ng kasama namin kanina ay mukhang natutulog na ngayon. Maaga pa daw kasi silang gigising bukas para magtanim. Kaya ako heto, hindi pa dinadapuan ng antok. Ganitong oras kasi sa Manila, pauwi pa lang ako ng bahay galing school.
Kinuha ko na lang yung phone ko at mag-fafacebook sana kaya lang walang signal. Hay paano ba ako mabubuhay nito?
"Hindi ka pa inaantok?" tanong ni Ate Cass bago s'ya mahiga sa tabi ko. Oo, iisa lang ang higaan namin at okay lang naman.
"Hindi pa ate eh. Sa Manila kasi ganitong oras kakauwi ko lang galing school." sagot ko.
"Walang signal, no? That's the reason why I enjoy going to this place. Walang social media, malayo sa mga toxic na tao."
"Ay grabe ate! May hugot ka do'n, no?"
Natawa lang s'ya sa sinabi ko.
"Uhmmm slight? Oh ikaw, kumusta ka na? May nahanap na daw bang donor mo?" tanong n'ya sa akin out of the blue. Medyo nalungkot na naman tuloy ako dahil do'n.
"Wala pa po eh. Sabi po kasi ng doctor ko mahirap daw akong hanapan ng donor dahil sa blood type ko. Pero sana merong mabait na tumulong."
"Meron 'yan, tiwala lang. You just have to believe and pray for it. Oo nga pala, what happen to you and Phoenix? I heard that you're not okay?"
Ganun ba ka-obvious na hindi kami okay? I mean na hindi ako okay sa kanya? Ang transparent ko talaga, nakakainis.
"You can tell it to me. Promise I will keep it a secret."
Paano ko ba sasabihin ang lahat?
"Nagbitaw kasi s'ya ng masasakit na salita sa akin when he found out that all this time may alam ako sa totoong agenda ni Trina sa kanya. Sinabi n'ya sa akin na simula daw nung kinasal kami nagulo na ang buhay n'ya, malas daw ako, ganun. Sobrang sakit, ate. I start questioning myself kung may masama ba akong ginawa para maramdaman yung ganung klase ng sakit."
Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nagkukuwento. Sariwa pa rin pala hanggang ngayon ang sugat, yung sakit ng mga salita ang hirap kalimutan.
"Hay that kid. Huwag kang mag-alala papaluin ko sa pwet 'yon bukas. Alam ba ng daddy mo ang nangyari? Kasi nung tinanong ko si Tito Leo kung bakit ka naospital ang sabi n'ya lang sa akin ay stress ka sa acads."
"Ayoko pong sabihin kay daddy kasi for sure pag-iinitan no'n si Nix. Baka masira pa ang friendship nila ni Ninong Gerard pag sinabi ko."
"You're too precious for this world, Asia. I hope that my brother will realize that."
...
"Ayan diinan mo yung paglagay para maayos yung tubo ng palay." turo sa akin ni Mang Ric. Nagtatanim kasi kami ng punla. Nirequest ko kasi sa kanya 'to kahapon kaya lang konti lang daw ang gagawin ko dahil baka daw mapagod ako kaagad. Kaunti pa lang nagagawa ko compare sa kanila eh pero nararamdaman ko na yung pagod.
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomansaNobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesisyon na ituloy ang kasalan na 'to. I was forced to marry the guy that I love. But the sad thing is h...